Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1424 - Hindi Kinukulang sa Pera (5)

Chapter 1424 - Hindi Kinukulang sa Pera (5)

Pinawisan ng malamig ang shopkeeper at napaupo sa sahig. Hindi niya akalaing may ganitong katangian ang payat na binatilyong si Jun Wu Xie!

Ngunit kahit naroon pa rin ang pagkagulat ng shopkeeper, hindi pa rin ito natinag.

"Bata, para sabihin ko sa'yo ha?! Nasa Clear Breeze City ka! Wala akong pakialam kung paano ka nakapasok dito. Pero habang naririto ka, kailangan mong sumunod sa mga patakaran ng Clear Breeze City! Hindi ito ang lugar para manggulo ka! Nasa tabi lang namin ang magistrate's office isang sigaw ko lang ay maririnig na nila iyon! Alam mo kung anong mangyayari sa'yo? Itatapon ka nalang nila sa kung saan!" Nagtatagis ang bagang na sabi ng singhal ng shopkeeper.

Maging si Old Master Liu ay nagulat din sa pangyayaring nasaksihan niya. Ngunit iba ang kaniyang nararamdaman kumpara sa nararamdaman ng shopkeeper. Nabuhayan siya ng interes kay Jun Wu Xie. "Mukhang may pambihirang kakayahan ang ating Little Brother dito. Bakit hindi ka sumama sakin? Pwede kitang maging personal attendant, hindi mo na kailangang problemahin ang iyong titirhan. Kakabili ko lang ng bahay at bibigyan kita ng sarili mong kwarto."

Sa tono ng pananalita ni Old Master Liu, tila nag-aalok ito ng tulong sa isang binatang wala nang pag-asa. 

"Hindi na kailangan." Sagot naman ni Jun Wu Xie.

Hindi inaasahan ni Old Master Liu ang sagot na iyon ni Jun Wu Xie.

"Hoy ikaw, magpasalamat ka at inalok kita. Bihira ka lang makakita ng ganitong pagkakaton. Hindi ito ang lugar kung saan pwede mong gawin kung ano lang ang magustuhan mong gawin. Isang salita lang ng shopkeeper, tatalsik ka sa lugar na ito."

Tumitig si Jun Wu Xie sa matabang mama na nasa kaniyang harapan. Malamig ang tinging ibinibigay niya dito. Pagkatapos ay tinignan naman niya ang shopkeeper na nanggagalaiti sa galit. Kasabay noon ay naglabas siya ng dalawang gold bars at inihagis iyon sa dalawang lalaking namimilipit pa rin sa sakit.

"Sapat na?" Malamig na tanong ni Jun Wu Xie sa dalawa.

Gulat na gulat naman ang dalawang assistant. Sa tanang buhay nila, ngayon pa lang sila nakakita ng ganoon kalaking gold bar. Ang sakit na kanilang nararamdaman ay agad na naglaho pagkakita sa gintong iyon.

"Sapat na! Sapat na ito!" Agad na pinulot ng dalawang assistant ang gold bar at niyakap iyon ng mahigpit sa kanilang dibdib.

"Makinig kayo, kayo ang humiling na mabugbog dito, maliwanag?" Saad ni Jun Wu Xie na hindi man lang tinignan ang dalawa.

"Oo! Kami mismo ang humiling! Kami mismo!" Mabilis na sagot ng dalawang lalaki.

Natigilan ang lahat ng nanonood sa shop.

Sinong mag-aakalang ang binatilyong ito ay magtatapon ng dalawang gold bars ng ganon ganon na lang?!

Ang iba pang shop assistants na tinatawan ang dalawang lalaking nabugbog kanina ay lihim na hinihiling na sana sila na lang ang nabugbog ni Jun Wu Xie!

Diyos ko dalawang solid gold bars din iyon ano!

Ang shopkeeper ay hindi makapagsalita. Ang daliri nitong nakaturo kay Jun Wu Xie ay tila nanigas na sa ere.

'Thunk thunk thunk!'

Walang sali-salitang sunod-sunod na naglabas si Jun Wu Xi ng gold bars at inihagis sa mesa ng shopkeeper. Nagniningning ang halos bundok nang gold bars sa mesa. Ang lahat naman ay nakatitig lang sa ginagawang iyon ni Jun Wu Xie, walang ibang ingay na maririnig sa shop kundi ang pagtama lang ng gold bar sa bawat isa. Ang shopkeeper na sinisigawan si Jun Wu Xie kanina ay halos hindi makahinga sa sobrang gulat!

Related Books

Popular novel hashtag