Chapter 1390 - Robbery (1)

Mula sa malayong bundok papunta sa lungsod, nanatiling tahimik si Jun Wu Xie. Ang mga nadaanan nilang bahay ay halatang nasunog.

Nang sa wakas ay nakarating na sila sa kanilang destinasyon, tumigil ang mga karwahe sa gilid ng daan.

Kumalat ang isang masangsang na amoy sa lugar na iyon. Ang mga bangkay ay nakakalat sa lugar. Ang itsura ng mga bangkay na iyon ay tila kinagat ng mga halimaw. Nakabuka ang mga tiyan ng mga ito at halatang kinuha ang mga laman loob nito.

"Nakakasuka. Gawa ba ito ng mga Poison Men?" Tanong ni Qiao Chu habang nakatingin sa mga nagkalat na bangkay. Ilan sa mga ito ay mga bata at iilang parte na lang sa katawan nila ang natira. Maging ang kanilang mga ulo ay hindi na kumpleto.

"Hindi ngunguyain ng Poison Men ang mga bangkay na iyan." Sagot ni Ye Mei habang sinusuri ang mga bangkay. Inamoy nito ang dugo sa isa sa mga katawang naroon.

Ang amoy ng dugo ay may halong ibang amoy. Amoy na hindi pamilyar sa kaniya.

"Kung aatakehin ng mga Poison Men ang kanilang mga kaaway, maaaring gamitin nila ang kanilang mga bibig para punitin ang kanilang mga laman pero hindi ganito ang magiging kinalabasan. Ang mga laman loob ng mga taong ito ay halatang iba ang kumain, kung halimaw man ang mga iyon, hindi lang ang laman loob ng mga ito ang kanilang kakainin. Napansin din namin ni Ye Sha na wala ni isa sa mga bangkay dito ang buo pa ang laman loob. Hindi maaaring nagkataon lang iyon." Maingat na sabi ni Ye Mei.

"Hindi Poison Men ang may gawa?" Tanong ni fan Zhuo na napaangat ang kilay.

"Kahit na hindi iyon Poison Men, hindi malayo ang kanilang pagkakaiba. Matagal na panahon na rin simula nang tayo ay makapunta sa Middle Realm. Posibleng nakapag-develop na sila ng bago." Dagdag pa ni Ye Sha.

Lumakad palapit sa kanila si Jun Wu Xie, nang bigla siyang may marinig na kakaiba mula sa malayo.

 Nilingon ni Jun Wu Xie ang mga sirang gusali.

Napangisi naman si Jun Wu Yao.

At biglang may mga pigurang nagsisulputan!

Agad namang tumalima sina Qiao Chu. Ngunit nang makita nila kung sino ang mga iyon, labis silang nagulat.

Ang nasa harapan nila ay hindi ang mga Poison Men, sa halip ay sampung mga lalaki na punit-punit ang kasuotan na may hawak na matsete. Gulo-gulo ang kanilang mga buhol at ang mga mukha nila ay marurungis. Matalim ang titig na ibinibigay ng mga ito sa grupo nila Jun Wu Xie.

"Ang mga ito...ay nasa tea stall noong nakaraan." Saad ni Rong Ruo. Kakaiba na ang tinging ibinibigay ng mga ito sa tea stall pa lang.

Isang lalaki ang humakbang palapit at itinutok ang matsete kila Jun Wu Xie: "Hindi namin kayo papahirapan. Ang kailangan niyo lang gawin ay iwan ang mga mahahalaga niyong gamit at hahayaan na namin kayo!"

Nang ilapag ni Fan Zhuo ang gold ingot noong nakaraang araw, nakuha nito ang atensyon ng mga refugee. Napansin din ng mga ito na bata pa ang nasa grupo nina Jun Wu Xie kaya naman nakabuo ang mga ito ng maitim na balak. Sinundan nila ang mga karwahe hanggang dito at ngayon ay nagkaroon nga ng tsansa na sila ay atakehin.

Mahigit sampu pala ang mga ito at pinaikutan ang grupo nina Jun Wu Xie.

Related Books

Popular novel hashtag