"Sino iyon!?" Ang pinuno ng mga sanggano ay nakita na ang kaniyang mga kasama ay
tumilapon at ang mata niya ay tinitigan ang bagong dating!
Sa harapan ng mag-ina na magkayakap, isang maliit na anyo ang mayabang nakatayo!
Isa iyong kabataan na may kaakit-akit na mukha. Nakasuot ng isang simple at magaspang na
abakang damit, karaniwan lamang ang hitsura, ngunit ang pares ng mga matang iyon ay
nagdadala ng kilabot sa kaibuturan ninuman!
Malamig ngunit kasinglinaw ng tubig!
Naguguluhan na tinitigan ng sanggano ang kabataan na biglang nagpakita, sinusukat ang
hitsura nito. Nang makita na ang kasuotan nito'y simple, inakala niya na isa rin itong takas na
nananatili doon.
"Saan nanggaling ang bastardong ito!? Siguro ay pagod ka na mabuhay! Ang lakas naman ng
loob mo na gambalain ang pagsasaya ko! Naniniwala ka ba na kaya kita patakbuhin dito
anumang oras! Letse!"
Malamig lamang na tinitigan ni Jun Wu Xie ang lalaking maingay na nagsisigaw, ang
nakakakilabot na sulyap nito ay dahan-dahang sinuyod ang anyo ng munting bata na nawala
na ang boses sa pag-iyak at ang matandang babae na nasa likod ng sanggano at namamaluktot
sa lupa. Ang pares ng malamig na mga matang iyon ay dinaluyong ng pagpaslang.
"Munting bastardong bata! Ang iyong panginoon ay kinakausap ka! Naririnig ba ako ng tainga
mo!?" Bulyaw ng sanggano habang pinandidilatan si Jun Wu Xie. Nang makita na isa lamang
iyong payat at mahinang kabataan, ay mas naging arogante ang asal nito!
"Nagmamakaawa ako sa'yo… Iligtas mo kami… Pakiusap iligtas mo kami…" Ang babaing
natumba sa lupa ay nasa likod ni Jun Wu Xie at humihikbi ito habang mahigpit na yakap ang
anak, nagmamakaawa habang nakatingin sa likod ni Jun Wu Xie. Bagaman alam niyang isa
lamang kabataan ang nakatayo sa harapan niya, ay wala siyang ibang paraan upang makaalis
doon.
Hindi lumingon si Jun Wu Xie at sa halip ay naningkit ang mata niya habang tinititigan ang
mabagsik na sanggano.
"Letse ka! Paslangin ang batang 'yan para sa akin! Gusto ko pa makita kung sino ang may lakas
ng loob na gumawa pa ng gulo!" Mabangis na sigaw ng sanggano, at ang nagtataasan na mga
kalalakihan ay biglang nilundah ang munting si Jun Wu Xie.
Subalit, lahat ng nangyari ay nagpatigagal sa lahat!
Bago pa man makalapit kay Jun Wu Xie ang sinuman sa mga naglundagan na mga lalaki, ilang
guhit ng kulay lila na spirit light ang lumabas mula sa kamay ni Jun Wu Xie. Ang kulay lila na
mga spirit light ay naging matutulis na patalim sa ere at agad pumunit sa meridian ng puso ng
mga nagtataasang lalaki!
Maya-maya, ang limang matitipunong lalaki ay walang buhay na nakahandusay sa lupa, isang
pulang dugo ang umusbong sa kanilang mga dibdib!
sa isang iglap, ang limang malalakas at matipunong mga lalaki ay nawalang ng buhay. Ang
sanggano na kanina'y napakayabang ay natulala at napanganga habang tinitingnan ang eksena
sa kaniyang harapan. Ang mas nagpamangha sa kaniya ay sa palibot ng katawan ni Jun Wu Xie,
ay isang maliwanag at nagbabagang Purple Spirit!
[Isang Purple Spirit!]
[Ang batang ito ay nagtataglay ng alamat na Purple Spirit!]
[Paano nangyari iyon!?]
Ang gulugod ng sanggano ay parang hinatak mula sa kaniya habang ang kayabangan sa mukha
nito ay biglang nadurog!
Ang nahihintakutan na mga takas na nasa isang tabi lahat ay natulala at napanganga, nakikita
nila ang nagbabagang Purple Spirit na umiikot sa katawan ni Jun Wu Xie, hindi makapaniwala
sa nakikita nila sa kanilang harapan!
Ang Purple Spirit na nawala ng halos isang daang taon ay muling makikita sa kanilang harapan!
Bahagyang naningkit ang mata ni Jun Wu Xie, hindi tinapunan maski isang tingin ang mga
katawan na nakahandusay at naliligo sa sariling dugo. Ang sangsang ng dugo ay kumakalat sa
hangin, ang nagising na nagliliyab na galit sa kaibuturan ng kaniyang dibdib ay mas lalong nag-
alab dahil sa amoy.
"Sino… Sino ka ba talaga…" Natataranta ang sanggano. Kahit bugbugin pa siya hanggang sa
mamatay ay hindi niya inakala na ang mukhang mahina na kabataang iyon sa katunayan ay isa
palang Purple Spirit na umiiral lamang sa mga alamat. Lahat ng kayabangan at kampante niya
kanina ay tuluyang natupok at naging abo sa ilalim ng liwanag ng Purple Spirit!