Habang ang mga mamamayan ng Lower Realm ay inaaral pa lang na masanay sa lahat ng iyon,
isang grupo ng mga tao ang tahimik na naglalakad palabas mula sa dati'y Imperial Capital ng
Fire Country.
"Sasabihin ko… Tingin mo ba na mabuti para sa iyo na magtapon ng kalat dito at tatakas ng
ganito?" Tanong ni Qiao Chu habang inaayos ang telang nakapulupot sa kaniyang likod na may
pag-aalinlangan sa mukha bago umakyat sa karwahe.
Ang Lower Realm ay nawasak ngunit muling binuo upang maging isa. Ginamit ni Jun Wu Xie
ang kaniyang pangalan bilang Emperor ng Fire Country upang imbitahan lahat ng mga pinuno
na magtipon-tipon at isiwalat sa kanila ang pag-iral ng Middle Realm, at lahat ng kanilang
ginawa sa Lower Realm sa mga nagdaang taon. Mahina ang Lower Realm at kung hindi sila
magsasama-sama upang maging isa, sa hinaharap ay magiging isang manukan sila kung saan
ay kakatayin sila ng Middle Realm kung gusto nila.
Kung hindi dahil sa sakunang nangyari dahil sa pag-atake ng Poison Men, ang mga pinuno ay
maaring hindi maniwala sa mga sinabi ni Jun Wu Xie. Ngunit matapos nilang maranasan
mismo iyon, naintindihan nila na ang lakas na iyon ay hindi nila kayang labanan.
Binura lahat ng umiiral na mga hangganan ng bansa at pagkakahati at iniwan laman ang mga
salita na ang basa ay "Land of Emergence". Kung ang Lower Realm ay magiging isa, ang
pinagsama-sama nilang lakas ay magiging isang puwersa na hindi maaaring maliitin. At
tinuruan din ni Jun Wu Xie ang mga pinuno ng pamamaraan na pansamantalang magtataas ng
antas ng kanilang spirit power, maliwanag na hangad ay ang mabilis na paraan upang mapaiksi
ang pagkakaiba ng kapangyarihan sa pagitan ng Lower Realm at Middle Realm.
Ngunit…
Bagaman ang lahat ay maayos ang pagsulong, sa huli ng lahat ng iyon, si Jun Wu Xie ay biglang
itinulak ng isang buong grupo ng mga pinuno na matindi ang pasasalamat at halos nasa bingit
na nang pagluha na kunin ang nag-iisang trono bilang tanging Emperor, na hindi nakita ni Jun
Wu Xie na mangyayari.
Kaya ang resulta ay…
Ang pagkaladkad niya sa buong grupo upang umalis at hanapin ang kaligtasan.
Saglit na natigilan si Jun Wu Xie bago nagsalita: "Para sa Lower Realm na maabot ang antas
kung nasaan ang Middle Realm, ay mangangailangan iyon ng isa pang panahon. At ang
panahong iyon na kailangan nila, ay ang bagay na ating ilalaban upang makuha natin para sa
kanila." Kinaladkad ni Jun Wu Xie lahat ng kaniyang munting mga kasama palabas at
nakahanda na sa pagtungo sa Middle Realm. Ayon sa sinabi ng Elder mula sa Palace of
Demons, ang Middle Realm ay hindi payapa sa kasalukuyan at iyon ay tamang-tama sa
kanilang balak.
"Bakit pakiramdam ko na lahat ng ito'y isa lamang pagdadahilan?" Tanong ni Qiao Chu habang
nagnakaw ng tingin kay Jun Wu Xie. Ang pabigla-biglang paraan ng pagsasagawa nito'y parang
mas masasabi na sila ay tumatakas.
Matapos umakyat ni Jun Wu Xie sa karwahe, napagtanto niya na si Jun Wu Yao ay nasa labas
pa rin at hindi sumunod sa kaniya sa loob. Agad nabalot ang mga mata niya ng pag-
aalinlangan.
Ngumiti si Jun Wu Yao sa kaniya at sinabi: "Mauna ka na. May mga hindi ako natapos na
kailangang asikasuhin."
Bagaman ninais niya na makasama siya sa tabi nito, ay pinili niya na pansamantalang malayo.
Tinitigan ni Jun Wu Xie si Jun Wu Yao na parang nais niyang itatak ang mukhang iyon sa
kaibuturan ng kaniyang puso. Sa huli ay tumango siya at muling naupo sa karwahe.
Minasdan ang unti-unting paglisan ng mga karwahe, si Jun Wu Yao ay nanatiling nakatayo na
ang mga kamay ay nasa likuran.
Nakatayo sa kaniyang tabi si Ye Mei. Sa pagkakataong ito ay ipinadala ni Jun Wu Yao si Ye Sha
at Ye Gu upang manatili sa tabi ni Jun Wu Xie at masiguro ang kaligtasan nito.
"Lord Jue." Tumingin si Ye Lei sa gilid ng mukha ni Jun Wu Yao, at bahagya niyang
naramdaman na ang mga mata ni Jun Wu Yao ay bahagyang nabahiran ng lungkot.
[Sa totoo si Lord Jue… ay talagang nais na samahan ang Young Miss…]
"Ye Mei, kaaalis pa lamang ni Little Xie. Bakit nangungulila na agad ako sa kaniya?" Saad ni Jun
Wu Yao habang nakatitig sa karwahe na unti-unting lumalayo, ang ngiti sa kaniyang mukha ay
unti-unti na ring naglalaho at isang pakiramdam ng pagsupil ang bumara sa kaniyang dibdib.
Napayuko si Ye Mei, at tanging pagbuntong-hininga ng tahimik ang nagawa.
Ilang sandaling natahimik si Jun Wu Yao at sa wakas ay inilayo ang tingin.
Hindi sa ayaw niyang samahan ito sa Middle Realm, ngunit kung magpapakita siya sa Middle
Realm na nasa tabi nito, ang mga taong iyon ay siguradong susundan ang kaniyang bakas.
Kung siya lamang, ay ayos lang, ngunit ayaw niyang idawit si Jun Wu Xie sa ganoong uri ng
panganib.
"Talagang nakakapagod." Saad ni Jun Wu Yao habang itinaas ang kamay, isang pagpaslang
saglit na kumislap sa kaniyang mga mata.
[Nais na ipadala agad ang mga taong iyon sa Impiyerno.]