Chapter 148 - Lason (3)

Sumunod si Mo Qian Yuan, at maingat na lumapit sa batong mesa. Nang makita ang simangot ni Jun Wu Xie, tahimik siyang napalunok.

"Upo." Utos ni Jun Wu Xie.

Umupo siya.

"Kamay."

Bawat utos niya'y sinunod ng walang sinasabi. at bago pa kunin ni Jun Qu Xie ang kanyang pulso, biglaang pumasok si Long Qi sa patyo, kinakabahan.

"Panginoon!" Lumuhod siya.

"Anong nangyari?" Naamoy ni Jun Wu Xie ang bakas ng dugo galing kay Long Qi. Hindi siya halata, di tulad ng nanggagaling kay Mo Qian Yuan, galing ito sa hangin, hindi direktang tulag kay Mo Qian Yuan.

"Problema." Mabilis na sagot ni Long Qi.

Sa loob ng isang araw, may limampung pangyayaring may sumabog na katawan. Iba-iba ang mga lugar ngunit parehas ang mga itsura niala sa sinabi ni Mo Qian Yuan.

Kapag isa lang ang sumabog, aksidente lang ito. Dahil sa dami ng mga nangyari, ng sabay-sabay, hindi ito aksidente.

Ang maraming pagsabog sa iba't ibang lugar ay nagdala ng takot sa mga tao.

"Nagpadala na ang hukbo ng aayos sa mga nangyari. May kutob ang iyong lingkod na may masamang nagbabalak sa likod ng mga pangyayari." Pagkatapos ang gabing iyon, hindi namamalayan ni Long Qi ang kanyang pagbabalita kay Jun Wu Xie.

Sinuri ni Jun Wu Xie ang mga nahanap, una itong nangyari kay Lin Yue Yang, ngunit iba ang mga epekto. Gayon pa man, kinutuban siyang may kinalamang ang mga pangyayaring ito.

Nagulat si Mo Qian Yuan sa balita. Akala niya'y kakaiba ang kanyang nakita. Ngunit mahig sampu na ang kaso.

Biglaan, may naramdaman si Mo Qian Yuan na maliit na mainit-init na kamay na humihila sa kanyang kamay. Nang tignan niya ito, nakita niya ang kamay ni Jun Wu Xie, nakahawak sa kanyang kamay, ang mga daliri niya'y nakapwesto sa kanyang pulso. Sa pagkakataong iyo, uminit ang pakiramdam ni Mo Qian Yuan. Tumingin siya papalayo ngunit pinabilis lang ng malambot na kamay ang pagtibok ng kanyang puso.

Pagkatapos lang pakawalan ang kanyang kamay bumagal ang kanyang puso.

"May problema ba?" Tanong niya.

Humindi si Jun Wu Xie, maayos ang pulso ni Mo Quan Yuan, walang problema.

"Masyado lang ba tayong naghinala?" Tinanong niya ulit.

"Walang usok na kung walang apoy." Hindi magpapapanatag si Jun Wu Xie. Iba ang gawa ng katawan ni Mo Qian Yuan. Kumuha siya ng reseta ng Little Lotus at maraming pagbabago ang nangyari sa kanyang katawan. Hindi lang iyon, binibigyan rin siya ni Jun Wu Xie ng fortification pills araw-araw, marami doon ay antitoxins, para labanan ang anumang masamang pangyayari sa Prinsipe.

Mukhang hindi magandang halimbawa si Mo Qian Yuan.

"Dalhin mo sa akin ang mga sundalong kasama mo ngayon." Utos ni Jun Wu Xie.

Sumunod si Mo Qian Yuan. Ang sampung gwardyang kasama niya ay pinatawag.

Bata pa ang mga sundalo, mga edad ay hindi bababa sa dalawampu't lima o dalawampu't anim. Ngunit ang pinakabagong sundalo sa kanila ay nasa serbisyo na ng higit sa sampung taon!

Nakapila sila sa harap ni Jun Wu Xie, maayos ang pananamit, nagaalab ang mga mata, deretso ang tayo, ramdam ang ere ng mga sundalo.

"Ikaw. Halika." Tinuro ni Jun Wu Xie sa isang batak na sundalo.

Agad siyang lumapit sa batong mesa, at sa utos ni Jun Wu Xie, tinaas ang mga manggas at pinakita ang kanyang braso sa kanya.