Ang lalaking nakaitim ay nanatiling nakatayo habang pinapanood ang lahat. Sa ilalim ng ulap
ng alikabok, ay nakatayo siya na naniningkit ang mata, ang baritono at magaspang na boses
nito ay umalingawngaw sa tainga ng lahat.
"Wala akong pakialam kung sino ka. Ngayon, kung hindi ka magpapakita, papatayin ko bawat
isang tao na narito!" ang boses ng lalaking nakaitim ay puno ng matinding kagustuhang
pumaslang, sa sandaling ibinuka niya ang kaniyang bibig, ay agad siyang sumugod sa isang
takas, mahigpit itong hinawakan.
Sumunod si Luo Xi at mabilis na nakarating ito doon. Nang makita niya ang mabagsik na
paraan ng lalaking nakaitim, ang puso niya ay napuno ng kasiyahan!
Alam niya na ang lalaking nakaitim ay nagtataglay ng matinding kapangyarihan at lahat ng
nakita niya sa mga sandaling iyon ay nagdulot ng kapanatagan sa kaniya.
"Ang kagalang-galang ay talagang makapangyarihan ." Mabilis na hakbang ni Luo Xi upang
sumipsip.
Subalit ang lalaking nakaitim ay suminghal lamang.
Ang takas ay mahigpit na napahawak sa kamay ng lalaking nakaitim at sa mukha nito ay bakas
ang takot at lahat ng mga taong nasa paligid ay matinding nagulat sa lakas ng kalaban.
Isang Purple Spirit!
Kahit na bawat isa sa kanila ay sugurin ito, ay hindi iyon sapat upang matumba ang lalaki.
Ang mas nagpagulat sa lahat ng takas ay ang presensiya ni Luo Xi sa tabi ng lalaking nakaitim.
Sa puso ng lahat ng mga takas, si Luo Xi ay isang mabuting tao at hindi nila maiisip na ang
"dakilang tagapagtaguyod" na kanilang iginalang ay magdadala ng demonyo sa lugar na iyon.
"Hoy! Ikaw na ang pangalan ay Jun! Kung magpapatuloy ka na maging pagong na nagtatago sa
iyong bahay, kung gayon ay makikita mo lahat ng mga basurang ito na mamatay sa iyong
harapan!" Ngayon na ang lalaking nakaitim ay nasa kaniyang tabi, ang tapang ni Luo Xi ay agad
tumaas habang nakatayo ito sa lupa at malakas na sumigaw.
Ang napahambog na asala na iyon ay nadulot ng pakiramdam sa mga takas na nais nilang
tumalon paharap at gutay-gutayin ang ipokritong iyon.
Siguro'y naging bulag sila sa simula pa lamang, upang isipin na ang tusong tsakal na ito'y isang
mabuting tao!
"Dinurog mo na ang aking gusali at tumatahol ka pa rin?" Bigla, isang napakalamig na boses
ang narinig ng lahat.
Agad pinihit ng mga takas ang kanilang ulo at hinanap ang nagmamay-ari ng boses na iyon,
tuwang ekspresyon ang nagliwanag sa mukha ng mga tao.
Ang kilay ng lalaking nakaitim habang nakatingin sa binatilyong nakasuot ng puti na dahan-
dahang naglalakad palapit. Ang binatilyo ay maliit lamang at ang mukha niya ay
pangkaraniwan, ngunit ang binatilyo ay nagtataglay ng pares ng napakalamig na mga mata,
kung saan ang isa ay hindi makakalimutan ang mga iyon sa oras na makita ito.
"Ikaw ang Young Master Jun na sinasabi ng mga taong ito?" Ang lalaking nakaitim ay nagsalita
at tinitigan si Jun Wu Xie na nasa kaniyang harapan.
"Ako nga." Tugon ni Jun Wu Xie, ang kilay niya ay nakataas. Malinaw niyang nararamdaman
kung gaano katindi ang lakas ng Purple Spirit na lumalabas mula sa lalaking nakaitim.
[Hindi nga isang katamtamang nilalang.]
"Mabuti, kahit paano ay may lakas ka ng loob na umamin." Saad ng lalaking nakaitim na may
nakakakilabot na ngiti.
"Ang Clear Breeze City ay hindi isang lugar na maari kang manggulo. Kahit sino ka pa,
mamamatay ka dito ngayon."
"Oh?" Napataas ang kilay ni Jun Wu Xie, ang kakila-kilabot na mata nito ay natuon sa lalaking
nakaitim. "Gumawa ng gulo? Imbis na sabihin mong gumagawa ako ng gulo, maari mong
sabihin na sinira ko ang dakilang plano mo."
Binaliktad ni Jun Wu Xie ang pangyayari, ang mata niya ay nakakakilabot ang kislap.
"Pinahintulutan ang mga mahihinang takas sa siyudad at pagkatapos ay paiinumin sila ng
nakamamatay na lason upang gawin silang mga manika at kontrolin sila ng iyong mga kamay,
upang sa huli ay dalhin ang lason na iyon sa iba't ibang lugar sa buong kalupaan at gumawa ng
maraming Poison Men… Napakagandang pakana! Ang ituring ang buhay ng mga tao ng walang
kapararakan! Sinong nagbigay sa iyo ng karapatan na gawin kahit anong gusto mo?"
Ang mga salita ni Jun Wu Xie ay tila kidlat na kuisap mula sa langit, at tumama sa puso ng mga
takas. Ang mata nila ay nanlaki, hindi makapaniwala sa kanilang narinig.
Tumingin si Luo Xi kay Jun Wu Xie at dahil sa alam niya na ang lalaking nakaitim na
nakasuporta sa kaniya, ay humakbang siya paharap at nakangising nagsalita: "Ang pagsilbihan
ang kagalang-galang ay isang karangalan."