Habang nakaupo sa lupa at kumakain ng laman loob ang mga Poison Men, bigla silang nakaramdam ng panganib. Nang mag-angat sila ng tingin, isang elegentang pigura ang sumulpot sa kanilang mga harapan!
Isang malakas na pagbagsak ang kanilang narinig at namalayan na lang nila na ang isa sa mga Poison Men ay nawasak na ang ulo!
Tila kidlat sa bilis si Jun Wu Xie, ngunit hindi man lang ito nabahiran ng dugo.
Kumalat ang pira-pirasong ulo ng isa sa Poison Men at umalingasaw ang lansa ng dugo nito. Nakuha ng amoy na iyon ang atensyon ng iba pang mga Poison Men at sabay-sabay silang lumingon sa direksyon ni Jun Wu Xie.
Naglalabasan ang ugat na kulay berde sa mga mukha ng Poison Men distorted na rin ang mga mukha nila kaya naman hindi na makilala ang tunay nilang itsura.
Tumalim ang mga mata ni Jun Wu Xie. Ang nakakatandang kapatid ni Little Jue ay nalason din ng mga taga-Soul Return Place at naging isang Poison Man. Nakita iyon ni Jun Wu Xie dati, subalit hindi ganito ang itsura ng kuya ni Little Jue.
Ang mga taong ito ay hindi katulad ng Poison Men na nakita niya noon sa Condor Country.
Ang pagkamatay ng isa sa Poison Men ay nakuha ang atensyon ng iba pang naroroon, maging ang mga nagtatago. Mahigit sampung Poison Men ang may makamandag na ekspresyon ang naglakad patungo sa direksyon nina Qiao Chu na nakatayo sa likuran ni Jun Wu Xie.
"Wah! Hindi ko akalain na marami pala sila." Saad ni Qiao Chu habang nakatitig sa Poison Men na papalapit sa kanila. Hindi makikitaan ng kahit kaunting bakas ng takot ang mga mata nila Qiao Chu, sa halip ay pagka-sabik ang maaaninag doon.
Ihinanda naman nina Ye Sha at Ye Mei para sa pag-atake. Ang maskara naman sa mukha ni Ye Mei ay nagsimula na ring magpalit-anyo.
"Para sa aming mga Big Brother na naririto, ipaubaya niyo na samin ang pakikipaglaban." Sabi ni Fei Yan habang naglalakad palapit kay Ye Sha.
Saglit na nagulat sina Ye Sha, ngunit agad ring naintindihan ang nais ipabatid ni Fei Yan.
At gaya nga ng inaaasahan, nagniningning sa kasabikan ang mga mata nina Qiao Chu at ng buong grupo. Nagsimulang magliwanag ang Purple Spirit sa katawan ng bawat isa sa kanila!
"Mukhang madali lang satin ito ngayon." Natatawang sabi ni Ye Mei habang naglalakad paatras.
Si Ye Gu na kakapalit lang ng anyo ay labag sa loob na naglakad palayo.
At biglang naging parang kidlat sina Qiao Chu, Hua Yao, Rong Ruo, Fei Yan at Fan Zhuo. Sabay-sabay silang umatake sa Poison Men.
Ilang mga fiery dragon ang lumipad palapit sa mga Poison Men. Nakisabay naman si Qiao Chu sa gitna ng nag-aapoy na labanan. Isang kamao ang tumama sa ulo ng isang Poison Man. Agad na sumabog ang ulo ng Poison Man at humiwalay sa katawan nito.
Nanatili namang nakatayo si Rong Ruo, wala siyang balak magmadali. Tinawag niya ang kaniyang mga Hell Butterflies at agad na nagsilitaw ito sa paligid.
Ikinuyom ni Rong Ruo ang kaniyang kamao!
Kasabay noon ang pagsabog ng mga Hell Butterflies at nagningning sa paligid! Iyon ay na-inhale ng mga Poison Men at pumasok sa loob ng kanilang mga katawan.
"Rend!" Mahinang sigaw ni Rong Ruo!
Ang mga Poison Men na malapit asng distansya aky Rong Ruo ay agad na nakaramdam ng parang may tumutusok sa loob ng kanilang katawan!
Kitang-kita kung gaano nakakakilabot ang loob ng kanilang mga katawan dahil sa wasak na ang kanilang dibdib!
Ang mga malalakas na Poison Men ay tila naging isang basura sa harap ng grupo nina Qiao Chu. Walang kahirap-hirap na tila nila kinakatay ang mga Poison Men!
Ilang sandaling nagningning ang munting bayan dahil sa fiery dragons at kumalat din ang malansang amoy ng dugo.
Ang mga maswerteng refugees na nakaligtas kanina ay nanonood mula sa kanilang pinagkakataguan. Laglag ang kanilang mga panga habang pinapanood ang mga kabataang dapat ay makakalaban nila kanina. Hindi sila makapaniwala sa taglay na lakas ng mga ito!