"Anong sinabi ng lalaking mula sa Heavenly Wolf Temple sa kaniya?" Mas lalo pang lumalim ang kunot sa noo ng matandang lalaki. Base sa inilarawan ng lalaki, kakaiba ang ginawa ni Jun Wu Xie sa Ring Spirit. At siya mismo ay hindi pa naririnig ang bagay na iyon sa tanang buhay niya.
Ikinwento ng lalaki sa matanda ang pinag-usapan ni Su Jing Yan at Jun Wu Xie.
Natahimik ang matanda. Hindi niya akalaing ang batang may pambihirang galing sa Medisina ay mayroong talentong tinatawag na "Spirit Reinforcement."
"Panginoon, mayroon ba talagang Spirit Mastery Race sa Middle Realm? Bakit parang...ngayon ko lang narinig ang tungkol sa kanila?" Maging ang lalaki ay hindi rin naniniwala sa narinig niya mula kay Jun Wu Xie.
Nagpakawala muna ng malalim na buntong-hininga ang matanda bago sumagot: "Sa napakalawak na mundong ito, marami pa tayong bagay na maging ako o ikaw man ay hindi alam ang tungkol doon. Mayroon mang Spirit Mastery Race, isa lang ang nasisiguro ko. Ngayong ang kaniyang Spirit Reinforcement ay umani ng atensyon mula sa Twelve Temples at Nine Palaces. Buti na lang at mukhang walang balak ang Nine Temples na makisali pa sa gulong ito at sila pa mismo ang pumipigil sa Twelve Palaces. Kung hindi, malamang ay nagaaway-away na ngayon ang Twelve Palaces para makuha ang bata!" Tila nakakaramdam ng pagsakit ng ulo ang matanda sa mga oras na iyon.
Kayang-kaya talagang lumikha ng gulo ang matanda. Noong una ay binabalak na niyang kunin agad ang bata bago pa ito sumali sa Battle of Deities Grand Meet pero sa huli, walang nangyari sa isang buwang paghihintay dito at doon din pala sa mismong kompetisyon na iyon nila ito mahahanap.
"Gusto mo ba siyang kunin dito satin?" Napansin na lalaki na ganoon na lang ang interes ng matanda kay Jun Wu Xie.
Muling nagpakawala ng buntong-hininga si Jun Wu Xie.
"Huli na ang lahat! Kung bago sana nito inilantad ang kaniyang Spirit Reinforcement, malaki sana ang aking tsansa. Pero ngayong naipakita na nito ang kaniyang talento sa Twelve Palaces at Nine Temples, mahihirapan na tayong makuha siya." Nanlumo na ang matanda, siya ang unang nakadiskubre kay Jun Wu Xie pero ngayon andami na ang gustong makipag-agawan sa kaniya.
Hindi naman kumibo ang lalaki at nagpatuloy lang sa pagtitig sa matanda.
Ikinumpas ng matandang lalaki ang kaniyang kamay. "Bantayan niyo siyang maigi. Kung magpapatuloy sa pagsunod ang Twelve Palaces sa itinalagang rules, hindi ko na kailangang makisali pa. Subalit kapag gumawa sila ng kalokohan, doon pa lang ako kikilos. Iyon ay dahi sa hindi sila sumusunod sa panuntunan."
"Opo, Panginoon!" Agad nang umalis ang lalaki.
Sa silid, isa nanamang buntong-hininga ang pinakawalan ng matandang lalaki habang malayo ang tingin nito sa bintana.
"Hay nako bata, ang laki ng pinasok mong gulo."
Dahil sa Spirit Reinforcement na iyon, inaasahan na ang mga susunod na mangyayari. Kahit saan pang palasyo mapadpad sa huli si Jun Wu Xie, siguradong hindi papayag ang iba pang mga palasyo na hindi nila malaman kung paano gawin ang Spirit Reinforcement.
Para sa ganoong klase ng talento, paniguradong magdudulot din iyon ng panganib. Kilala ang Twelve Palaces na kapag hindi nila nakuha ang kanilang gusto, sisirain nila ang palasyong nakakuha ng inaasam nila.
Walang ibang magawa ang matandang lalaki kundi humiling na sana ay may magawa pa si Jun Wu Xie sa mga susunod na mangyayari.
Samantala, sa kasalukuyan, ang mga taga-Twelve Palaces na nakabantay sa Innate Gift Competition ay naibalita na ang tungkol sa Spirit Mastery Race at Spirit Reinforcement sa kani-kanilang mga Elders. Ang sikreto at tahimik na kompetisyon sa pagitan ng mga palasyo ay nagsimula na dahil wala ni isa sa kanila ang gustong sumuko at ipaubaya na lang iyon.