Makalipas ang pitong araw, isang malawak na lugar sa bandang hilaga ng Clear Breeze City ang natayuan ng matataas na gusali. Iyon ay pitong palapag bawat gusali. Pare-pareho ang itsura ng mga gusaling iyon sa labas. Dahil sa taas noon ay talaga nga namang agaw-pansin.
Noong una ay nagtataka ang mga tao sa kung ano ang mga gusaling iyon, ngunit ngayon ay tila nasiyahan sila.
Kadalasan sa mga bahay na naririto ay mag-isa lang na nakatayo at bihira lang din ang mayroong dalawang palapag. Madalas ay mga inn lang ang may maraming palapag.
Dahil sa kakaibang bahay na ito, maraming mga taga-Clear Breeze City ang sinadya iyong tignan.
Maging ang mga kalalakihang nagtrabaho sa pagtatayo ng mga bahay na iyon ay walang ideya kung para saan iyon.
Kung alam lang nila kung anong klase ng pamumuhay ang mayroon sa twenty fourth century, hindi sila magiging ganito kagulat. Wala gaanong alam si Jun Wu Xie tungkol sa paggawa ng bahay at wala na siyang panahon para alamin pa iyon. Ginaya niya lang ang ideya ng gusaling iyon sa nakita niya sa twenty fourth century.
Ang maganda sa mga bahay na iyon ay kaunti lang ang lupang nakain nito habang marami itong taong pwedeng patuluyin.
Ininspeksyon muna ni Jun Wu Xie ang mga gusali bago binigyan ng malaking halaga ng gold bar ang mga tang nagtrabaho noon. Pagkatapos ay nagpadala siya ng mga furniture tulad ng mesa, upuan at mga kabinet.
Ang mga taong sumilip sa 'mdern architecture' ay nakita ang pagdating ng mga karwahe na may dala ng mga furniture. Kung titignan ang materyal na ginamit sa mga furniture na iyon ay hindi iyon bastang furniture lang, mataas ang kalidad ng mga iyon.
"Paano?" Matapos maisaayos ang mga loft ay inaya niya si Jun Wu Yao na tignan iyon.
Nagtingin-tingin si Jun Wu Yao sa malilinis na silid na naroon. Napansin niyang ang mga kama ay dalawa kung saan mayroong pwedeng mahiga sa itaas at mayroong pwedeng mahiga sa ibaba. Bawat kama ay mayroong dalawang bunk bed, kung gayon maaaring apat na tao ang matulog sa bawat silid.
Ang lahat ng ito, inihanda mo para sa mga refugee?" Nakaangat ang isang kilay na tanong ni Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie.
Nakangiting tumango naman si Jun Wu Xie.
"Gusto kong malaman kung sino ang gugustuhin pa ring manatili sa maruming lugar na iyon." Nakangising saad ni Jun Wu Xie. Malaki ang binitawan niyang pera para sa mga gusaling ito para lang maisagawa niya ang kaniyang plano.
Sa labas naman ng pintong iyon, naglakad-lakad sina Ye Sha at Ye Mei sa mga silid na nasa loob ng gusali. Manghang-mangha sila sa bawat silid at mga kamang naroon. Nahiga sila sa malalambot na kamang naroon.
Saka lamang sila tumayo nang aalis na si Jun Wu Yao. Bakas sa kanilang mga mata na ayaw pa nilang umalis.
Pinanood naman ni Jun Wu Xie ang tatlo at sa hindi malamang dahilan, bigla niyang naalala ang isang liriko ng isang kanta mula sa kaniyang nakaraan.
[Brother who sleeps in the bunk above me...]
Naramdaman ni Jun Wu Xie na habang tumatagal ay nag-iiba siya.