Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1515 - Saglit na Pagsasama (2)

Chapter 1515 - Saglit na Pagsasama (2)

"Mukhang ako ang nauna?" Mahinang saad ni Hua Yao habang nagpatiuna nang pumasok sa silid.

"Ikaw ang pinakamalapit." Masiyang sagot naman ni Jun Wu Xie.

Umupo si Hua Yao sa upuang nasa tabi, hindi ito nakangiti ngunit malamlam ang kaniyang mga mata.

Makalipas ang ilang sandali, ilan pang mga tao ang kumatok sa pintuan ni Jun Wu Xie. Agad ring dumating sina Qiao Chu, Fan Zhuo, Fei Yan at Rong Ruo.

Silang anim ay muling nabuo sa wakas. Bakas ang ngiti sa mukha ng bawat isa.

"Anong competition venue kayo nagpunta? Hindi ko kayo nakita." Pagkaupong pagkaupo ni Qiao Chu ay tinanong niya ang kaniyang mga kasamahan. Siya ay nagtungo sa spirit power competition. Ang akala niya noong una ay mayroon siyang makikita roon dahil apat lang naman ang competition venue at anim sila sa grupong iyon. Alam niyang si Hua Yao ay sa Innate Gift competition pupunta habang si Jun Wu Xie naman ay sa medical proficiency. 

Kaya naman ang matitira ay siya, si Fei Yan, Fan Zhuo at Rong Ruo na mahahati sa Spirit Power Competition at Ring Spirit Competition. Umaasa talaga siyang mayroon man lang siyang isang makikita...

Ngunit sa huli ay wala siyang naka-krus ng landas kahit isa.

"Sa Ring Spirit ako nagpunta." Kibit-balikat na sagot ni Fei Yan.

"Spirit Power naman ako." Si Rong Ruo.

"Ako rin." Mabilis na saad ni Hua Yao.

"Ako naman ay sa Ring Spirit." Si Fan Zhuo naman.

Saglit na natigilan si Qiao Chu.

"Brother Hua, Little Ruo, sa spirit power competition kayo? Pero...bakit hindi ko kayo nakita?" 

Imposible!

"Mas maaga akong nagpunta doon kaysa sa'yo." Sagot ni Hua Yao.

"Mas maaga rin ako sa'yo." Dagdag naman ni Rong Ruo.

"Kayong dalawa, paano niyo nalamang mas maaga kayo kaysa sakin?!" Namamanghang tanong ni Qiao Chu.

"Kasi, noong papasok kami sa venue nakita kitang nagmamadaling papasok ng competition venue habang kumakain ng pancake." Sagot ni Rong Ruo.

Umawang ang bibig ni Qiao Chu at agad rin niyang itinikom.

Nahuli siya ng gising kaya naman anong oras na siyang nakarating sa competition venue.

Tinignan ni Fan Zhuo ang reaksyon sa mukha ni Qiao Chu at tumawa bago humarap kay Jun Wu Xie at nagtanong: "Little Xie, sa Medical Proficiency Competition ka nagpunta, tama ba?"

Umiling si Jun Wu Xie.

"Kung gayon saan ka nagpunta?" Tanong ni Fan Zhuo.

"Innate Gift." Kalmadong sagot ni Jun Wu Xie.

Sabay-sabay na lumingon ang lahat kay Jun Wu Xie.

"Little Xie, sa Innate Gift Competition ka nagpunta? Pero bakit?" Tanong ni Qiao Chu, hindi niya maintindihan kung bakit doon nagtungo si Jun Wu Xie. Kung sa tatlong natitirang kompetisyon ito nagpunta, hindi sila magtataka. Pero bakit doon pa?

Alam nilang lahat na taga-Lower Realm si Jun Wu Xie at ang Innate Gift Competition ay ang lugar para sa mga mayroong tribo at pinagmulang lahi. Hindi nila inaasahang sa Innate Gift Competition pa pupunta si Jun Wu Xie, mas mahihirapan lang ito doon.

"Ginamit ko ang Spirit Reinforcement." Naiintindihan naman ni Jun Wu Xie kung bakit ganoon na lang ang pagtataka ng kaniyang mga kasamahan.

"Ginamit mo ang Spirit Reinforcement?" Paglilinaw ni Fan Zhuo, bakas sa mga mata nito ang labis na pagkagulat. Alam nila ang Spirit Reinforcement na ginagawa ni Jun Wu Xie. Maging sila ay naging interesado doon at manghang-mangha rin sila doon. Sinubukan nilang gayahin ang ginawa noon ni Jun Wu Xie ngunit lahat sila ay nabigo. Kahit ilang beses nilang inulit ang pagguhit ng runes, hindi nila makuha ang espesyal na epekto na tulad ng nagagawa ni Jun Wu Xie.

"Napakalaking bagay ng Spirit Reinforcement. Tanging ikaw lang ang may kakayahang gawin iyon. Kung makukuha mo ang atensyon ng Twelve Palaces dahil doon, hindi ba't..." Maaaninag ang pag-aalala sa mukha ni Fan Zhuo. Alam ng lahat na tuso ang Twelve Palaces.

Umangat ang isang kilay ni Jun Wu Xie at sumagot: "Iyon nga ang gusto kong mangyari. Para matuon sa akin ang kanilang atensyon."