Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1461 - Ipakita Mo Ang Iyong Mukha (3)

Chapter 1461 - Ipakita Mo Ang Iyong Mukha (3)

Si Ye Jie na tahimik sa isang tabi ay biglang nagbagong anyo at naging si Ye Gu nang marinig

ang sinabi ni Jun Wu Yao na hindi pa halos naglalaho, hinimas nito ang kaniyang kamao sa

matinding pag-asam, handang-handa na gumawa ng malaking kaguluhan.

"Lord Jue makakasiguro ka na sa oras na maglakas loob silang makialam, sisiguraduhin ko na

wala maski isa man sa kanila ang buhay na makakaalis ng Clear Breeze City." Ang mukha ni Ye

Gu ay sa isang tuwang-tuwa na uhaw sa dugo. Bilang Commander in Chief ng Night Regime, ay

binantayan niya ng napakahabang panahon ang libingan at matagal na niyang hinahangad na

maging bahagi ang sarili sa isang masayang pagdanak ng dugo.

Ngumiti si Jun Wu Yao at wala nang sinabi pang iba.

Sa labas ng gusali, si Jun Wu Xie at ang lalaking nakaitim ay magkaharap laban sa isa't isa. Ang

kaninang hambog na si Luo Xi ay biglang natahimik nang makita ang nagbabagang Purple

Spirit sa katawan ni Ju Wu Xie. Kahit na may tulong mula sa black robed man, ay hindi siya

maglalakas-loob na direktang galitin ang isang Purple Spirit!

"Alin sa mga palaces ka nagmula?" Tanong ng lalaking nakaitim habang nakatitig kay Jun Wu

Xie. Hindi siya naniniwala na mayroong sinuman ang makakagawang lumusong sa pagiging

Purple Spirit sa napakamurang edad dito sa Lower Realm. Bagaman ang Purple Spirit ay

nagagwang panatilihin ang kabataan ng isang tao, ngunit ang kabataan na kaya nilang

panatilihin ay hindi aabot sa ganito. Maging sa Middle Realm, ang mga taong nakakagawa na

lumusong sa Purlple Spirit sa ganoong kamurang edad ay maituturing na bibihirang

kababalaghan.

"Anong palace?" Malamig na ngisi ni Jun Wu Xie. "Hindi ako nagmula sa anumang palaces. Sa

ilalim ng Heavens na ito, hindi lamang kayo na mula sa Twelve Palaces ang makakagawa ng

mga naisin ninyo. Ang lupain kung saan nakatayo ang iyong mga paa ay pagmamay-ari ng

Lower Realm at hindi ito ang lugar para sa mga tulad ninyong tao mula sa Middle Realm na

manghimasok!"

"Mapangahas na mga salita! Tingin mo ba talaga na ang ibig sabihin ng pagiging Purple Spirit

ay matinding lakas? Hayaan mo akong turuan ka ngayon ang pagkakaiba sa pagitan ng isang

Purple Spirit sa isa pang Purple Spirit!" Sa sandaling binitawan ng lalaking nakaitim ang mga

salitang iyon, ay agad na itong naging isang liwanag na lila, mabilis na lumundad patungo kay

Jun Wu Xie!

Ang anyo ni Jun Wu Xie ay naging isang lila na liwanag rin sa parehong sandali.

Ang liwanag mula sa dalawang kulay lila na spirit ay parang dalawang kidlat, paroo't parito sa

bawat isa sa ere sa ilalim ng kalangitan!

Ang nakakasakal na lakas na lumalabas sa dalawang Purple Spirit na naglalaban ay nagdulot sa

mga takas na nakatayo sa tabi na maramdaman ang hirap sa paghinga.

Nakatago sa anino, pares ng mga mata ang mariing nanonood sa matinding labanan,

binigyang atensiyon lahat nang nalalantad sa kanilang harapan.

"Saan nagmula ang batang iyon? Sa paraan nitong magsalita ay mukhang hindi ito nagmula sa

Twelve Palaces, o mas dapat ko bang sabihin na hindi talaga ito mula sa Middle Realm. At

napakabata pa nito, maari kayang ang Lower Realm ay nakagawa rin ng kamangha-manghang

malademonyong kababalaghan?" Saad ng lalaki na nakasimangot ang mukha habang patuloy

na minamasdan si Jun Wu Xie na nakikipaglaban sa lalaking nakaitim.

"Kung iyan nga ay totoo, ang hangganan ng kapangyarihan dito sa Lower Realm ay siguradong

magbabago. Nakita ko na ang lalaking nakaitim noon at ito'y isa sa mga Elders mula sa Palace

of Flame Demons. Bagaman ang kapangyarihan nito ay hindi kabilang sa matataas, ay hindi ito

isang tao na magagawa nating talunin. Ngunit ang batang iyon ay nakikipaglaban na hindi

nahuhulog sa isang kaawa-awang kalagayan, ang punto lamang na iyon ay sapat na upang

ako'y lubusang magulat." Saad ng isa pang lalaki habang hinihimas ang baba.

Ang isang tao na kayang makipagsabayan ng laban sa isang Elder mula sa Twelve Palaces ay

bibihirang makita at ang grupo ng mga taong iyon na nagtatago sa loob ng Clear Breeze City ay

walang ginawa na anumang pagkilos sapagkat nadiskubre nila na ang Palace of Flame Demons

ay nagpadala ng isa sa kanilang mga Elders upang mamamahala sa luga na iyon.

Dahil na rin sa iilan lamang sila, ay hindi nila magagawang talunin ang isang Elder.

Ang parehong isipin din marahil ang umusbong sa mga isip ng mga tao mula sa Middle Realm

na nagtatago sa kadiliman. Tahimik silang nanood sa lahat ng mga nangyayari, lingid sa

kanilang kaalaman na ang lahat ng kanilang mga nasasaksihan ay ang pinakasimula nang

pagbangon ng Lower Realm!

Ang lalaking nakaitim at si Jun Wu Xie ay ilang minuto pa lamang naglalaban ngunit sila'y

nakagawa na ng hindi bababa sa isang daang tira. Naisip niya na dahil sa napakamurang edad

ng kaniyang kalaban, kahit na nagawa nitong lumusong at maging Purple Spirit, ang

kapangyarihang taglay nito ay hindi pa ganoon katatag, ngunit sa kanilang paglalaban, ang

pananakot na dinala ni Jun Wu Xie sa kaniya ay higit pa sa kaniyang inaasahan!

Related Books

Popular novel hashtag