Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1510 - Idilat mo ang Iyong mga Mata at Manood (3)

Chapter 1510 - Idilat mo ang Iyong mga Mata at Manood (3)

Pagkalipas ng ilang sandali, dumating na ang kabuuhang resulta ng mga hurado.

Pare-pareho ang pasya ng bawat hurado, ang magpatuloy si Jun Wu Xie sa susunod na round!

Sunod ay kumuha si Jun Wu Xie ng panibagong number tag para sa susunod na round saka dahan-dahang naglakad pababa ng stage. Nang makababa si Jun Wu Xie, kusang nagbigay ng daan ang mga kabataang naroon para bigyang-daan si Jun Wu Xie. Habang naglalakad siya sa gitna ng mga tao, ang lahat ng mga mata ay nakatutok sa kaniya.

Ang mga kabataang nangutya kay Jun Wu Xie noong una ay tumakbo papunta sa likuran, hindi sila nanghas na magpakita kay Jun Wu Xie.

Hindi sila mga tanga. Sa abilidad na mayroon si Jun Wu Xie, ang Twelve Palaces ay makikipagpatayan para makuha siya. At kung malaman ng batang nasa kanilang harapan ang mga insultong ibinato nila dito...

Hindi na kailangang isipin pa ng mga kabataang iyon kung anong mangyayari sa kanila. Ang tanging magagawa na lang nila ay ang huwag silang mapansin ni Jun Wu Xie.

Ngunit ni hindi man lang sila makuhang sulyapan kahit sandali ni Jun Wu Xie. Diretso ang kaniyang tingin, kalmado ang kaniyang mga mata habang naglalakad palabas ng venue.

Pagkalabas na pagkalabas ni Jun Wu Xie, napuno ng ingay ang buong venue. Halo-halong hiyawan at sigaw ang narinig doon.

"Ano ang nangyari!?"

"Saan galing ang batang iyon?"

"Sheesh! Akala ko niloloko lang ako ng mga mata ko! Nakita niyo ba iyon?"

"Tapos na tapos na talaga ako! Pinagalitan ko pa siya kanina! Tingin ko naman hindi niya tayo narinig, 'di ba?"

Walang ibang iniisip ang mga nasa competition venue kundi ang nangyari kanina lang. Iyon ang unang beses na nakakita sila ng Spirit Reinforcement.

[Pwede palang gawin iyon sa mga spirit bodies? Ang batang iyon! Paano niya iyon ginawa?]

Habang abala ang lahat sa pag-uusap tungkol sa nangyari kanina, hindi namalayan na mula sa lahat ng mga pribadong silid sa ikalawang palapag, mayroong isa o dalawang nagmadaling lumabas nang umalis si Jun Wu Xie. Nagmamadali ang mga iyon na siya ay sundan!

Iniwan ni Jun Wu Xie ang maingay na competition venue ng Innate Gift Competition para maglakas sa tahimik na daan.

Sa oras ding iyon, nasa iba't ibang competition venue sa Mount Fu Yao ang mga kabataan. Sila ay naghihintay at humihiling na sana sila ay palarin. Ang mga tapos nang magtanghal ay nasa daan, kung hindi masaya at may pagmamalaki sa kanilang mukha, sila naman ay malungkot.

Paniguradong ang mga masasayang naglalakad sa daan ay ang mga pinalad na makapasok sa susunod na round.

Dinaanan lang ni Jun Wu Xie ang mga kabataang may mapanuring mata at hindi man lang tinapunan ng tingin. Nang makita nila ang itim na braso sa braso ni Jun Wu Xie, hindi nila napigilang tumawa ng malakas.

"Tignan mo ang Ring Spirit na iyan! Hindi ba't kamukha niya ang Ring Spirit na dinurog sa entablado kanina?" Dahil sa pagkapanalo ng mga kabataang iyon sa Ring Spirit Competition kanina, hindi nila maiwasang maging mayabang. 

"Sayang naman at hindi ko man lang 'yan napanood nung nakipaglaban." Dagdag ng isa pa sa mga binatilyong naroon.

Sinusundan nila ng tingin si Jun Wu Xie na medyo malayo na sa kanila. Masama ang tinging kanilang pinupukol sa papalayong likod ni Jun Wu Xie.

"Ano naman kung hindi mo iyon napanood? Bakit hindi na lang kita pakitaan ng mas maganda ngayon mismo?!"