Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1456 - Tagong Panganib (1)

Chapter 1456 - Tagong Panganib (1)

Biglang nahinto ang mga takas at saglit na nag-alangan, wala sa kanila ang naglakas-loob na

magsalita ng kahit ano tungkol doon. Dahil sa leksiyon na nangyari noong nakaraan sa City

Lord, silang lahat ay natutunan na huwag basta-basta magsalita.

Naisip ni Luo Xi na ang imahe niya bilang "dakilang tagapagtaguyod" ay mayroong silbi ngunit

napagtanto niya na anumang bagay na may kinalaman kay Jun Wu Xie, ang kaniyang katayuan

ay walang silbi sa mga takas.

Kahit anong gawin ni Luo Xi na pamimilit sa mga iyon, walang sumagot sa kaniya. Lahat ng

mga takas ay biglang nagkaroon ng kung anu-anong dahilan upang makaalis doon. Ang

nkaraang pangyayari ay halos magdala ng panganib kay Jun Wu Xie at lahat ng mga takas ay

nakaramdam ng pangongonsiyensiya dahil doon. Ngayon, wala ni isa man sa kanila ang

naglakas loob na magsabi maski isang salita tungkol doon.

Sa loob ng ilang sandali, ang mga takas na nagtipon sa paligid ni Luo Xi ay biglang naglaho,

naiwan siya na nakatayong mag-isa doon kasama ang kaniyang katulong at bigong nagtinginan

sa isa't isa.

Halos sasabog na si Luo Xi at ang mukha niya ay naging madilim ang kulay.

Si Jun Wu Xie ay nakatayo sa tabi ng bintana ng kaniyang tahanan, naliligayahan sa hitsura ni

Luo Xi na mukhang naiinis.

"Young Miss, nais mo ba na bumaba ako doon upang harapin siya?" Saad ni Ye Sha sa malamig

at matigas na boses.

Umiling si Jun Wu Xie.

Ang isang hamak na piyon na tulad ni Luo Xi ay hindi nararapat sa kaniyang pansin at wala

siyang interes na mag-aksaya ng oras dito. Kailangan lamang niyang puwersahing maigi ang

sitwasyon upang ang tao na nakatago sa liko ng eksena ay kumilos.

Dahil sa walang pakundagan na pagbabalewala sa kaniya, ang tanging nagawa ni Luo Xi ay

nagpupuyos na umalis doon. Hindi niya hahayaan na magpatuloy ang ganito at agad siyang

nagpakawala ng isang kalapati pagdating niya, bago naupo na nagtatagis ang bagang.

"Iniimbita mo ang taong iyon dito?" Tanong ng tagasilbi habang nag-aalalang nakatingin kay

Luo Xi.

Kung saan ay sinagot ni Luo Xi: "At ano? Malayo na ang ating narating. O hahayaan ko na

lamang ang batang iyon na gawin ang gusto niya sa siyudad na ito? Isang walang silba na

tarantado rin ang City Lord at kapag dumating ang kagalang-galang, sisiguraduhin ko na

magbabayad siya!"

Ang sistema na nagawa nilang itayo at itaguyod sa loob ng Clear Breeze City ay nagulo simula

nang dumating si Jun Wu Xie. At sa loob ng kaguluhaqng iyon, may isang pinanonood lahat ng

iyon habang nakatago.

"Mula saang palace ang batang iyon sa hilagang siyudad? Talagang gumawa siya ng bagyo

simula ng dumating siya dito." Saan ng lalaking nakaupo sa kainan, inikot ang kopitang may

alak sa kaniyang kamay at ang kilay ay bahagyang nakataas habang minamasdan ang kaakit-

akit na binatang may malamig na mukha.

"Hindi ba't kawili-wili? Bihira tayong makakita ng tao na napakalakas ang loob at ang Palace of

the Flame Demons ay bahagyang natalo sa sitwasyon na ito." Pumihit ang kaakit-akit na

binata, ang sulok ng kaniyang mga labi ay nakangisi.

"Hindi ko inaasahan na gugustuhin mong bumaba sa Lower Realm sapagkat talagang tinakot

mo ako noong huling pagbalik mo. Napansin ko na parang may hinahanap ka sa mga nagdaan,

mayroon bang kinalaman iyon sa nakaraang pangyayari, Gu Ying?" Siyasat ng lalaki.

Ang kaakit-akit na binatang nakatayo sa isang tabi ay ang parehong tao na napinsala ni Jun Wu

Xie at kinailangang dalhin pabalik sa Middle Realm, si Gu Ying!

Ang mga tinuran ng lalaki ay naging dahilan upang ang ngiti sa labi ni Gu Ying ay bahagyang

manigas at maningkit ang mga mata habang ang imahe ng isang balingkinitan at kaakit-akit na

anyo ay lumitaw sa kaniyang isip.

[Jun Xie!]

Ang imahe ng anyong iyon ay tila nakatatak na sa kaniyang puso kung saan ay nakaramdam

siya ng matinding sakit sa tuwing maiisip iyon. Isa iyong kahihiyan na hindi niya malilimutan!

"Kung may panahon ka na pakialaman ang aking mga gawain, dapat ay gamitin mo iyon sa

pag-iisip kung paano haharapin ang mga taong iyon mula sa Palace of Flame Demons. Ang

mga tao mula sa Palace of Flame Demons ay gumawa ng magulong bagyo dito sa Lower Realm

at kung ano man ang kanilang hinahanap, iyon ay hindi isang simpleng bagay lamang. Ang

Twelve Palaces ay nakapaglagay na ng kanilang mga tauhan dito sa Clear Breeze City at kung

iniisip mo na maupo lamang diyan at hintaying anihin ang kapakinabangan mula sa

pagsusumikap ng iba, kailangan mo rin tingnan kung nagtataglay ka ba ng kakayahan na gawin

iyon." May pangungutyang saad ni Gu Ying.

Walang-saysay na iwinasiwas ng lalaki ang kaniyang kamay. "Hindi tayo hibang katulad ng mga

taong iyon mula sa Palace of Flame Demons. Ngunit ang pagkawala ng pitong mapa ay

talagang hindi inaasahan. Ako ay nagtungo pa sa Zephyr Academy noon ngunit wala akong

nahanap. Tila ba ang taong nagnakaw ng mga mapa ay matagal nang nakaalis. Palagay ko ang

sitwasyon sa Palace of Flame Demons ay pareho lamang at narinig ko na nagpadala rin sila ng

isa sa kanilang Elders na namatay din sa Heaven's End Cliff. Iyon marahol ang dahilan sa

matinding galit ng Palace of Flame Demons at kaya naman gumawa sila ng matinding

kaguluhan dito sa Lower Realm. Kung mabura nila ang Lower Realm, hindi ba't mas

mapapadali sa atin na hanapin ang libingan ng Dark Emperor?"