Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1401 - Sanib Pwersa (1)

Chapter 1401 - Sanib Pwersa (1)

Nahulaan na ni Jun Wu Xie una pa lang na ang paglantad ni Lord Meh Meh ay maglalantad din sa kaniyang pagkakakilanlan. Nang kaniyng iligtas ang Qi Kingdom noon, naging agaw-pansin sina Lord Meh Meh at Sacrificial Blood Rabbit kaya naman pinilit niyang palitan ang kaniyang kaanyuan nang siya ay magpunta dito para hindi makilala. Ang batang nasa harap ngayon ng Emperor ng Qu Country ay ang mismong Emperor na may malinis at malamig na itsura.

"Tumayo ka. Wala kang dapat ipagpasalamat." Malamig na saad ni Jun Wu Xie. Nakipaglaban siya hindi para sa Qu Country, kundi para sa Lower Realm.

Nanatili namang nakaluhod ang Emperor ng Qu Country saka nagsalita: "Isang biyaya ang makatanggap ng tulong mula sa inyo, Kamahalan. Sa pagkakalat ng mga Poison Men dito, hindi kakayanin ng aming maliit na bansa kung sakali pati ng aming mga sundalo. Kahit pa makipaglaban kami, hindi namin mapoprotektahan ang aming mga mamamayan. Sabihin mo nang makapal ang aking mukha, pero nakikiusap ako, iligtas mo ang Qu Country! Gamitin mo ang aming mga sundalo para iligtas ang Qu Country, at sa oras na mailigtas ang mga mamamayan namin, pinapangako kong ang Qu Country ay susunod sa iyong pamumuno!"

Sa mga oras na iyon, wala nang ibang nasa isip ang Emperor ng Qu Country kundi ang mailigtas ang kaniyang mga mamamayan. Gayong natalo ni Jun Wu Xie ang mga Poison Men ngayon, ngunit sa iba pang mga lugar ng Qu Country, marami pa ang nagkalat na mga Poison Men. Sa natitirang sundalo nila ngayon, hindi nila kayang depensahan ang kanilang sarili.

Inilibot ni Jun Wu Xie ang kaniyang paningin sa kalupaan ng Qu Country. Kung ikukumpara ang Lower Realm sa Middle Realm, kahit na mas mahina, ang mga taga-Lower Realm ay kailanman hindi naubusan ng tapang para iligtas ang alam nilang kanila.

"Pagkabalik ako saking bansa, gagawa ako ng plano para sa Qu Country at isasagawa iyon sa lalong madaling panahon." Dahil sa panggugulo ng Poison Army, bukal sa kalooban ni Jun Wu Xie ang tumulong sa Lower Realm para talunin ang kanilang kaaway. Pero dahil sa hindi pa malinaw sa kaniya ang sitwasyon sa Fire Country hindi niya alam kung ilang sundalo na lang ang natitira. Dahil maging ang sundalo ng Qi Kingdom at Buckwheat Kingdom ay kumilos na para iligtas ang ibang mga bansang inaatake ng Poison Men Army.

Kailangan munang maghintay hanggang sa makabalik siya sa Fire Country. Doon pa lang siya makakapagdesisyon.

Dahil sa sinabing iyon ni Jun Wu Xie ay nabuhayan ng loob ang Emperor ng Qu Country. Alam niyang tutulong si Jun Wu Xie sa pagligtas sa Qu Country. At ngayon, nagtitiwala siyang maliligtas ang Qu Country!

"Reporting! Sampung milya mula dito, isang malaking grupo ng mga sundalo ang paparating!" Pagbibigay-alam ng isa sa mga sundalo.

"Nakilala mo ba kung saang bunsa sila nagmula?" Sabik na tanong ng Emperor ng Qu Country.

"Buckwheat Kingdom!"

Umangat ang isang kilay ni Jun Wu Xie sa kaniyang narinig. Agad na lumipad ang kaniyang tingin kay Little Jun na nakatayo sa likod ng mga sundalo.

Mabilis ang pagdating ng Buckwheat Kingdom sa main camp ng Qu Country.

Ang Buckwheat Country ay maliit lang na bansa noon, ngunit matapos ibigay ni Jun Wu Xie dito ang kalahati ng Condor Country's empire, lumaki ang kanilang kapangyarihan sa maiksing panahon lang. Matikas na tumayo sa kanilang harapan ang mga sundalo ng Buckwheat Kingdom.

Ang lider ng Buckwheat Kingdom army ay agad na nagdesisyong magtungo sa Qu Country nang marinig nila ang balitang kailangan ng bansang ito ng tulog. Kahit na nagmadali sila sa kanilang pagpunta sa Qu Country, sa kanilang daan papunta dito, mayroon silang nakasalubong na mga Poison Men kaya natagalan silang dumating.

Sa kanilang pagpunta dito, puno sila ng pag-aalala para sa Qu Country ngunit nang makita nila ang paligid na puno ng mga bangkay ng Poison Men army, sila ay nagulat.

Naagaw rin ang kanilang atensyon ng sunog na halos aabot sa kalangitan. Kitang-kita nilang sinusunog noon ang mga bangkay ng Poison Men. Napakarami noon at halos hindi sila makapaniwala.

Agad na bumaba ang lider ng Buckwheat Kingdom army at lumapit sa Emperor ng Qu Country. Nang masalubong niya ng tingin si Jun Wu Xie, nagbago ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Pamilyar sa kaniya ang mukhang iyon at nang mapagtanto niya ang maliit na bata na nasa likod ni Jun Wu Xie, agad na bumakas ang pagkasabik sa kaniyang mukha.

Iyon ang kanilang Kamahalan!

Related Books

Popular novel hashtag