Sa ilalim ng gabi, limampung mukhang dukha ang lumabas mula sa likod ng palasyo. Kumalat sila sa iba't ibang lugar ng kaharian. Kapag pinagmasdang mabuti, maayos ang kanilang pagkakakalat sa kaharian.
Sa katahimikan, limampung pintuan ang sinaradong mabuti, hindi alam ng mga mamamayan ang bangungot na kakain sa kanilang lahat.
Ilang araw ang lumipas….
Isang linggo nang nasa loob ng kaharian ang mga sundalo ni Jun Wu Xie, at sa loob ng pitong mga araw, tahimik lang si Jun Wu Xie na nagtatago sa Palasyo ng Lin, sinasanay ang kanyang spiritual powers. Si Jun Xian, na binabantayan ni Jun Wu Xie, ay magaling na.
Paglampas sa Palasyo, nakita niyang nalinis na ito at maganda na ulit. Sa ilalim ng utos ni Jun Wu Xie, sa loob ng pitong araw na ito, napilitan siyang aralin ang mga realidad na araw-araw hinaharap ng mga dukha.
Kinabihasnan nang maglakad ni Mo Qian Yuan sa mga kalye na gumagawa ng mabuto bilang Prinsipeng Tagamana ng Qi.
Paglampas niya sa isang bahay na may gwardya ng Rui Lin, biglang bumuka ang pinto nito at may lumabas na anyo, na naghihirap, tumatakbo sa daan, parang nasiraan.
Dahil umaga, puno ng tao ang daan at maraming natumba ang nasiraan,
"Tignan niyo kung ano ang nangyayari!" Inutos ni Mo Qian Yuan sa mga sundalo.
Sa gitna ng mga tao, lumobo ang katawan ng lalaki at namumula ng husto. Umuungol siya sa sakit. Patuloy parin ang paglaki ng kanyang katawan at napunit ang kanyang damit at balat. Tumagas ang dugo sa mga sugat na nabubuo.
Hindi na makilala ang kanyang mukha at natabunan na ng dugo ang kanyang mukha, buhat ng mga sugat na nabubuo.
Sumugod siya sa mga tao, kinakalmot ang katawan. Hindi siya mapigilan ng mga sundalong sumubok na pigilan siya. Hindi tama ang lakas niya para sa isang ordinaryong tao.
Marami ang nagwala sa mga kilos ng nasiraan, at nagkaroon ng kaguluhan.
Nakita ni Mo Qian Yuan ang kaguluhan at nagpasyang tignan ito. Linabas niya ang kanyang contractual spirit, at naging mahabang sibat ito na may itim na borlas. Tumalon siya at nagpunta sa nasiraan, sinaksak ang kanyang braso na tila isang dragon, at napigilan ang nasiraan sa kanyang pagwawala.
Kahit na nakatuhog na sa sahig, lumaban parin siya at hindi pinansin ang sakit, sumigaw siyang parang halimaw at nagpumilit na tumayo.
Nakatayo si Mo Qian Yuan sa tabi ng lalaki, iniisip ang lalaki, magtatanong na sana siya…..
Biglaang humiyaw ng napakalakas ang nagwawalang lalaki, at mabilis na lumaki ang kanyang katawan.
Sa isang malakas na pagsabog, kumalat ang kanyang katawan at pira-pirasong bumagsak. Nabalutan si Mo Qian Yuan ng dugo mula ulo hanggang paa mula sa pagsabog.
Ang malakas na pagsabog sa kaharian, ay nagdulot ng pulang ulan ng laman at dugo, na parang demonyong pulang lotus, na sumibol sa kalye.