Pag-alis ng limampung 'pinili', pinaalis ni Mo Xuan Fei ang mga katulong, at naiwan lang sila ni Bai Yun Xian sa patyo.
Ngayong wala nang nakatingin sa kanya, nakita ang pag-aalala sa kanyang mukha. "Yun Xuan, anong binabalak mo? Hindi ba't sa hukbo ng Rui Lin dapat iyon gagamitin? Bakit… bakit mo binigay sa mga sundalo ng Yu Lin?"
Sa mga nakaraang araw, mayroong pinipino si Bai Yun Xian. Kahit si Mo Xuan Fei ay hindi sinabihan at alam lang na gagamitin ito laban sa hukbo ng Rui Lin. Wala siyang sinabi sa kanya at nagkulong lang sa sakanyang pag-aaral. Lumabas lang siya nang handa na ang lahat.
Bakit ito binigay sa mga sundalo ng Yu Lin!?
Tumawa si Bai Yun Xian, may lamig sa kanyang mga mata at nakangiti. Parang isang nakakalasong gagambang nag-aayos ng sapot, tinignan niya si Mo Xuan Fei, "Wag kang mag-alala, panlaban ito sa hukbo ng Rui Lin."
"Pero….."
Naaalala mo pa ba ang ginagawa ng mga tabletang binigay ko sa'yo? Ang binigay ko sa kanila ay may ibang daan ngunit halos kaparehas ang epekto." Pinaliwanag ni Bai Yun Xian, habang dinidilaan ang kanyang mga labi.
Nagulat si Mo Xuan Fei! Malinaw na malinaw sa kanya ang mge epekto ng tabletang binigay niya kay Lin Yue Yang. Pero ang ipatawag ang mga sundalo para lang dito?
"Yun Xian, nais mo silang gawing sakripisyo? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Pwede kitang bigyan ng mga katulong at bating. Ang Yu Lin nalang ang natitira sa atin ngayon, hindi ba't sayang lang pag gagawin lang silang sakripisyo?"
Tinignan niya si Mo Xuan Fei ng may matinding pagkayamot. "Ano ba ang alam mo? Lalakas ang epekto ng alak sa lakas ng spiritual power ng mga sundalo! Ano ba ang lakas ng mga katulong at bating? Hindi sapat para mailabas ang nais nating epekto! Ikalat mo sila sa buong Kaharian, para sa pagdating ng pagsabog, mabilis ang pagkalat ng lason. Yan, ang pagiginga mahusay."
Hindi maihahalintulad ang mga spiritual power ng mga katulong at bating sa mga sundalo ng Yu Lin. Kahit na mahina, ang pinakamababa na ay ang kulay kahel. Ang lakas na ito ay magpapabilis at magpapalakas sa pagkalat ng lason!
"Ano!? Gusto mong kumalat sa buong kaharian ang lason?!" Napaatras si Mo Xuan Fei, napatahimik sa gulat. Hindi niya inakalang madadamay ang buong kaharian sa plano ni Bai Yun Xian!
Nasiraan na ba siya? Ilan ang nakatira sa Kahariang Imperyal?
"Kailangan! Mahigit isan-daang-libo ang hukbo ng Rui Lin at nakakalat sila sa bayan. Para malason silang lahat, kailangan kong ikalat ang lason sa buong kaharian.Ang alak na tinimpla ko ang magsisilbing pampalakas ng spiritual powers ng makakainom. Pag sagad na ang spiritual powers, hindi ito kakayanin ng taong nakainom at sasabog. Kakalat ang lason sa hangin, at ang sinumang makalanghap nito ay agad-agad na malalason, at magkakaroon ng parehas na epekto. Magdudulot ito ng maraming pagsabog, na kakalat sa buong kaharian. Ang hukbo, kahit na marami, ay walang takas sa aking lason." Tila nasiraan na si Bai Yun Xian, nangibabaw ang kalupitan sa kanyang kagandahan, at nagmukha siyang demonyong hindi matignan.