Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1528 - Hindi Ganun Kasimple (1)

Chapter 1528 - Hindi Ganun Kasimple (1)

Tirik na tirik ang araw at wala ni isa sa labas ng Cloudy Brook Academy ang nangahas na pumasok sa pinto nitong nakabukas. Kinakabahan na ang mga batang nasa labas pero nanatili silang naghintay sa labas.

Pagkalipas ng ilang sandali, isang lalaki ang naglakad palabas ng Cloudy Brook Academy. Mas nasabik ang mga kabataan dahil sa kaniyang pagpapakita.

Inilibot ng lalaki ang kaniyang tingin sa mga kabataang nasa harap ng Academy. Nang mapadpad kay Jun Wu Xie ang kaniyang tingin, saglit iyong nanatili bago nagpatuloy sa pagtingin sa mga batang nasa kaniyang harapan bago siya nagsalita: "Lahat kayong naririto ngayon ay nagnanais na makapasok sa Cloudy Brook Academy. Hindi na ako magsasalita ng mahaba, pero ito lang ang inyong pakatandaan. Ang sinumang pumasok sa Cloudy Brook Academy ay hindi maaaring lumabas hanggat hindi pa niya naaabot ang pamantayang itinalaga ng academy. Mayroon lang isang araw sa loob ng isang buwan na kayong magpahinga. Ngunit ang mga nakapasa lang sa buwanang assesment ang papayagang lumabas ng academy. Sana ay malinaw iyon sa inyo. Sa oras na tumapak kayo sa Cloudy Brook Academy, kailangan niyong sumunod sa aming panuntunan. Ang sinumang hindi sumasang-ayon dito ay maaari nang makaalis ngayon."

Hindi malakas ang boses ng lalaki ngunit malinaw iyong pumapasok sa tenga ng mga kabataang naroon.

Ang panuntunan ng Cloudy Brook Academy ay hindi na lihim sa lahat. At dahil sa pinaghirapan nilang makaabot sa puntong ito, wala sa isip nila ang sumuko.

Pagkatapos ng ilang minutong paghihintay, walang umalis sa mga kabataang nakatayo sa labas ng Cloudy Brook Academy.

Doon ay nagsalitang muli ang lalaki: "Lahat kayo, maaari na kayong sumunod sakin papasok ng academy."

Tumalikod na ito at nagpatiuna nang lumakad. Ang mga tauhan ng iba't ibang palasyo ay pinalakad na ang kanilang mga bagong recruit. Naglalakad sila ng grupo sa grupo habang si Jun Wu Xie ay mag-isang naglalakad.

Nakatayo sa ilalim ng puno si Su Jing Yan habang pinapanood si Jun Wu Xie. Napangiti ito at bumulong sa sarili.

"Nararamdaman kong mayroong isang magandang palabas na magaganap."

Napuno ng pagkasabik ang puso ng mga kabataang papasok na ngayon sa Cloudy Brook Academy, hindi nila mapigilan ang kanilang mga sarili sa pagtingin sa paligid.

Malawak ang kinatatayuan ng Cloudy Brook Academy. Sa halip na tawagin itong isang academy, mas bagay ata itong tawagin na isang siyudad. Sa loob ng academy, ilang lofts ang makikita na mayroong ilang palapag. Sa harap ng mga loft na iyon, ilang estudyante na nakasuot ng uniprome ng Cloudy Brook ang nakatayo at malamig ang tinging ibinibigay. Tila ba sinasabi ng kanilang tingin na wala silang pakialam sa mga bagong salta.

Tahimik sa loob ng academy, tanging ang tunog lang ng mga yabag ang maririnig. Kasabay ng malakas na pagtibok ng kanilang mga puso dahil sa kaba. Hindi sila nangahas na magsalita at nagpatuloy lang sa pagsunod sa lalaki.

Hanggang sa wakas ay makarating sila sa isang loft na may pinturang puti.

Tumigil sa paglalakad ang lalaki at humarap sa mga kabataang nakasunod sa kaniya.

"Ngayon kailangan niyong maghati sa mas maliliit na pangkat ayon sa kompetisyong inyong sinalihan." Inangat ng lalaki ang kaniyang kamay at sumenyas na maghati sa apat na grupo. Apat na grupo na ibig sabihin ay Spirit Power, Ring Spirit, medical proficiency at innate gift.

Ang mga kabataang naggrupo ayon sa palasyong kanilang sinalihan ay naghiwa-hiwalay at nagtungo sa grupo ng naaayon sa kompetisyon. Sa loob ng grupo ay muli nilang hinanap ang kanilang mga kasama na base sa palasyong kanilang kinabibilangan.

Tatlong lalaki ang lumabas ng loft. Tumayo sila isa-isa sa harap ng spirit power, Ring Spirit at medical proficiency.

"Ngayong kayo ay maayos nang nakagrupo, sundan niyo ang taong nasa harap ng inyong grupo." Utos ng lalaki.