Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1520 - Paghahabol sa Kandidato (2)

Chapter 1520 - Paghahabol sa Kandidato (2)

Tanging ang mga Elders lang ng Twelve Palaces ang may kakayahang maabot ang Purple Spirit third stage. At ngayon, talagang pinadala ng Twelve Palaces ang mismong Elder nila!

Lihim na napangisi si Jun Wu Xie.

Gaya ng inaasahan niya, kumagat ito sa kaniyang patibong.

Dahil sa Spirit Reinforcement ay nangamba ang mga taga-Twelve Palaces.

Sa grupong nasa harapan nila Jun Wu Xie, mayroon siyang nakitang isang pamilyar na mukha.

Nakangiti si Su Jing Yan habang nakatitig naman ang mga Elders ng Twelve Palaces dito.

"Congratulations sa inyong lahat. Kayong mga nakatayo dito ay ang mga elite ng Innate Gift Competition at bilang premyo sa inyong ipinamalas na galing, sigurado na ang seguridad ng inyong kinabukasan." Saad ng isa sa mga lalaking naroon. Gayong ang sampu ang kaniyang binabati, paulit-ulit siyang tumitingin kay Jun Wu Xie.

Huminga ng malalim ang siyam na kandidato. Matapos silang batiin, bumakas sa kanilang mga mukha ang pagmamalaki at galak. 

Sinundan ng tingin ni Jun Wu Xie ang lalaking nagsasalita, lumabas ang lalaking iyon mula sa isa sa mga pribadong silid at may dalawang lalaki pa itong kasama.

Mukhang ang lalaking ito ay isang Elder ng isa sa mga palasyo.

Mataas ang posisyon ng Elder sa isang palasyo, sila ang susunod na pinakanirerespeto kasunod ng Palace Lord. 

Subalit...

Hindi lang ito ang Elder na sumugod dito.

Matapos nitong magsalita, agad namang sumagot ang isa pang lalaki mula sa isang grupo: "Pambihira ang ipinakita ninyong talento. Ako ay Elder mula sa Green Tide Palace, at ang Green Tide Palace ay nangangailangan din ng mga kabataang katulad ninyo."

Green Tide Palace!

Nang marinig iyon ng siyam na nanalo ay agad silang nasabik.

Kahit na hindi ang Green Tide Palace ang pinakamalakas sa Twelve Palaces, kinikilala pa rin silang isa sa mga malalakas.

"Hah, nakakatuwa naman. Hindi lang naman ang Green Tide Palace ang nangangailangan." Sagot naman ng isa pang lalaki. Pagkatapos magsalita ay naglakad ito palapit kay Jun Wu Xie.

"Bata, napanood ko lahat ng iyong ipinakita. Ako, bilang Elder ng Zen Void Palace, personal kitang iniimbitahan upang makibilang saamin."

Umangat ang isang kilay ni Jun Wu Xie.

Agad namang nandilim ang mukha ng iba pang Elder na naroon matapos marinin ang sinabi ng Elder ng Zen Void Palace.

Si Jun Wu Xie ang kandidatong labis nilang pinag-iinteresan. Kaya naman lahat sila ay napasugod dito upang kumbinsihin si Jun Wu Xie. Sa mga nakaraang kompetisyon ng Battle of Deities Grand Meet, madalas na nagtutungo ang mga Elder ng iba't ibang palasyo sa Ring Spirit competition o di kaya'y sa Spirit Power competition para doon sila manghikayat ng bago nilang magiging kasapi.

Ngunit ngayon, lahat sila ay naririto sa Innate Gift Competition dahil kay Jun Wu Xie.

"Halos pareho lang naman ang gusto naming sabihin na mga tag Dark Heaven's Palace." Nakangising saad ng Elder ng Dark Heavens Palace.

Sinimangutan ng Elder ng Zen Void Palace ang Elder ng Dark Heaven's Palace.

"Mukhang marami ang nagkakainteres sating Young Master ngayon." Sabad ng isa pang lalaking nakangiti habang naglalakad din palapit. "Nakakalungkot naman, kaming mga taga-Dragon Slayers Palace ay may parehong intensyon din, ang imbitahan ang ating Young Master."