Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1412 - Wais na Daga (3)

Chapter 1412 - Wais na Daga (3)

Bahagyang sikat ang Clear Breeze City ng Fan Country dahil sa minahang dito lang matatagpuan.

Nitong nakaraang taon lang ay hindi masasabing mayaman ang lugar na ito at katulad din ng ibang malaking lungsod, nakatayo ito sa isang malaking lupain.

Ngunit ngayon, ibang-iba na ang sitwasyon dito sa Clear Breeze City.

Nang mag-umpisang manggulo ang Poison Men ang Clear Breeze City ay naging isang tila paraiso sa loob ng Fan Country. Ang lugar na ito ay hindi ni minsan pinasok ng Poison Men. Ang lungsod na ito ay malawak ngunit kaunti lang ang mga mamamayan. Ngunit nang magsimulang manlusob ang mga Poison Men sa Lower Realm, sa Clear Breeze City nagsilikas ang mga mamamayan ng ibang bansa.

Gayong tumatakas ang mga taong iyon sa kalamidad, nakaengkwentro sila ng pag-atake ng mga Poison Men. Subalit hindi naman sila pinatay ng mga ito, bagkus ay kinuhanan sila ng yaman. Nang makarating sila sa Clear Breeze City ay kinailangan din nilang magbayad ng malaki para sila ay payagang manuluyan doon. Kung kaya't mas nahigitan nila ng yaman ang Imperial Capital ng Fan Country.

Mataas at matatayog ang pader ng Clear Breeze City simula pa man dahil iyon ang dating Capital City ng Fan Country. Nang magsimulang lumawak ang bansang ito, inilipat ng Emperor ang Capital City sa ibang lugar at ito na ang naging Clear Breeze City. Kaya naman sagrado at mataas ang seguridad sa lungsod na ito. Naniniwala ang mga taong ito ang dahilan kung bakit hindi inaatake ng mga Poison Men ang Clear Breeze.

Dahil na rin sa kaguluhang nangyayari sa buong Lower Realm, marami ang nagsisilikas at sa Clear Breeze sila nagtutungo. Halos araw-araw ay ganito ang eksena sa lungsod na iyon kaya naman nasanay na ang mga sundalo at guwardiya ng lungsod. Pinapapasok nila ang mga tao at manghihingi ng kapalit.

Sa labas naman ng Clear Breeze City ay maraming mga refugees ang namalagi, sila ay pagod na sa pisikal at maging sa mental na estado. Walang nakapansin sa bundok na 'di-kalayuan sa lungsod, mayroong itim na anino ang bumaba mula sa taas.

Tahimik na kinarga ni Jun Wu Yao si Jun Wu Xie. Sumilip si Jun Wu Xie sa mga pagitan ng punong naroroon at kaniyang nakitang maraming mga refugees ang nagkalat doon.

Pinanood ni Jun Wu Xie ang mga refugee pagkatapos ay kaniyang tinignan ang kaniyang damit. Kung sila ay magtutungo doon na malinis ang itsura, paniguradong kukuha sila ng atensyon.

Ngunit nang kaniyang lingunin ang lalaking kanina lang ay karga siya, halos tumalon ang kaniyang puso mula sa kaniyang bibig.

Naisip niyang baka masyado niya iyong pinapansin ngunit matapos niyang baguhin ang kaniyang anyo, sa tabi ni Jun Wu Yao ay para lang siyang alikabok.

"Tingin ko kailangan nating baguhin ang ating itsura." Suhestiyon ni Jun Wu Xie.

Tungkol sa ganitong mga sitwasyon, marami na siyang karanasan. Pero si Jun Wu Yao...

Maliban sa kulay ng mga mata nito, ang mukha nito ay kailanman hindi nagbago.

Tumingin si Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie. Ang ekspresyon sa mukha nito ay tila nasasaktan. "Nasusuka ka na ba sa eyebags ko?"

[Hindi totoo 'yan!]

Hinimas ni Jun Wu Xie ang kaniyang sintido. Sa mga ganitong panahon, tanging ang lalaking ito lang ang may kakayahang magbiro.

Dahil sa nakita ni Jun Wu Yao na tila magkakaroon ng migraine si Jun Wu Xie, nagsimula itong humalakhak. Siniko naman ni Jun Wu Xie ang dibdib ng binata!

"Huwag kang naglololoko diyan." 

Hinimas ni Jun Wu Yao ang kaniyang dibdib kahit na hindi naman talaga ito nasaktan.

"Masusunod aking Young Miss. Sa iyong kamay lang ako susunod." Nakangiting saad ni Jun Wu Yao pagkatapos ay hinawakan ang maliit at malambot ni Jun Wu Xie at inilagay sa kaniyang pisngi.