Ang dulo ng mga ugat ay nasa itaas at nagsama-sama ang mga ito para maging parang isang kulungan.
Bumaba si Jun Wu Xie sa lupa. Matalim ang kaniyang tingin habang naglalakad patungo sa kulungang gawa sa ugat at baging.
"Rage of Sylvan." Bahagyang bumuka ang kaniyang bibig para bitawan ang mga katagang iyon kasabay ng pagkuyom ng kaniyang kanang kamay!
Isa nanamang malakas na dagundong ang umalingawngaw sa paligid!
Ang kulungan ay mas lalong humigpit. At doon, ang mga Poison Men ay nadurog at lumabas sa mga awang ng ugat ang dugo kasama ng durog na laman at buto!
Saglit na sandali lamang ay nagawang ubusin ni Jun Wu Xie ang Poison Men na umaatake sa lugar na iyon. Ni isa ay walang natira.
Nanlalaki ang mga mata ng mga sundalo habang pinapanood ang tuktok ng puno. Ang kaninang madilim na kalangitan ay nagsisimula nang magliwanag, tila nagpapahiwatig ng pag-asa.
Lahat ng nakasaksi sa pangyayaring iyon ay laglag ang mga panga. Hindi makapaniwala sa nangyari.
Habang nagliliwanag ang sinag ng araw sa puno, isang payat na pigura ang bumaba doon na tila isang deity na ipinadala ng Kalangitan.
Ito ang unang beses na ginamit ni Jun Wu Xie ang Mask of Sylvan. Sa Heaven's End Cliff, sinulit niya ang panahong naroroon sila. Hindi siya kailanman lumabas sa puntod. Ngayon, ang kapangyarihan ng Mask of Sylvan ay binigyan siya ng realisasyon kung bakit sa lahat ng magical artifact na naroon sa puntod, iyon ang pinaka-nakakalamang.
Unti-unti nang lumiliit at bumabalik sa lupa ang mga ugat. Sa harap ng lahat, ang kaninang matayog na puno ay lumiit at naging isang parang buto na lang.
Ikinumpas ni Jun Wu Xie ang kaniyang kamay at ang hikaw na nasa lupa ay lumipad patungo sa kaniyang palad.
Malinis iyon at walang bahid ng anumang dugo o dumi. Isinuot iyon ni Jun Wu Xie sa kaniyang tenga.
Hindi makapaniwala ang lahat sa kanilang nasaksihan. Kung hindi dahil sa naiwang bitak na lupa ngayon at kalat na magkahalong dugo at durog na buto at laman, iisipin nilang panaginip lang ang lahat ng ito.
Nang umatake ang Face of Sylvan, umatras na si Qiao Chu sa pakikipaglaban at nanood na lang.
"Naiintindihan ko na ngayon kung bakit ganon na lang ang paghihirap ni Brother Jun Wu Yao para mahanap ang masakarang iyon para kay Jun Wu Xie. Sadyang...nakakatakot iyon..."
Isa laban sa halos isandaang libong Poison Men ay naglaho sa isang iglap lang.
"Iyan ang kapangyarihan ng Face of Sylvan." Usal ni Hua Yao habang nakatingin kay Jun Wu Xie na mag-isang nakatayo.
Nanahimik ang paligid. Maging ang mga Poison Men ay hindi nakatakas sa lakas ng kapangyarihang iyon.