Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1431 - Ito ang Unang Hakbang (2)

Chapter 1431 - Ito ang Unang Hakbang (2)

"Young Miss, may limang daan at tatlumpu't pito ang dumating ngayon at naayos na ang lahat

para sa kanila." Nakatayo sa labas ng pintuan si Ye Sha, ibinalita ang talaan para sa araw na

iyon.

"Limang daan na kaagad ?" Tanong ni Jun Wu Xie habang ang mga mata'y bahagyang

nakababa .

"Ilan na lamang ang naiwan sa kampo ng mga lumikas?"

"Halos isang libo." Nakita na ni Ye Sha ang naunang bilang ng mga tao na nasa kampo ng mga

lumikas at dahil pinayagan ng Clear Breeze City ang halos tatlong daan na lumikas papasok sa

siyudad araw-araw na kinabibilangan ng mga mayayamang mangangalakal na nanuhol upang

makakuha ng maliit na parte sa kota na iyon, ay nagawa niyang mapagtanto na ang bilang ng

mga dukhang lumikas na dumarating araw-araw ay wala pa sa tatlong daan.

"Magpatuloy ka." Tumango si Jun Wu Xie.

"Pagbabalita para sa Young Miss. Ang inyong lingkod ay lihim na sinundan ang pangkat ng mga

lumikas na tinanggal mula sa kampo at nalaman ko na silang lahat ay direktang dinala sa City

Lord's Manor." Maya-maya ay saad ni Ye Sha. Matapos ang pitong araw na pamamalagi ng

mga lumikas sa siyudad, ay saka pa lamang isasaayos ang mga ito upang magtungo sa kung

saan. Ngunit kung nasaan sila mismo, walang nakakaalam. Sinundan sila ni Ye Sha hanggang sa

makarating ang mga ito sa City Lord's Manor ngunit minabuti na nito na huwag pumasok dahil

sa takot na baka siya ay madiskubre. Naghintay na lamang siya sa labas ng pintuan ng buong

araw ngunit maski isa sa mga lumikas ay hindi na niya nakitang lumabas, kung saan tila ang

mga ito'y nanatili sa loob ng City Lord's Manor.

Sinabi ni Ye Sha lahat ng kaniyang nalaman kay Jun Wu Xie at ang kilay ni Jun Wu Xie ay

bahagyang tumaas nang marinig ang balita.

Tila mayroong kahina-hinala tungkol sa Lord ng siyudad!

"Ipagpatuloy mo lamang ang pagmamatyag sa City Lord's Manor at Fortune Spring Hall simula

ngayon at kung mayroon kang madiskubre na kakaibang bagay, balitaan mo agad ako." Saad

ni Jun Wu Xie.

"Masusunod!" Tinanggap ni Ye Sha ang utos sa kaniya at humayo na.

Ang sulyap ni Jun Wu Xie ay lumipat upang magmasid sa labas ng bintana, at tila may hindi

maipalawinag na kislap ang kumisap sa mata nito.

Si Luo Xi ay katulad lamang ng dati ang ikinikilos, pinamumunuan ang ilan sa mga alipores na

nasa kaniyang likuran upang "magpalaganap ng kagandahang-loob" sa kampo ng mga lumikas.

Ngunit kararating pa lamang niya doon ng kaniyang mapansin na tila may hindi tama. Ang

kampo ng mga lumikas ay halos walang laman at ang dating makipot at masikip na klaye ay

may mangilan-ngilang tao lamang. Tangan sa kanilang mga kamay ang iilang bagahe na na

binubuo lahat ng kanilang pagmamay-ari at ang dating hapo at hapis na makikita sa kanilang

mga mukha ay naglaho, at napalitan ng mga ngiti.

"Anong nangyari dito?" Tanong ni Luo Xie, agad na nagsalubong ang mga kilay. Dalawang

araw lamang siyang hindi nakapunta doon at anong dahilan sa lubos na pagbabago sa buong

lugar? Ang mga lumikas na dapat ay dumadaluhong papunta sa kaniya ay halos nawala ang

kalahati at ang buong kampo ay tila naging hungkag. Naguguluhan si Luo Xi kaya inutusan niya

ang kaniyang mga alipores upang magtanong ang mga lumikas na paalis na sa kampo at maya-

maya pa'y nagtatakbo na bumalik ang kaniyang mga alipores.

"Young Master, ang mga taong iyon ay patungo sa hilaga ng siyudad." Saad ng alila sa kaniya.

"Hilaga ng siyudad?" Nagsalubong ang kilay ni Luo Xi dahil sa matinding pagtataka. "Patungo

sa hilaga ng siyudad para sa ano?"

"Narinig ko na nitong nakaraan, may isang tao na gumugol ng yaman at kinuha ang malaking

parte ng hilagang manor ng siyudad at pinatag ang buong lugar upang magtayo ng maraming

munting tahanan. Kalaunan ay ginamit nila iyon upang bigyan ang mga lumikas ng libreng

tirahan at pagkain at sa lugar na iyon eksaktong lilipat ang mga lumikas na ito." Maingat na

sinabi ng alila.

Nanlisik ang mata ni Luo Xi sa galit at kaniyang dinaklot ang kuwelyo ng alila upang

magtanong: "Anong sinabi mo? Mayroong isang tao na nagbigay sa mabahong mga insektong

ito ng bagong tirahan?"

Napalunok ang alila at nauutal na sumagot: "Oo… Tama…"

"Ano ang binabalak nila!?" Nakakatakot na nagsalubong ang mga kilay ni Luo Xi. "Kilala mo ba

kung sino ang nasa likod ng lahat sa hilaga ng siyudad?"

"Hindi alam ng iyong lingkod…" Sagot ng alila habang iniiling ang ulo.

"Maari kaya na ang isang kagalang-galang ang nagsaayos ng lahat?" Bulong ni Luo Xi sa sarili,

hindi masigurado kung anong nangyayari. "Magtungo muna tayo sa hilaga ng siyudad upang

magmasid."

"Oo!"

Hindi nagtagal bago narating ni Luo Xi at mga alipores nito ang hilagang bahagi ng siyudad.

Nang makita ni Luo Xie ang hilera ng munting mga bahay na maayos na nakalatag, hindi niya

maiwasan na titigan ang mga iyon at bahagyang matigilan. Sa harapan ng bawat gusali ay may

ilang mga kalalakihan na nakasuot ng uniporme at nagmamadaling sinalubong ang mga

lumikas na kararating lang.