"Mabait ang City Lord?" Mahinang saad ni Jun Wu Xie habang kinakausap ang sarili. Para sa kaniya ay nakakatawa ang sinabi ng guwardiya.
Kung talaga ngang mabait siya, bakit tatlong daan lang ang pinapayagan nitong makapasok araw-araw? Para magpatuloy pa rin sila hanggang ngayon, ibig sabihin lang ay malaki pa ang Clear Breeze City at marami pa itong pwedeng papasukin. Pero paunti-unti pa rin ang pinapapasok nila. Higit sa lahat, hinahayaan lang nilang manirahan sa mga tent ang refugees na nasa labas.
Nang unang makapasok si Jun Wu Xie sa Clear Breeze City kanina ay napansin na niyang hindi nagsisikipan ang mga tao. Ibig sabihin lang noon ay malaki pa ang espasyo ng lungsod na ito.
Sa mga daang kaniyang dinaanan, kaunti lang ang nakita niyang mga matatanda at bata. Kung totoo nga ang sinabi ng guwardiya kanina, dapat ay mas marami ang mga nagkalat na matatanda at mga bata dito.
Higit sa lahat, ang mga Poison Men ay isang taon nang umaatake at halos anim na buwan pa lang ang nakakaraan nang magsimulang tumanggap ng mga refugees ang Clear Breeze City. Kung tatlong daan kada araw ang tinatanggap ng lungsod na ito, dapat ay nag-uumpisa nang manikip dito.
"May mali talaga sa lungsod na ito." Nakangising saad ni Jun Wu Xie. Nangalumbaba si Jun Wu Xie habang nakatitig sa itim na pusa.
"Mistress." Tawag ng pusa habang dinidilaan ang kamay nito.
"Hmm?"
"Hindi mo ba napapansin kung ano ang nakaligtaan natin?" Tamad na salita ng pusa.
Saglit na nag-isip si Jun Wu Xie saka umiling.
Umupo ang itim na pusa at tumingin ng diretso sa mata ni Jun Wu Xie at kalmadong sinabi: "Ye Sha, Ye Mei, Ye Gu..."
Biglang naalala ni Jun Wu Xie na napakabilis ng kanilang kilos ni Jun Wu Yao at nakalimutan na nila ang tatlong magkakapatid na mula sa Ye Family!
"Alam na nila kung paano magtungo dito." Sagot naman ni Jun Wu Xie saka tumikhim.
Walang maisagot ang itim na pusa kay Jun Wu Xie. Hindi siya nag-aalala kila Ye Sha ang pinag-aalala niya ay sina Lord Meh Meh at Sacrificial Blood Rabbit na hawak nina Ye Sha at Ye Mei...
"Maaga pa naman, magiikot-ikot muna ako at aalamin ko ang sitwasyon sa lungsod na ito." Tumayo na si Jun Wu Xie. Gusto niya sanang umalis agad pero nagpunta muna siya kay Jun Wu Yao para magpaalam. Gusto sanang sumama ni Jun Wu Xie pero hindi na siya pinasama ni Jun Wu Xie dahil ito na lang daw ang maghintay sa pagdating nina Ye Sha at Ye Mei.
Walang nagawa si Jun Wu Yao kundi ang malungkot ang mukhang panoorin si Jun Wu Xie sa pag-alis.
Kaya naman nang dumating sina Ye Sha at Ye Mei na binuhos ang lahat ng kanilang lakas para agad na makarating, ang langit ay kasing dilim ng mukha ni Jun Wu Yao.
Tahimik at payapa ang paligid habang naglalakad si Jun Wu Xie sa malawak na daan. Kung hindi lang niya alam na nagkakagulo ang Lower Realm ngayon, iisipin niyang walang kalamidad na kasalukuyang nagaganap sa labas ng lungsod na ito.
Ang mga mamamayan ng Clear Breeze City ay mukhang hindi alam ang krisis na nangyayari sa labas ng kanilang lungsod ngayon. Tahimik na nagmamasid-masid si Jun Wu Xie at agad niyang natukoy ang pagkakaiba ng mga mamamayan ng Clear Breeze City sa mga refugees. Ang mga refugees ay tila laging kinakabahan o nagugulat.
Nagikot-ikot pa si Jun Wu Xie at iilan lang ang refugees na kaniyang nakita. Malayong-malayo sa kaniyang inaasahan.