Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1469 - Ang Middle Realm (2)

Chapter 1469 - Ang Middle Realm (2)

Ang Battle of Deities Grand Meet ay isasagawa sa tuktok ng Moung Fu Yao. Ang gulong ng

mga karwahe ay umikot at umugong sa buong daan, at nang makarating sila sa paanan ng

bundok, ay kinailangan nang huminto ng mga karwahe doon, kung saan ang mga pasahero ay

maglalakad paakyat sa bundok.

Sinundan ni Jun Wu Xie ang maliit na pangkat ng mga kabataan at huminto sa paanan ng

bundok kasama nila, ang mga iyon ay may bitbit na mga bagaheng malalaki at maliliit sa

kanilang katawan, kapansin-pansin ang mga iyon. Malinaw na ang mga kabataang naroon ay

nagmula sa malalayong munting nayon. Ang damit ng mga ito'y simple at payak at kung noong

simula'y tila angkop sila sa lugar, ngayon na narito sila sa paanan ng Mount Fu Yao, at

minamasdan ang ibang mga naroon na halos nasa parehong edad na magara ang kasuotan na

gawa sa makinis na seda at pinong satin, ang grupo ng mga kabataang iyon ay biglang

nakaramdam ng pagkaasiwa, sa naiibang dahilan na naging kapansin-pansin.

Siyempre, ang pagkaasiwa na iyon ay hindi kasama si Jun Wu Xie.

Bumaba si Jun Wu Xie mula sa karwahe na karga ang pusang itim. Ang kasuotan niya ay

karaniwan lamang at ang mukha niya ay sa isang kabataan matapos niya itong baguhin,

mukhang hindi kapansin-pansin sa oras na humalo siya sa karamihan.

Ang bundok ay pinangalanang Mount Fu Yao at ang napakalawak ng sukat nito. Ang mga

pananim sa batis ng bundok ay sinasabing nagtataglay ng sinsin na antas ng spirit energy.

Nang makarating sa Middle Realm si Jun Wu Xie, ay agad niyang nadiskubre na ang spirit

energy sa hangin ay mas siksik kaysa sa Lower Realm. Maging sa tubig o pagkain man, ang

spirit energy ay nagtataglay ng higit na antas kaysa sa Lower Realm. Ang mga tao mula sa

Middle Realm ay nililinang mula sa pagkabata pa lang sa ilalim ng ganoong kondisyon kung

saan ang spirit energy ay sagana, kaya naman, ang pangunahing pundasyon ay higit kaysa sa

mga nilalang sa Lower Realm.

Lalo na sa mga taong katulad niya na nagtataglay ng plant ring spirits, kung saan magagawa

nilang maramdaman nang malinaw ang spirit energy na nakapalibot sa kanila. Bagaman

nagawa na niyang lumusong sa Purple Spirit, nang makatapak siya sa Middle Realm,

nadiskubre ni Jun Wu Xie na kahit hindi niya intensyon na linangin ang kaniyang

kapangyarihan, ay nagawa pa rin niyang makapagkamit ng sapat na dami upang maitaas ang

kaniyang kapangyarihan.

"Little Xie, maya-maya ay sisimulan na natin ang pag-akyat sa bundok. Ang sabi ay mahaba-

haba ang lalakbayin mula sa paanan ng bundok hanggang sa ituktok nito. Ayos lang ba talaga

sa iyo na umakyat ka na walang anumang dala? Hindi ka ba magdadala maski ilang gamit?"

Ang munti niyang mga kasa-kasama sa paglalakbay na iyon ay naghanda na ng kanilang mga

sarili upang magsimula na sa paglalakbay. Ang isa sa kanila ay napansin na walang anumang

dala si Jun Wu Xie kundi ang pusang itim lamang at hindi nito natiis na mag-alalang

nagtanong.

Ang tanging alam nila sa munting "lalaki" sa kanilang harapan ay ang pangalan nitong Little Xie

at bigla na lamang itong nagpakita sa kanilang nayon kamakailan lamang. Kung saan siya

nagmula ay walang nakakaalam kahit sino sa kanila.

Umiling si Jun Wu Xie.

Ang munting kabataan ay napakamot sa kaniyang ulo at pakiramdam niya ay hindi niya alam

kung ano pa ang puwedeng sabihin. Ang isa sa mga kabataan ay hinatak ang manggas nito at

bumulong: "Bakit ka ba nakikialam? Kung ayaw niyang maghanda ng kahit ano ay hayaan mo

siya. Ano ba ang ipinag-aalala mo?"

Nang marinig iyon, ang ilan sa mga kabataan ay napatango tanda ng pagsang-ayon. Hindi

naman sa hinahamak nila si Jun Wu Xie, ngunit hindi gaanong nakikipag-usap si Jun Wu Xie sa

kanila. Sa buong paglalakbay patungo doon, ay hindi nito ibinuka ang bibig maski sampung

beses upang magsalita. Naharap sa isang malamig na kasama sa paglalakbay, ang grupo ng

mga kabataan ay hindi gaanong lumalapit sa munting bata.

"Pakiramdam ko lang ay parang kaawa-awa ito iyon lang. Sabi sa akin ng aking ina, tayong

lahat ay ipinanganak sa parehong lupa at mabuti kung magagawa natin na ingatan ang isa't

isa."

"Sa anong paraan ito naging kaawa-awa? Malinaw na wala siyang pakialam sa atin at hindi

dapat natin pinakikialaman ang kung anumang gawain niya." Ilan sa mga kabataan ay

nagsimulang magsalita at kanilang kinaladkad palayo ang palakaibigang nilalang, iniwan na

mag-isang nakatayo doon si Jun Wu Xie na minamasdan ang nagsisiksikang mga tao sa paligid.

Inangat ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo upang masdan ang luntiang bundok sa kaniyang

harapan. Ang Mount Fu Yao ay hitik sa spirit energy, higit na mas marami kaysa ibang lugar sa

kaniyang utak, bigla niyang naalala lahat ng itinuro ni Fei Yan sa kaniya, tungkol sa mga bagay

sa Middle Realm.

Si Fei Yan at ang mga kasama nito ay napakabata pa noong sila'y nasa Middle Realm at lahat

ng kanilang nalalaman tungkol sa lugar ay kung ano lamang ang narinig nila mula sa iba, hindi

nagawang makarating sa mga lugar na iyon mismo. Ang sabi sa kaniya, ang Mount Fu Yao ay

sinasabing isa sa pinakatanyag na lugar sa Middle Realm.

Dahil sa ang Mount Fu Yao ay umaapaw sa spirit energy, iyon ang tamang lugar na nararapat

sa paglinang. Ngunit dahil sa ang Mount Fu Yao ay pagmamay-ari noon ng Dark Region,

tanging ang mga taong may pahintulot lamang mula sa Dark Region ang maaaring mag-ensayo

ng paglinang sa bundok