Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1451 - Sinong Dapat Tanungin (3)

Chapter 1451 - Sinong Dapat Tanungin (3)

Ang mga napiling tagapagdala ay karaniwang mga tao na sakitin at mahina. Dahil sa ang

katawan ng mga ito'y mahihina, ang katatagan nila sa gamot at baktirya ay hindi matibay.

Hindi magtatagal matapos silang maturukan ng baktirya, ay mamamatay sila agad. Sa kanilang

kamatayan, doon magsisimulang kumalat ang baktirya, tahimik at di-pansin, kakamtan ang

masamang layunin.

Para iutos ng kagalang-galang na patuloy na papasukin sa Clear Breeze City ang matatanda,

mahihinang babae at mga bata, ang motibo niya ay maaring pareho sa bacteria warfare, iyon

nga lamang ang baktirya sa nagdaang buhay ni Jun Wu Xie ay pinalitan ng isang uri ng gamot

na madaling kumalat, upang makamit ang parehong epekto. Kung tama ang kaniyang iniisip,

ang mga taong iyon na pinili painumin ng gamot, ay maaring lihim na pinadala sa iba't ibang

lugar sa buong Lower Realm.

Sa ilalim ng kaguluhan ng digmaan at labanan, ang bilang ng mga takas ay walang hanggan.

Hindi na mahalag kung saan lugar, ang makita ang ilang sakiting mga takas ay hindi kukuha ng

atensiyon ninuman. At para sa mga taong may mababang imyunidad at panlaban sa gamot,

ang kanilang kamatayan ay mas mapapabilis!

Iyon din ang dahilan kung bakit ang kagalang-galang ay hiniling na mgamatatanda at

mahihinang mga babae at bata ang payagang makapasok sa siyudad. Higit doon, ang malupit

na kondisyon kung saan ang mga yakas ay pinilit manirahan ay mas lalong uubusin ang buhay

sa mga takas na iyon at pagtapos ng pitong araw, kung saan ang katawan nila ay nanghihina,

ay mainam na panahon upang gamitin sila at bigyang katuparan ang masamang layunin!

Gamitin ang mga tao upang maging tagapagdala at maikalat ang lason. Talagang

napakasamang pamamaraan na magbibigay ng kilabot na sagad hanggang buto ninuman.

Nang maisip niya ang tatlong daang mga takas na ang mga katawan ay naglalaman ng lason at

ipinapadala sa iba;t ibang lugar sa Lower Realm araw-araw, nakaramdam si Jun Wu Xie ng

isang pagliyab na nagsisimulang umapoy sa kaniyang dibdib. Ang Poison Army ay araw-araw

na pinagtitibay at walang katapusan para doon. At ang pinagmulan ng lahat ng iyon, ay ang

mga tao dito.

Kahit sa ganoong personalidad ni Jun Wu Xie, hindi niya maiwasang makaramdam ng galit sa

napagtantong iyon.

"Nasaan na ang kagalang-galang na iyon?" Tanong ni Jun Wu Xie sa boses na talagang kakila-

kilabot.

"Hindi… Hindi ko alam… Isang beses lang kami nagkita ng kagalang-galang at lahat ng iuutos

ng kagalang-galang sa akin matapos niyon ay nagmumula na kay Luo Xi. Ang mga bagay

tungkol sa kagalang-galang… mas may alam doon si Luo Xi kaysa sa akin! Wala… Wala talaga

akong alam na kahit ano tungkol doon…" Palahaw ng City Lord.

Natahimik si Jun Wu Xie. Mukhang hindi nagsisinungaling ang City Lord sa kaniyang mga

sinabi. Kung titingnan lahat ng mga nangyari, tunay ngang si Luo Xi ang nagbibigay ng utos sa

City Lord. Dahil kung hindi, nang malaman na ang mga takas ay naialis na sa kampo, sa

kanilang dalawa ang unang magpapakita ay hindi dapat ang City Lord kundi si Luo Xi upang

manggulo.

"Simula ngayon, kikilos ka na parang walang nagyari. Hindi ako nagpunta dito sa City Lord's

Manor at wala akong narinig na kahit anong sinabi mo.""Biglang saad ni Jun Wu Xie.

Natulala ang City Lord kay Jun Wu Xie, ang luha at sipin ay dinungisan ang buong mukha nito.

"Ano… Anong ibig… sabihin niyon?"

"Sabihin mo kay Luo Xi na hindi ka nagtagumpay ngayon at sabihin mo sa kaniya na mag-isip

ng ibang paraan." Saad ni Jun Wu Xie habang tumatayo. Ang Lord ng Clear Breeze City ay isang

hamak na piyon sa larong chess at upang mahuli niya ang malaking isda, kailangan niya

munang mahuli si Luo Xi.

Patuloy na nakatitig ang City Lord, mukhang gulat na gulat kay Jun Wu Xie.

"Kailangan ko bang ililok lahat ng mga salitang ito sa katawan mo upang paalalahanan ka?"

Mabalasik na saad ni Jun Wu Xie habang naninigkit ang mata, kumikislap ang mga mata ng

pagpaslang.

Agad nalugmok ang City Lord sa sahig, nanginginig na parang napinsalang sisiw at mabilis na

sinabi: "Ang inyong lingkod ay pakatatandaan ito! Naiintindihan ko ang sinasabi sa akin ng

Young Master! Gagawin ko ang lahat ng inutos ng Young Master sa aking sulat!"

Nasiyahan si Jun Wu Xie at tumalikod na siya upang umalis, naglaho sa City Lord's Manor

kasama si Ye Sha, na para bang hindi ito nagtungo doon kahit kailan.

Nang makaalis si Jun Wu Xie at Ye Sha ay lupaypay na natumba ang City Lord sa lupa, lahat ng

lakas nito ay tila hinigop palabas sa kaniya. Hindi nya alam kung bakit, pero nakaramdam siya

ng kakaiba sa kaniyang puso. Tila naramdaman niya na ang malamig at kalmadong binatilyo

ang mas dapat katakutan kaysa sa makapangyarihang kagalang-galang!

Related Books

Popular novel hashtag