Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1443 - Muling Kumatok sa PIntuan ng Kamatayan (3)

Chapter 1443 - Muling Kumatok sa PIntuan ng Kamatayan (3)

Ang kakaibang asal ng mga takas ay agad nakuha ang atensyon ng City Lord at lihim siyang

napamura, bagaman nanatili pa rin sa mukha niya ang banayad na ngiti.

"Bakit? Mayroon bang bumabagabag sa inyo na hindi niyo masabi? makakaasa kayo na nais ko

lamang pasalamatan mismo ang bayaning iyon. Kayong lahat ay mga tao na pinayagan kong

pumasok dito sa siyudad at natural lamang na hindi ko mapapayagan ang sinuman na apihin

ang sino man sa inyo sapagkat ngayon ay kinikilala na rin kayong mamamayan ng aking Clear

Breeze City. At dahil ang taong iyon ay nagawang protektahan kayong lahat, ay tinulungan

niyang ibsan ang isa sa aking alalahanin, kaya, wala akong gagawin na kahit ano upang

pahirapan siya." Makabagbag-damdamin na saad ng City Lord, at ang nag-aatubiling mga

takas ay nagpakita ng senyales ng pagpayag kalaunan.

Ilan sa mga takas ay nagbulungan ng ilang sandali. Ang sinabi ng City Lord ay may katuwiran.

Ang katotohanan na kaya sila nakapasok sa siyudad upang manahan ay dahil sa kabaitan ng

City Lord na bukal sa loob na nagbigay ng tulong sa grupo ng mga takas na katulad nila na wala

kahit ano, kaya hindi ito maaring maging masamang tao.

"Tungkol doon… My Lord… Ang tagataguyod ang kumuha sa buhay ng mga taong iyon…

Ngunit… Ngunit siya ay tagataguyod pa rin naming lahat. Kung hindi dahil sa kaniya, wala sa

kanila ang magagawang mamuhay sa lugar na katulad nito. Dahil sa mayroon siyang

pinaslang… Ikaw… Ikaw ba… ay pagbibintangan siya?" Isang takas ang naglakas loob na

magtanong.

Malamig na tumawa ang City Lord sa kaibuturan ng kaniyang puso dahil alam niyang

nakahanap siya ng butas sa mga taong ito. Mas lumalim ang ngiti niya, at sa pinakamagiliw

niyang boses ay kaniyang sinabi: "Bakit ko gagawin iyon!? Pinarusahan niya ang masama at

tinulungan ang mabuti, ang ganoong bagay ay kapuripuri, kaya bakit ko gagwing mahirap ang

mga bagay sa kaniya? Hindi na ako makapaghintay na pasalamatan siya!"

Tulad ng inaasahan, oras na sabihin ng City Lord iyon, ang mga takas na kanina'y nakaramdam

ng kaba ay agad nakahinga ng maluwag at nagtinginan ang mga ito. Sa wakas ay ibinababa ang

kanilang depensa, sinimulan nilang isiwalat ang katotohanan sa City Lord.

At habang ang City Lord ay lihim na ngumingiti dahil sa kasiyahan na nagawa niyang ibuka ang

bibig ng mga takas, isang babae na may kasamang anak ang malamig na nakatitig sa City Lord

na pinalilibutan ng mga takas. Ang mukha nito'y may mga sugat pa rin at siya ang ina na

iniligtas kanina ni Jun Wu Xie.

Sa sandaling iyon, may pangamba na bumakas sa kaniyang mukha. Tumingin siya sa kaniyang

paligid at mahigpit na hinawakan ang kamay ng kaniyang anak, mabilis siyang nagtungo sa

isang kabahayan na nakahiwalay sa iba pa!

Si Ye Jie ay nakaupo noon sa unang palapag, bagot na bagot habang nakaupo sa isang lamesa

at nilalaro ang Hell Rodent na ngumangata ng isang mani ng bigla ay kaniyang nakita ang isang

natatarantang babae na biglang pumasok. Agad siyang napatayo at hinarang ang sarili sa

harapan ng mag-ina.

"Hindi pinapayagan ang sinuman na pumasok sa lugar na ito!" Saad ni Ye Jie na nakasimangot

ang mukha.

Gulat na napatitig ang babae sa munting batang babae na nakasuot ng kalahating maskara na

nasa kaniyang harapan ngunit wala na siyang oras na kilalanin ang pagkakakilanlan ng bata.

Alam na alam niya na ang bahay kung saan naninirahan ang tagataguyod ay hindi karaniwang

pinapayagan ang sinuman na pumasok at ang mga takas ay maingat na dumistansya sa lugar

na iyon, ngunit…

"Munting binibini, may napakahalagang bagay akong kailangan kay Master Jun!" Saad ng

babae, bakas sa mukha nito ang pagkabalisa.

Ngunit sa halip ay sumagot si Ye Jie na mukhang nalilito: "Sinabi ni Young Master Jun na kung

walang pahintuloy niya ay hindi siya maaring istorbohin." Matinding pagmamatigas ni Ye Jie.

Para sa isang tao na nagawang manatili sa isang nakasaradong libingan ng halos isang libong

taon upang bantayan ang himlayan ng kaniyang Lord, ang lubusang pagsasakatuparan sa

inuutos sa kaniya ay inaasahan na.

Hindi nagawang makumbinsi ng babae si Ye Jie at kahit anong sabihin niya, ay hindi niya

makumbinsi si Ye Jie, na mas lalong nagpataranta sa kaniya. Dahil wala siyang ibang

mapagpipilian, malakas siyang napaluhod sa harap ni Ye Jie na matindi na ang takot, ang

musmos na bata ay natigagal.

"Munting binibini, wala akong masamang hangarin. Kung hindi mo ako papayagan na

makapasok, ayos lang. Ngunit kailangan mo dalhin ang balita nadala ko para kay Young Master

Jun." Nababahalang sagot ng babae.