Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1426 - Hindi Kinukulang sa Pera (7)

Chapter 1426 - Hindi Kinukulang sa Pera (7)

"Anong klaseng bahay ang gusto mo Panginoon? Para mabigyan kita ng rekomendasyon." Nakangiting saad ng shopkeeper. Ibang-iba na ang ugaling ipinapakita nito kumpara sa una.

"Ito lahat, kukunin silang lahat." Sagot naman ni Jun Wu Xie. Malamig pa rin ang ekspresyon sa kaniyang mukha.

Nanigas naman ang shopkeeper sa kaniyang kinauupuan habang nakatitig kay Jun Wu Xie. 

Sampu lahat ang album na nasa mesa. Ang akala niya noong una, pipili lang si Jun Wu Xie ng isa doon. Hindi niya akalaing...bibilhin pala iyon lahat ni Jun Wu Xie!

 "Panginoon, nagbibiro ka ba? Napakarami ng mga bahay na iyon at gusto mong bilhin lahat?!" Lumakas na ang boses ng shopkeeper ngayon.

"Oo." Malamig na tugon ni Jun Wu Xie.

Nagbago ang kulay ng mukha ng shopkeeper. Buong akala niya ay bastang mayaman lang ito. Ngunit ngayon niya napagtantong ito pala ang God of Fortune! Tuluyan na ngang tinakasan ng kulay ang kaniyang mukha sa mga oras na ito!

Ngayon ay naliligo na siya sa sarili niyang pawis.

"Sandali lang po. Bibilangin ko lang ang presyo ng kabuuan." Ito ang unang beses na mayroong bumili sa kaniya ng mamahaling bahay at lupa na akala mo ay bumibili lang ito ng laruan. Ngunit kahit ganon siya kagulat, hindi siya nagsalita at diretso sa kaniyang computation.

Nang marinig ng mga assistant sinabing iyon ni Jun Wu Xie, halos maiyak na sila sa sobrang gulat. Paulit-ulit silang yumukod sa sobrang pasasalamat kay Jun Wu Xie. Sa bundok ng gold bar na nasa mesa ngayon, naniniwala silang tototohanin nga ni Jun Wu Xie ang kaniyang sinabi!

Makalipas ang ilang saglit, na-compute na ng shopkeeper ang kabuuang presyo ng sampung bahay at lupa. Napakataas ng presyong iyon at ang kanilang makukuhang komisyon ay mas mataas pa sa kinita niya nitong nakaraang anim na buwan!

"Seven hundred and eighty thousand taels of gold ang kabuuan. Dahil marami kayong binili ngayon, bibigyan na namin kayo ng discount." Malapad ang ngiti sa mukha ng shopkeeper. Nanginginig ang kamay nitong nakahawak sa abacus.

Nilingon ni Jun Wu Xie ang shopkeeper at sinabing, "Titriplehin ko ang ibibigay ko sa'yo."

"A...Ano..." Hindi malaman ng shopkeeper ang kaniyang isasagot. [Hindi dapat ganiyan kahit na marami kang pera hindi ba!? Ginawa pang triple nito ang presyo ng lahat!?]

"Ayoko ng titulo lang ng bahay, gusto ko ang titulo pati ng lupa. Sa susunod na limampung taon ang kalupaang iyon ay nakapangalan sakin. Oo o hindi?" Malamig pa rin ang boses na tanong ni Jun Wu Xie.

Napalunok ang shopkeeper, sa isip nito ay wala sa sarili ang kaniyang kausap. Kadalasan, kapag ang isang bahay ay naibenta na, kasabay na doon ang lupang kinatatayuan noon pero hindi lang iyon pormal na nakasulat sa papel. Ang bahay na iyon naman ay pag-aari na ng bumili at hangga't nakatayo ang bahay na iyon, pagmamay-ari niya iyon at maaari niyang tirhan hanggang kailan niya gusto. Wala pang nagkakaroon ng ganoong problema tungkol doon maliban ngayon.

Si Jun Wu Xie ang kauna-unahang nanghingi ng titulo sa lupa!

Pero...

Sino ba namang tanga ang tatanggi sa ganoon kalaking halaga?! Baliw ang shopkeeper kung tatanggihan niya ang pagkakataong iyon!

"Walang problema! Ibibigay ko sa'yo ang titulo ng bahay pati na rin ng lupa." Mabilis na sagot ng shopkeeper, takot na baka biglang magbago ang isip ni Jun Wu Xie. Nilingon niya ang kaniyang assistant at inutusan na ilabas ang kahon na pinaglalagyan ng mga titulo. Inilatag niya ang lahat ng iyon sa harap ni Jun Wu Xie para masiguro ito ng huli.