Nag sumapit ang gabi, ang ituktok ng Mount Fu Yao ay naliwanagan ng mga parol na inilagay
sa paligid. Hindi lamang ang mga kabataan na lalahok sa Battle of Deities Grand Meet ang
naglilibot sa paligid, maging ang Cloud Brook Acedemy ay pinahintulutan ang kanilang mga
disipulo na pansamantalang magpahinga sa oras na iyon kaya naman sa dami ng mga taong
naroon, hindi mahirap makita ang mga kabtaan na nakasuot ng punting uniporme na may asul
sa mga laylayan na masayang nag-uusap.
Upang makapasok sa Cloud Brook Academy, maaring sabihin na sila ang pinakamatataas na
henyo na kabilang sa rookie ng Middle Realm. Sila ang mga nanguna sa mga nagdaang
pagtitipon ng Battle of Deities at nakatanggap ng imbitasyon mula sa Nine Temples at Twelve
Palaces upang magawang makapasok sa Cloud Brook Academy. Ang Battle of Deities Grand
Meet ay isinasagawa isang beses kada sampung tao at sa tuwing magsisimula ang Battle of
Deities Grand Meet, ay panahon na naman upang tumanggap ng mga bagong disipulo ang
Cloud Brook Academy. Ngunit dahil ang ang juling Battle of Deities Grand Meet ay naganap
anim na taon pa lamang ang nakakaraan, ang mga kabataang ito na nakasuot ng Cloud Brook
Academy na uniporme ay mga tao na nakakuha ng pinakamatataas na puwesto sa nagdaang
pagtitipon at pinili ng Twelve Palaces at Nine Temples.
Kung masasabing ang Zephyr Academy ay isa sa kumakatawan sa nangungunang tatlo na
pinakamatataas na paaralan sa Lower Realm, kung gayon ang posisyon ng Cloud Brook
Academy sa Middle Realm ay hinigitan ang lahat ng ibang paaralan at wala kahit isang
paaralan ang makakaasang maihahambing dito.
Sa loob ng Cloud Brook Academy ay wala maski isang pangkaraniwan. Sa sandaling makapasok
sila sa Cloud Brook Academy, ang kanilang likuran ay tatatakan ng marka ng Twelve Palaces o
ng Nine Temples.
At iyon ang dahilan upang ang tingin ng mga disipulo ng Cloud Brook Academy sa kanilang
mga sarili ay higit at mas may pribilehiyo sa kaysa iba.
Pinanood ni Jun Wu Xie ang mga grupo ng kabataan na nakasuot ng uniporme ng Cloud Brook
Academy mula sa karamihan. Kung ang lahat ay aayon sa plano, si Qiao Chu at ang kaniyang
mga kasama ay magagawang makuha ang atensyon ng mga tao mula sa Twelve Palaces sa
darating na Battle of Deities Grand Meet at wala siyang dapat mag-alala kung hindi magawa
ng mga ito na makapasok sa loob.
Ngunit sa kung ano ang gagawin niya sa sarili, ay hindi pa nagagawang magdesisyon ni Jun Wu
Xie.
Siyempre, maaar niyang gawin ang katulad kila Qiao Chu at sa iba pang mga kasama, ang
gamitin ang kanilang spirit powers upang makakuha ng atensyon. Ngunit sa oras na gamitin
niya ang kaniyang spirit powers, ay malalaman ng iba na ang kaniyang ring spirit ay plant
spirit.
Sa pagkakataong ito ang nais ni Jun Wu Xie ay maging mangangaso at hindi ang huhulihin.
Kaya naman, kailangan niya maka-isip ng ibang paraan.
Nagpunta siya sa Battle of Deities Grand Meet sa pagkakataong iyon na may dalawang
layunin. Una ay upang makatuklas pa ng tungkol sa Twelve Palaces at ikalawa, siya ay
interesado sa bahagi kung saan ang mga tao ay naglalaban sa pagpapagaling. Kung tungkol
lamang sa pagpapagaling, hindi siya magkakaroon ng problema na hindi tawagin kahit
kaunting spirit power.
Ngunit, walang intensyon si Jun Wu Xie na maging sunud-sunuran sa Palace Lords ng Twelve
Palaces.
Dahil sa wala pang konkretong desisyon sa kaniyang utak, naglakad-lakad si Jun Wu Xie at
nagtingin-tingin sa isang tindahan ng mga sandata na nasa isang tabi, sinusuri kung may
kaibahan ang mga iyon sa nasa Lower Realm.
Habang tinititigan ang iba't ibang mga sandata, hindi maiwasan ni Jun Wu Xie na
maramdaman ang pagsakit ng ulo. Bahagya niyang nasiguro na ang spirit energy sa mga
espadang iyon ay higit kaysa mga nasa Lower Realm ngunit hindi siya ganoon kalisto sa
aspetong malaman ang spirit energy. Kung isinama niya si Little Jue ay mas magiging madali
ang lahat.
Nang maisip iyon, hindi maiwasan ni Jun Wu Xie na bahagyang bumaba ang tingin, ang eksena
kung saan ay paalis siya sa Imperial Capital ng Fire Country ay nanumbalik sa kaniyang alaala.
Ang imahe ng munting anyo na iyon na walang tigil sa pagtangis habang hinahabol ang mga
papalayong karwahe.
Ang spirit ni Little Jue ay nagsisimula na makabawi at hindi nais ni Jun Wu Xie na isuong ito sa
mga panganib at bukod doon, ay may natuklasan siyang paraan na bubuhay kay Jun Gu sa
libingan ng Dark Emperor. Sa pagpunta niya sa Middle Realm, unang-una ay nais niyang
durugin ang lakas na taglay ng Twelve Palaces, at ikalawa… Upang pumunta sa Spirit World
upang hanapin ang spirit ni Jun Gu.
Ang Soul Calming Jade ay iningatan ang laman ng katawan ni Jun Gu sa paghadlang nito na
ito'y mabulok at maagnas, at pinanatili ang kalagayan ng bangkay nito na parang iyon ay ilan
sandali lamang bago ito namatay. Sa oras na makita niya ang spirit ni Jun Gu, ay doon pa
lamang niya mabubuhay muli si Jun Gu!