Chapter 147 - Lason (2)

Natatakpan ng dugo, nagulat si Mo Qian Yuan, bumaluktot ang mukha sa pandidiri. Nablangko ang kanyang isipan, at tahimik ang lahat. Ang mga nakakita ay napatahimik at hindi alam ang sasabihin.

Pinigilan ni Mo Qian Yuan ang umaakyat sa kanyang lalamunan, at pinilit na huminahon. Pinunasan niya ang kanyang mukha gamit ang kanyang manggas, at inutusan ang mga sundalo: "Linisin ninyo ang kapaligiran, at aralin ang lalaki."

Agad na ginawa ng mga sundalo ang utos, mabilis at mahusay, at napatahimik ang daan. Pinuri sila ng mga tao, at bumalik si Mo Qian Yuan sa Palasyo, ng madungis.

Pag-pasok palang sa pintuan, nakita na niya si Jun Wu Xie, na papalabas.

"Wu…"

"Tabi."

"..." Hindi pa siya tapos pero pinaalis na siya, at bago pa siya makapagsalita, umalis na si Jun Wu Xie at pumasok sa bahay.

"Sandali!" Kinutuban si Mo Qian Yuan na may mali sa nangyari kanina, at nais sabihin ito kay Jun Wu Xie, pero hindi pinansin.

"Maghugas ka bago mo ako kausapin." Sinabi ni Jun Wu Xie at nawala.

"...…" Nanliit si Mo Qian Yuan…..

Masaya siyang lumabas, pero umuwing madugo. Pumasok sa Palasyo ng Lin at sa halip na mag-alala, pinaalis pa siya at hindi pinansin… Malungkot siyang Prinsipeng tagamana….!

Hinugasan niya ng mabuti ang kanyang sarili. Matapos ang maayos na pagligo, nagpasya siyang mas mabango na siya at pumunta sa patyo ni Jun Wu Xie. Nakaupo siya sa tabi ng lawa ng mga lotus, nagbabasa ng isang matandang libro.

Nang marinig ang kanyang mga yapak, tumingin si Jun Wu Xie.

"Wu….."

"Lumayo ka sa akin." Tinignan ng malamig ni Jun Wu Xie si Mo Qian Yuan, napansin ang amoy ng dugo mula sa kanya.

"...." Nabasag ang puso ni Mo Qian Yuan, nang makita ang pandidiri sa mga mata niya. Inamoy niya ang kanyang sarili, at umatras, hanggang sa sapat na ang layo niya, at pinayagan na siyang ituloy ang kanyang sasabihin. "May kakaibang nangyari ngayon."

"Tuloy mo." Yumuko si Jun Wu Xie at nagbasa, habang nakikinig kay Mo Qian Fei. Naramdaman niya ang pagbilis sa paglakas ng kaynang pulang yugto na spirit, sa loob ng dalawang buwan, pakiramdam niya'y kaya na niyang gawung kulay kahel ang kanyang yugto. Medyo mabilis at hindi masamang maging maingat.

"Maayos ang simula ng aking paglabas ngayon. Pagdating ko sa kalye ng Hua Yun, may sira-ulo na biglang sumugod sa mga tao. Lumobo ang kanyang katawan at hindi tumagal, sumabog siya." Kinwento ni Mo Qian Yuan sa kanya.

Napatayo si Jun Wu Xie at tumingin kay Mo Qian Yuan. "Sumabog ba kamo?"

Biglaang pagsabog, yan ang nangyari kay Lin Yue Yang!

"Medyo iba sa nangyari sa Opisyal. Katabi ko siya. Nang sumabog siya, nabalutan ako ng….. *ahem*, pero wala akong naramdamang iba, at hindi rin nawala ang lakas ko." Alam ni Mo Qian Yuan ang pagdududa ni Jun Wu Xie, dahil parehas sila ng nararamdaman. Ngunit sa nangyari kay Lin Yue Yang, iba ang mga epekto ng nangyari ngayon sa sinabing nangyari ni Jun Xian.

Nag-alala si Jun Wu Xie, "Halika."

Related Books

Popular novel hashtag