Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1413 - Pagpasok sa Lungsod (1)

Chapter 1413 - Pagpasok sa Lungsod (1)

Tumitig si Jun Wu Xie sa kasiyahang nakatago sa mga mata ni Jun Wu Yao at napabuntong-hininga. Umatras siya ng isang hakbang at pinagkrus ang kaniyang braso sa dibdib at nagpatuloy sa pagtitig kay Jun Wu Yao.

"Kung gayon..."

"Hubarin mo muna ang roba mo."

Agad nanigas sa kaniyang kinatatayuan si Jun Wu Yao sa kaniyang kinatatayuan.

Matapos ang ilang sandali, binago ni Jun Wu Xie ang gwapong itsura ni Jun Wu Yao. Mula sa nangingibabaw nitong kagwapuhan nagmukha na ito ngayong nerd. Nakasuot na ito ngayon ng light blue robe na ipinasuot sa kaniya ni Jun Wu Xie. Mayroon ding nakasabit na pamaypay sa tagiliran nito. Kung titignan ito ngayon para itong skolar.

Mula sa isang makapangyarihang demon lord ngayon ay para itong isang estudyante. Si Little Black naman ay nangilabot nang makita ang itsurang iyon ay ni Jun Wu Yao.

Sa balat ng lupa tanginga ang Mistress niya lang ang may karapatan na hawakan si Jun Wu Yao.

Kumpara sa ginawang pagbabago kay Jun Wu Yao, kaunti lang ang binago kay Jun Wu Xie. May mga binag lang siyang kaunti sa kaniyang mukha at nagpalit ng roba.

Bago magpalit si Jun Wu Xie ikinumpas ni Jun Wu Yao ang kaniyang kamay at ang mga tuyong dahon ay umangat at pumaikot kay Jun Wu Xie. Isang napaka-maginoong gawain ni Jun Wu Yao na tanging si Jun Wu Xie lang ang nakakaranas.

Nang lumabas si Jun Wu Xie sa mga dahong iyon, para na siyang isang simpleng mamamayan.

Nakasuot silang dalawa ng lumang damit, hindi na mababakas ang tunay nilang anyo at paniguradong hindi na sila makakaagaw ng atensyon sa gitna ng mga refugees.

At dahil mukhang hindi pa sapat kay Jun Wu Xie ang itsura ni Jun Wu Yao, ginulo-gulo nito ang buhok ng binata. Napangiti si Jun Wu Yao saka nagtanong: "Little Young Master, bakit ganito ang ginagawa mo sakin? Mayroon ba akong ginawang kasalanan?"

Umikot naman ang mga mata ni Jun Wu Xie sa panunuksong iyon ni Jun Wu Yao.

Hindi naman nakaligtas sa mga mata ni Jun Wu Yao ang ginawang iyon ni Jun Wu Xie ngunit hindi siya natinag, sa halip ay mas uminit pa ang kaniyang pakiramdam. [Habang tumatagal mas lalong nagiging mapahayag ang munting binibini!]

Nang matapos silang dalawa sa pag-aayos ng kanilang mga sarili, umalis na sila sa kagubatang iyon at sinundan ang daan na patungo sa Clear Breeze City. Ang gate ng Clear Breeze City ay puno ng mga refugees na naglalayong makapasok sa lungsod na ito.

"Ni hindi man lang natin alam kung magpapapasok pa ba sila ng mga tao ngayon."

"Ilang araw na akong naghihintay dito! Kaunti lang ang pinapapasok ng Clear Breeze City. Hay! Pero ang maganda diyan ay prioridad nila ang mga matatanda at mga bata. Ibig sabihin ang Lord of the City ay may konsensya pa naman kahit paano."

Sa oras ng krisis, talagang masusubukan ang pagiging makatao ng lahat. Kahit pa magkakilala pero hindi magkadugo, basta parehong nalagay na sa panganib ang buhay, uunahin talaga nila ang kanilang mga sarili bago ang tumulong. Ngayon ang Clear Breeze City ay nagpapakita ng pagkakaroon ng konsenya sa pamamagitan ng pagbibigay ng prioridad sa mga matatanda at kabataan pati na rin sa mga labis na nanghihina para makapasok sa lungsod.

Tahimik na nakikinig si Jun Wu Xie sa mga nag-uusap. Base sa kasalukuyan niyang nakikita, matatagalan bago sila makapasok ng lungsod.

Nahulog sa malalim na pag-iisip si Jun Wu Xie at kumurap-kurap kay Jun Wu Yao. Payak na ngumiti sa kaniya ang binata at agad na naintindihan ang gustong mangyari ni Jun Wu Xie.

"Sinong nakahulog ng gintong dahon na ito?"

May sumigaw sa gitna ng napakaraming tao maya-maya ay nagsimulang magsilaglagan pa mula sa kalangitan ang mga gintong dahon. Nagsigawan ang mga tao at nagmamadaling yumuko para pulutin ang mga iyon. Agad na nagtipon ang mga tao sa banda kung saan naroon nahuhulog ang mga gintong dahon.

Related Books

Popular novel hashtag