Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1435 - Pagsuyo sa Kamatayan (1)

Chapter 1435 - Pagsuyo sa Kamatayan (1)

Ang kulay sa mukha ng City Lord ay hindi na kaaya-aya ngunit naglagay pa rin ito ng pilit na

ngiti sa mukha habang nakatingin kay Luo Xi na palabas ng pintuan. Nang makalabas na si Luo

Xi ay hindi na napigilan ng City Lord ang sarili at ito'y sumigaw.

"Sino ba siya sa akala niya? Hindi dahil sa bahagyang malapit siya sa kagalang-galang ay iniisip

niya na sino na siya dito! Hindi ba dapat tingnan muna niya ang sarili niya!? kung hindi dahil sa

kagalang-galang na nasa likuran mo, ang Lord dito ay maraming alam na paraan para tanggalin

ang buhay sa iyo!"

"Walang dahilan upang magalit ng labis ang City Lord. Si Luo Xi ay isa lamang tuta sa paanan

ng kagalang-galang at ang City Lord ay nagbibigay lang ng mukha sa kagalang-galang." Saad ng

isang tagasilbina nasa tabi at mabilis na tumakbo upang nagsusumamong sabihin.

"Hmph! Hindi ako magagalit para sa isang ipokritong tulad niya." Saad ng City Lord sa

nangangalit na ngipin. "Hindi ko kailangan mag-alala sa bastardong si Luo Xi ngunit ang inutos

ng kagalang-galang ay hindi dapat maantala. Ang lugar na iyon sa hilaga ng siyudad ay hindi

dapat hayaan ng ganoon dahil magiging mahirap ang pagpapaliwanag nito sa kagalang-

galang."

Nalipat ang tingin ng City Lord at tinawag ang isang tagasilbi na nasa kaniyang tabi. "Nabanggit

mo na ang mga kabahayan sa hilaga ng siyudad ay itinayo na gusali na may pitong palapag?"

"Iyon ang ginawa nila! Ang inyong lingkod ay lihim na nagtungo doon upang silipin at talagang

ang mga iyon ay interesante. Ang mga bagay na inilagay nila sa loob ay hindi ganoon kasama

at mayroong makatuwiran na kaanyuan, yung nga lamang ay naiiba ito kaysa mga bahay na

madalas nating makita. Narinig ko rin na maraming tao ang nagtatanong kung nasaan ang mga

kabahayan na iyon, tila nakakuha iyon ng atensyon ng mga tao."

Hinimas ng City Lord ang kaniyang baba at ang isip niya ay nagsimulang umikot. Ang halaga ng

pagtatayo ng mga kabahayang iyon ay hindi maliit na halaga at bahagyang masakit sa

kaniyang bulsa kung kukuha siya ng mga tao upang itayo iyon. Ngunit kung masisilo ang puting

lobo ng hamak na mga kamay lamang sa pamamagitan ng puwersahang pamamahala sa mga

kabahayan, iyon ay ibang bagay.

"At dahil ang kabataan sa hilaga ng siyudad ay sinira ang mga plano ng kagalang-galang, kung

gayon bilang Lord ng Clear Breeze City, hindi ako maaring maupo lamang at walang gawin

tungkol doon dahil ang gawan ng solusyon ang mga alalahanin ng kagalang-galang ang dapat

kong gawin." Saad ng City Lord habang isang masamang ngiti ang bumalatay sa mukha nito.

Kaniyang tinawag ang tagasilbi sa pamamagitan ng kaniyang daliri.

"Magpadala ka ng mga tauhan upang maturuan ng leksyon ang mapangahas na batang iyon sa

hilaga ng siyudad. Ipaalam sa kaniya na kung nais niyang manatili sa Clear Breeze City, ay

kailangan niyang matutong magpakabait." Saad ng City Lord na may masamang tono.

"Masusunod!"

"Isang bagay pa. Mag-ingat ka sa pagsasagawa ng utos. Iwasang mapinsala ang mga

kabahayan. Ang lugar na iyon ay hindi para tirahan ng mga takas." Tumatawang saad ng City

Lord.

"Aking Lord, makakasiguro ka. Ang inyong lingkod ay maayos na isasagawa ang inyong ipang-

uutos!" Matapos sabihin iyon ay agad na umalis ang tagasilbi sa asyenda ng City Lord.

Nagagalak na nakatayo sa bulwagan ang City Lord ng ilang sandali bago niya tinapik ang sarili

sa kaniyang malaking tiyan at sumisipol na nagbalik sa kaniyang silid.

Sa loob ng isa sa mga tirahan sa hilaga ng siyudad, si Jun Wu Xie ay umiinom ng tsaa kasama si

Jun Wu Yao habang sila'y nakaupo sa may lamesa nang tahimik na lumitaw si Ye Sha at

lumuhos sa harapan nilang dalawa.

"Isang balita para sa Young Miss. Matapos magpunta ni Luo Xi dito kanina ay nagtungo siya sa

asyenda ng City Lord at ilang oras na nanatili doon bago umalis." Pagbabalita ni Ye Sha,

pagsunod niya sa mga utos ni Jun Wu Xie na bigyang atensyon ang mga kilos ni Luo Xi at ng

City Lord. Matapos nitong madiskubre na ang dalawa ay nag-ugnayan, ay agad siyang nagbalik

upang ibalita iyon kay Jun Wu Xie.

"Oh?" bulalas ni Jun Wu Xie habnag nakataas ang kilay.

"Young Miss, kailangan ko ba silang dalhin sa iyo?" Tanong ni Ye Sha.

Umiling si Jun Wu Xie at sinabi: "Hindi na kailangan. Dadalhin nila sa aking mga kamay ay

kanilang mga sarili."

Bahagyang naguguluhan si Ye Sha ngunit matapos sabihin iyon ni Jun Wu Xie ay pumasok si Ye

Mei.

"Young Miss, isang pangkat ng mga kalalakihana ng nagpakita sa ibaba."

Napataas ang tingin ni Jun Wu Xie at kumislap ang mata niya sa napagtanto.

"Nagsimula nang kumilos ng mga daga."

Sa mga harang ng kabahayan sa hilaga ng siyudad, ilang bastos at matipunong mga lalaki ang

biglang nagpakita. Ang mga ito'y mayroong magagandang pangangatawan at mabagsik ang

mga mukha. Nakaktakot ang mga hitsura at mukhang hindi sila dapat lapastanganin. Ang mga

takas na kalilipat lamang sa mga bahay ay nahintakutan nang makita ang matitipunong mga

lalaki na iyon.