Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1440 - Pagsuyo sa Kamatayan (6)

Chapter 1440 - Pagsuyo sa Kamatayan (6)

Narito, ay isang Purple Spirit!

Naghahari sa itaas ng lahat, isang napakalakas na nilalng na nasa taluktok ng gintong

piramide!

Ang mga takas ay nagtipon sa paligid, dikit-dikit sa bawat isa, ngunit silang lahat ay tahimik,

wala maski isang siyap na lumabas sa kanila.

Tinitigan nila ang patay na mga katawan sa lupa, at ang kanilang likod ay nabasa dahil sa

matinding pawis. Ang kilabot sa kanilang mga buto ay nanunuot, ang makita ang madugong

pagpaslang na nangyari sa kanilang harapan ay mahigpit pa ring hawak ang kanilang mga

puso.

Naglakad si Jun Wu Xie sa matingkad na pulang dugo, at nagtungo siya sa tabi ng matandang

babae na nawalan na ng malay. Bawat hakbang na ginawa niya ay nag-iiwan ng matingkad na

madugong bakas sa lupa, parang pagpapakita ng tanikala ng kamatayan.

Ang batang nakahiga sa matandang babae ay matinding umiiyak at hinahabol ang kaniyang

hininga habang itinaas nito ang ulo upang masdan si Jun Wu Xie, ang mata nitong puno ng

luha ay hindi kakikitaan ng kahit kaunting bakas ng takot o pagkaligalig at sa halip ay puno ng

pasasalamat.

Ang pag-iisip ng mga bata na kasing musmos tulad nito ay ang pinakadalisay at malinis. Ang

tanging alam nito ay ang big brother na nasa kaniyang harapan ay tumulong upang paslangin

ang mga tao na umapi sa kaniyang lola at ito rin ang kanilang tagatangkilik!

Naupo si Jun Wu Xie at sinipat ang kalagayan ng matandang babae. Matapos masiguro na ang

buhay nito ay malayo sa panganib, pinalakpak niya ang kaniyang mga palad at isang anino ang

biglang lumabas sa isang sulok.

"Ibigay mo sa kaniya ang gamot na ito at dalhin siya pauwi upang makapagpahinga." Saad ni

Jun Wu Xie habang ibinibigay kay Ye Sha ang bote ng elixir.

Kinuha ni Ye Sha ang bote ng walang imik at binuhat ang matandang babae sa kaniyang

likuran at dinala ito papasok sa mga kabahayan.

Tumayo si Jun Wu Xie, ang pagpaslang ay nabura na sa mga mata nito. Ngunit ang sulyap nito

ay nakakakilabot pa rin, nababalot ng lamig habang dahan-dahan na nalipat sa grupo ng mga

tigagal na takas na nagtipon sa isang tabi at bigla niyang ibinuka ang bibig upang magsalita:

"Ang nangyari ngayon ay isang beses ko lamang papayagang mangyari. Binigyan ko kayo ng

lugar hindi upang magtago ng mga basura na mananatili lamang na nakatayo at panoorin ang

mga bagay tulad nito na mangyari na hindi man lang nagtataas ng daliri upang tumulong. Kung

kayo mismo ay walang lakas ng loob upang ipagtanggol ang mga kasama ninyo dito, kung

gayon kayong lahat ay maari nang gumapang pabalik sa kubo ninyong kampo! Ang lugar na ito

ay hindi tumatanggap ng mga duwag!"

Makapangyarihang mga kalaban ay hindi gaanong nakakatakot, ang nakakatakot ay kapag ang

isang tao ay hindi nagtataglay ng lakas ng loob upang labanan ang kaaway!

Ang mga tahanan ay malapit ng mapuno sa isang libong takas at kahit na ang mga ito'y

binubuo ng mga matatanda at mahihinang babae na may mga anak, kung may lakas sila ng

loob na bumangon bilang isang katawan, ang sampung mabagsik na mga sangganong iyon ay

walang pagkakataon laban sa kanilang lahat.

Malapit sa bilang na halos isang libong katao, kung bawat isa sa kanila ay bumato ng tig-iisang

bato, ay magagawa nilang mapaslang ang sampung sanggano iyon sa pamamagitan ng

pagbato. Ngunit wala silang lakas ng loob, sa halip ay tahimik lamang silang nakatayo sa isang

tabi at naging tuod dahil sa matinding takot, habang pinapanood ang kanilang mga kasama na

inaabuso!

Lubos na kinasusuklaman ni Jun Wu Xie ang ganoong kaduwagan. Ang isang tao ay maaring

maging mahina, ngunit hindi dapat ang puso!

Ang mga sinabi ni Jun Wu Xie ay tila isang kidlat na tumama sa puso nilang lahat. Lahat sila ay

nakatayo at tinitigan ang tumatangis na bata, minamasdan ang mag-ina na magkayakap at

matindi pa rin ang takot.

Ang makadurog-pusong sigaw na paghingi ng tulong kanina ng babae ay umulit sa isip ng lahat

sa mga sandaling iyon, ang tubig mula sa bukal ng konsiyensya ay bumuhos sa alikabok na

tumatakip sa budhi na malalim na nakatago.

Matinding kahihiyan na napayuko sila dala ng matinding konsiyensiya, ang kanilang mga mata

ay puno ng dalamhati. Ngayon, nang ang matandang babae kasama ang kaniyang apo pati ang

mag-ina ay inabuso, ay pinili nilang hindi tumulong, itinago ang mga kamay nila sa loob ng

kanilang kasuotan. Ngunit kung dumating ang araw at mangyari din sa kanila ang parehong

kaganapan, gaano kahina at anong uri ng pighati ang mararamdaman nila?