Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1410 - Wais na Daga (1)

Chapter 1410 - Wais na Daga (1)

Para malaman ang lokasyon ng salarin, kinakailangan may kahit isang tao na maghanap nito. Ang salarin ay hindi maitatangging matalino at hanggang ngayon ay hindi pa siya nailalantad. Gayong ang mga pinuno ng bawat bansa ay may ideya na, hindi pa rin sila nakakasigurado kung sino talaga ang taong iyon. Para makasigurado si Jun Wu Xie, kailangan niyang igihan ang paghahanap na tila siya ay naghahanap ng karayom sa gitna ng kadamuhan.

Gayunpaman, mayroon na silang palatandaan para matunton ang salarin. May ilang lugar na minarkahan si Jun Wu Xie sa mga lugar kung saan unang nagpakita ang mga Poison Men. Kaya naman doon niya uumpisahan ang kaniyang paghahanap.

Halos kakarating lang ngunit kailangan nanamang umalis. Tila mayroong kumukurot sa puso ni Qu Ling Yue sa isiping iyon. Ngunit sinarili niya na lang ang kaniyang saloobin, ang tanging magagawa na lang niya ay ang humiling na magtagumpay si Jun Wu Xie sa kaniyang lakad.

Sina Qiao Chu naman ay naghanda na para sa itinalaga sa kanila ni Jun Wu Xie, habang sina Ye Sha, Ye Mei at Ye Jie ay sumunod kina Jun Wu Xie at Jun Wu Yao. Bago sila umalis, hindi kinalimutan ni Jun Wu Xie na pasukahin ulit ng gold bars ang Hell Rodent upang madala nina Rong Ruo sa Qi at Buckwheat Kingdom. Gumamit din sila ng karagdagang magical artifacts sakaling kailangan nila ng extra protection.

Nang lisanin nila ang Fire Country, para mapabilis ang kanilang paglalakbay, ginamit ni Jun Wu Xie ang kakayahan ni Jun Wu Yao na lumipad. Mas mabilis ito ng halos sampung beses kumpara sa mga karwahe.

Mabilis na nakarating sina Jun Wu Xie kung saan ang unang insidente ng pagsulpot ng mga Poison Men ay nangyari. Ang lugar na iyon ay abandunado na. Wala ni isang nakatira at walang nahanap si Jun Wu Xie na palatandaan na makapagtuturo sa kaniyang pakay.

Dahil sa wala siyang nahanap, hindi niya alam kung saan sila susunod na pupunta.

"Huwag ka masyadong mag-alala, mahahanap din natin iyon." Pang-aalo ni Jun Wu Yao nang kaniyang makita ang magkasalubong na kilay ni Jun Wu Xie.

"Sigurado akong mayroong may problema sa ibang lugar. Hindi ito magiging ganito kung wala." Saad ni Jun Wu Xie sabay umupo sa nakausling bato. Ang kanilang kinaroroonan ay ang lungsod kung saan unang nagpakita ang mga Poison Men. At ngayon, ang buong lungsod ay abandunado, sira-sira dahil sa mga Poison Men at walang ibang maririnig doon kundi ang nakakabinging katahimikan.

Sampung lugar na ang kanilang pinuntahan at wala pa ring pagbabago sa resulta. Sa hula ni Jun Wu Xie, mayroong hindi naging malinaw sa kaniya kaya naman ay inilabas niya ang mapa ng Lower Realm at inilatag iyon sa lupa. Gamit ang lapis ay minarkahan niya ang mga lugar na kanilang napuntahan. 

Malinis ang trumabaho sa mga Poison Men kung kaya't naging malaki iyong palaisipan sa kanila.

Tumitig si Jun Wu Xie sa mahigit sampung marka na nasa kaniyang harapan at nahulog sa malalim na pag-iisip.

"Ang totoo niyan, mayroong nakakapagtaka sa lahat ng nangyari. Naiintindihan kong labis na nag-aalala ang Twelve Palaces pero bakit kailangan nilang gawin ito? Gusto ba nilang sirain ang buong Lower Realm? Lahat ng lugar na pinuntahan ng Young Miss para sa human skin map ay napuntahan na natin at wala namang kakaibang nangyari sa mga lugar na iyon. Nang mawala ng mga taong iyon ang mapa ay hindi na sila naghanap pa." Salaysay ni Ye Sha na nakakunot ang noo.

"Hindi lang isang palace ang nakawala ng mapa. Kung dahil iyon sa human skin map, hindi lang mula sa isang palace ang may kagagawan nito." Dagdag pa ni Ye Mei.

Narinig ni Jun Wu Xie ang sinabing iyon ni Ye Mei at biglang may pumasok sa kaniyang isipan. Agad niyang pinulot ang mapang nakalatag sa lupa at maingat na pinag-aralan iyon.

Related Books

Popular novel hashtag