Naiintindihan ni Jun Wu Xie ang ibig sabihin ng maghintay sa oras ng isang tao habang
itinatago ang kanilang lakas. Alam din niya kung paano tiisin ng isang tao ang kahihiyan para
sa ikabubuti ng karamihan. Ngunit kung dumating ang araw na hahayaan niya na apihin at
ipahiya ang Rui Lin Army, kung gayon kahit na ang kapalit ay ang kaniyang sariling buhay, ay
ipapatanto niya sa mga taong iyon na ang Rui Lin Army ay hindi dapat ituring na maliit na
bagay lamang.
Kahit pa sabihin na mawasak ang kaniyang katawan at madurog ang kaniyang mga buto, ay
kakalasin niya ang mga buto ng kalaban!
Ang matalim na liwanag sa mata ni Jun Wu Xie ay hindi nagpakita na ito'y nagbibiro o
naglalaro ng panlilinlang. Dahil sa matinding pagtulak ni Jun Wu Xie, ang mga hakbang niya ay
biglang nanigas.
"Sinabi ko na lahat sa kanila na ang Spirit Jade Palace ay hindi na tulad ng dati. Ang sinuman sa
kanila ay maaring umalis kahit anong oras at hindi ko sila pipigilan sa anumang paraan. Sa
sandaling nasa labas, ay hindi nila kailangan na ihayag na sila'y kasapi ng Spirit Jade Palace."
Napaurong ng dalawang hakbang ang Lord ng Spirit Jade Palace at bigla itong tumalikod,
ngunit sa totoo ay hindi niya hangad na tumingin sa bumabaong tingin ni Jun Wu Xie.
"Ngunit hindi sila umalis." Tahasang sabi ni Jun Wu Xie sa di-lubos na katapatan na
pangangatwiran ng Spirit Jade Palace Lord.
Bahagyang nataranta ang Spirit Jade Palace Lord habang patungo ito sa malambot na upuan
upang umupo doon, ang almendras na hugis na mata nito'y mukhang nagpipigil. "Bata, bakit
ka ba talaga narito?"
"Sinabi ko na. Pakikipagtulungan." Matiyagang saad ni Jun Wu Xie.
Muling sinukat ng Spirit Jade Palace Lord ang binatilyo sa kaniyang harapan na nagsasabi ng
mga kagila-gilalas na salita mula sa kaniyang bibig, nagsalubong ang kaniyang mga kilay.
"Matagal na panahon na akong hindi kumikilos sa Middle Realm at hindi ko na malinaw na
maalala ang mga bagay-bagay na nasa labas. Ayon sa kayarian ng iyong buto, isa kang bata na
nasa labinlima o labinganim na taong gulan. Paano mo nagawa na makamit ang Purple Spirit?
Ang nagdaan ba na ilang libong taon ay ginawa ang mga kabataang nasa labas na pareho mo
ang edad na makamit ang Purple Spirit?"
Minasdan ni Jun Wu Xie ang Spirit Jade Palace Lord at binilang ang mga piraso na ngayon ay
hawak niya sa kaniyang kamay. Sa wakas ay naupo ito sa isang mababang lamesa na nasa
isang tabi at nagbuhos ng isang basong alak para sa sarili at kaniyang ininom iyon.
"Mula ako sa Lower Realm."
"Ano?" Natigagal ang Spirit Jade Palace Lord.
[Sa Lower Realm?]
"Hindi ba kapani-paniwala?" Bahagyang uminom ng alak si Jun Wu Xie habang nakatingin sa
Spirit Jade Palace Lord na nakataas ang kilay. "Kung hindi sana inunat nang malayo ng Twelve
Palaces ang kanilang kuko at binulabog ang aking kapayapaan, tingin mo ba talaga ay pupunta
ako dito sa Middle Realm upang abalahin ang aking sarili?"
Natulala ang Spirit Jade Palace Lord kay Jun Wu Xie, ang ekspresyon sa kaniyang mata ay
sumasailalim sa isang tuso ngunit malinaw na pagbabago.
[Ang batang ito ay talagang pang-ahas ngunit may matatag na pag-uugali at paraan. Tama lang
sa kaniyang panlasa.]
"Tila ang ating little brother dito ay mayroon ding kuwento." Saad ng Spirit Jade Palace Lord at
kaniyang kinumpas ang mga kamay. Ang bote ng alak na nasa lamesa ay agad napunta sa
kaniyang kamay, at tahimik na pinanood lahat ng iyon ni Jun Wu Xie.
Ang gayong telekinesis na abilidad ay kasalukuyang wala sa kaniya at nakita na niyang
gumamit ng ganoon si Jun Wu Yao noon.
Hindi maipagkakaila na ang Spirit Jade Palace Lord nga ay nagtataglay ng kakaibang
kapangyarihan tulad ng inaasahan ngunit nagdala iyon sa kaniyang ng isang punto na
palaisipan kay Jun Wu Xie. Kung ang Lord ng Spirit Jade Palace ay napakalakas ng
kapangyarihan, bakit hindi niya nagawa na pigilan ang alitan na yumanig noon sa palace?
Naging sanhi iyon ng pagkawasak at pagkadurog ng buong Spirit Jade Palace at sa huli ay
bumagsak ito sa kaawa-awang estado.
Ang dalawang tao ay may kaniya-kaniyang alalahanin, may sariling mga lihim.
"Para sa ating little brother na sumadya dito sa Middle Realm at nagawang hanapin ang aming
Spirit Jade Palace, palagay ko ay niyakap mo na ang ideya na mas pipiliin mo na basagin ang
jade kaysa piliing buo ang baldosa, maluwag sa kalooban na ibigay ang iyong buhay kaysa
pagdusahan ang lubhang kahihiyan. Ngunit may isang bagay akong itatanong. Ano ang
mayroon ka upang makipagkasundo ng pakikipagtulungan sa akin? Bagaman nagtataglay ka ng
makabuluhang kapangyarihan, higit na mas mababa iyan sa akin. Kung kapangyarihan mo
lamang, bakit kakailanganin ko ang iyong tulong?" Hinangaan ng Spirit Jade Palace Lord si Jun
Wu Xie, ngunit hindi ibig sabihin nito ay maluwag sa kaniyang kalooban na isugal ang buong
Spirit Jade Palace kay Jun Wu Xie na hindi man lang pinag-iisipan.
Ilang libong taon nilang tiniis at nilunok ang hindi masukat na kahihiyan at pagdudusa. Kung
walang magandang dahilan, bakit niya isusugal ang sariling buhay laban sa Twelve Palaces
dahil lamang sa isang bata mula sa Lower Realm?
Diretsong tumingin si Jun WU Xie sa Lord ng Spirit Jade Palace at sa seryosong ekspresyon ay
kaniyang sinabi.
"Ayon sa katotohanan na magagawa kitang gawin na tanging Lord ng lahat ng Twelve
Palaces."