Hindi interesado si Jun Wu Xie sa mga away sa pagitan ng mga kabataan sa Middle Realm.
Ayon sa nakita niya ang kilos ng mga ito'y may kabagalan at tanging mga mga tao na nasa
antas ng Elder mula sa Twelve Palaces ang makakapukaw sa kaniyang interes. Isang bagay ang
nagdulot ng pagkalito sa kaniya, at iyon ay nang banggitin ng dalagita ang "Spirit Jade Palace".
Si Qiao Chu at ang iba pa'y partikular na sinabi sa kaniya ang labindalawang pangalan ng
Twelve Palaces at hindi niya narinig na binanggit nila ang anuman tungkol sa Spirit Jade
Palace.
Pasimpleng dinukot ni Jun Wu Xie ang isang nagdaraan na mukhang maloko at ibinuhos sa
lalamunan nito ang isang bote ng kaniyang truth serum "na gamot" upang sabihin nito lahat
ng nalalaman tungkol sa Spirit Jade Palace.
Sa katotohanan, higit na isang libong taon na ang nakakaraan, hindi lamang Twelve Palaces
ang mayroon sa Middle Realm. Mayroong ikalabintatlong palace, ang Spirit Jade Palace.
Ngunit bahagyang naiiba ang Spirit Jade Palace sa ibang mga palaces mula sa pinakamataas na
miyembro hanggang sa pinakaibaba, ang Spirit Jade Palace ay tanging mga babae lamang ang
tinatanggap. Noong panahon bago napabagsak ang Spirit Jade Palace, sa loob ng lugar na
sampung milya palibot, ay hindi nila pinahihintulutan ang sinumang lalaki na tumapak doon.
Ang Palace Lord ng Spirit Jade Palace ay nakilala na kakaiba, hindi man lang nagawa na
humakbang maski isang beses palabas ng Spirit Jade Palace. Minsan naging usap-usapan na
ang Palace Lord ng Spirit Jade Palace ay katunayan ang pinakamalakas sa lahat ng mga Palace
Lords.
Minsang naging maimpluwensya ang Spirit Jade Palace ngunit dahil sa isang beses na alitan, ay
nawala ng tuluyan ang kapangyarihan sa buong Spirit Jade Palace sapagkat marami sa kanilang
disipulo ang namatay sa pangyayaring iyon at sa panahong iyon ang Spirit Jade Palace ay
tuluyang nawasak sa lupa.
Tanging ang Palace Lord ng Spirit Jade Palace na kasama ang ilang katulong na lubos na
pinagkakatiwalaan ang nakaalis at walang nakakaalam kung saan nila itinago ang mga sarili. Sa
panahon na iyon na unti-unting tinanggal ang Spirit Jade Palace bilang parte ng Thirteen
Palaces, kaya ang naging resulta ay ang pag-iral ng kasalukuyang Twelve Palaces.
Matapos mawala ng Spirit Jade Palace, ilang mga tauhan mula sa ibang palaces ang
nagpatuloy sa pagtuligsa sa kanila, umabot sa lantad na pakikipag-away nila sa mga disipulo
ng Spirit Jade Palace, palaging sinusubukan na supilin ang kapangyarihan ng Spirit Jade Palace
na humadalang sa kanila upang makabalik sa kanilang dating katanyagan.
Sa wakas ay naintindihan ni Jun Wu Xie kung bakit ang mga disipulo ng Cloud Brook Academy
ay biglang nagpakita at ginalit ang dalagita mula sa Spirit Jade Palace. Ang grupo ng mga
tamapalasang iyon na mula sa Cloud Brook Academy ay maaring nakita na ang dalagita ay
miyembro ng Spirit Jade Palace at nais itong palayasin!
Isang kapangyarihan na mula sa isang libong taon na nakaraan na itinatanggi hanggang sa
ngayon. Hindi mahirap kay Jun Wu Xie na makita na ang dalagitang iyon ay hindi magiging
tugma sa grupo ng mga manyak na iyon.
Ilang paglalaban lang ang magaganap at ang dalagitang iyon ay siguradong
pagsasamantalahan.
"Ang isang hakbang na ito, dapat ko bang kunin o hindi?" Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie
bago niya hinagis ang napakalaking loko sa pader at minasdan ang pusyaw na buwan, at ang
pulutong ng mga bituin na pumuno sa kalangitan ng gabi, ang bawat pagkutitap ay naging
isang piyesa ng chess sa mga mata ni Jun Wu Xie.
Ang Spirit Jade Palace. Isang piyesa ng chess na biglang dumating mula sa kawalan. Dapat ba
niyang gamitin o isuko na lang iyon?
Huminga nang malalim si Jun Wu Xie, ang puso niya ay nakagawa na ng desisyon.
Walang bawian sa oras na mailagay na ang piyesa.
Ang kinalabasan ng sitwasyon malapit sa may tindahan ng mga sandata ay tulad nga ng hula ni
Jun Wu Xie. Ang dalagita at ang mga kabataan mula sa Cloud Brook Academy ay nagpalitan ng
mga suntok makailang beses at nakita na lamang niya ang sarili na hindi nito kaya na labanan
ang mga ito. Makikita sa katawan nito ang ilang marka ng sugat at ang mga kalaban niya ay
malinaw na kayang pabagsakin ito sa isang tira ngunit sa halip ay tila pinaglalaruan nila ito,
pinunit ang damit nito sa di-maayos na hitsura, at pinagmukha itong kaawa-awa.
Ang ganoong uri ng trauma para sa isang babae, ay napakabigat kaysa ano pa man!
"Binibini, huwag kang magpumiglas. Kapag nasugatan ang iyong katawan, ay masasaktan ang
puso ko." Sabi ng mahalay na kabataan na hambog na tumawa. Sa ituktok ng Mount Fu Yao,
walang sinuman ang naglakas-loob na lusubin ang mga disipulo ng Cloud Brook Academy.
Hindi na kailangan pa banggitin na sila'y nasa Mount Fu Yao kung saan naroon ang Cloud
Brook Academy, at ang katotohanan na ang mga kabataang ito ay mapalad na sila'y napili ng
Nine Temples at bantog na Twelve Palaces ay sapat na upang ang mga karaniwang tao ay
iwasang makaaway ang mga ito.
"Walang-kahihiyan!" Namula ang mukha ng babae, napoot siya sa katotohanan na hindi niya
magawang sakalin hanggang sa mamatay ang binatilyo.