Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 140 - Lasing na Lotus (1)

Chapter 140 - Lasing na Lotus (1)

Nababahala ang mga tao dahil nakasarado ang imperial city. Wala silang alam sa nangyayaring labanan sa pagitan ng palasyo ng Lin at ng pamilyang imperyal. Ang sinabi sakanila ay ang mga umatake sa pangalawang prinsipe at hindi pa lubusang natatanggal at kinakailangan isara ang lungsod upang hindi sila makatakas.

At sa pagkabahala ng mga tao, nakikihalubilo si Mo Qing Yuan sa mga tao at inaalagaan sila't pinapakinggan. Sa maiksing panahon, ang reputasyon ay gumanda at nalampasan na niya si Mo Xuen Fei. Siya ay nagiging prinsipeng pinili ng mga tao.

Tahimik si Jun Wu Xie sa mga panahong ito, at linilinang ang kanyang spiritual powers.

"Maestra, hindi ba't dapat hampasin mo na ang bakal habang mainit?" Tanong ng maliit na itim na pusa na nakahiga sa gilid ng lawa ng lotus, ang kanyang buntot ay pabalik-balik na sumasayaw sa ibabaw ng tubig.

Umupo si Jun Wu Xie sa mesang bato, nakatingin lamang sa mga lotus na unti unting namumulaklak. "Hindi pa ito ang tamang panahon. Para makuha ni Mo Qian Yuan ang trono, kailangan niyang makuha ang suporta ng mga tao."

Kung gusto niyang pwersahin si Mo Qian Yuan sa trono, sana nung gabing iyon pa niya ginawa.

Isang masamang tao ang emperor pero ikinasaya niya ang suporta ng karamihan. Tinanggalan niya ito ng mga pakpak at tinanggalan ng pwedeng takasan. Hinayaan niyang maupo ang emperor sa trono para unti unting makuha ni Mo Qian Yuan ang trono sa pamamagitan ng pagkuha ng suporta ng mga tao.

Kung gusto niyang siya ang nasa likod ng pagbabago ng rehimen, gusto niyang magawa ito ng patas at may pagsangayon ng sangkatauhan.

Hindi ito para kay Mo Qian Yuan, kundi para sa palasyo ng Lin.

Hindi mahalaga kung sino ang nakaupo sa trono, basta't hindi mapagbabantaan ang palasyo ng Lin.

Tumango sa pagintindi ang maliit na itim na pusa. Matalino ang kanyang maestra. Nakikita niya ang kahit na pinakamaliit na detalye sa plano niya para sa pagprotekta ng palasyo ng Lin, at ang maliit na detalyeng ito ay hindi napapansin ng mga kalaban.

Ang maliit na itim na pusa ay nagisip ng malalim, kung ito ba ay magsisimulang pagusapan ang relasyon sa pagitan ng isang lalaki at isang babae nang bigla itong napasigaw sa gulat.

"MEOWWW!!"

Tumalon ang itim na pusa papalayo sa lawa sa isang iglap, at habang nasa ere ay nakapansin ito ng isang maliit at bilugan na manilkang nakakapit sa kanyang buntot.

Napatitig sa gulat si Jun Wu Xie habang si Little Lotus at nakakagat sa buntot ng pusa, hindi bumitaw habang ito'y kinakaladkad sa buong patyo...

[Hoy! Bitawan mo ako!!] Ang sakit sa buntot nito'y nagpaiyak sa maliit na itim na pusa. Inilabas nito ang kanyang kuko at kinalmot si Little Lotus.

Ang maputing balat ni Little Lotus ay napuno ng dugo at kalmot.

"WAAAHHHHH!!" Bumitaw na wakas si Little Lotus sa sakit, at naiyak sa sahig.

Sumakit ang ulo ni Jun Wu Xie habang tinitignan ang kanyang aayusin. Lumapit siya sa dalawa at kinuha ito sa magkabilang kamay.

[Inutil! Kinagat mo yung buntot ko!] Tinuro ng maliit na itim ng pusa si Little Lotus ng may pagbibintang.

"Sniff…. sniff…. Hindi ko alam. Nasa tubig ako at nakita ko yung itim na kung ano man, kumakaway at akala ko pagkain…" Sagot ni Little Lotus ng nakasimangot.

[Kasinungalingan! Isa kang plant spirit! Hindi mo kailangan kumain!] Ginawa niya siguro to sa paghihiganti matapos ko siyang paglaruan noon.

"Hindi…. hindi… hindi ganon yun!" Sagot ni Little Lotus, takot sa galit ng maliit na itim na pusa.

Sa totoo lang, hindi niya alam kung bakit niya kinagat ang buntot ng pusa. Malabo ang mga pangyayari, at hindi niya maalala kung kailan at paano siya napunta sa gilid ng lawa at kagatin ang buntot ng pusa. Nang bumalik ang kanyang malay, punong puno na siya ng kalmot ng pusa.

Related Books

Popular novel hashtag