"Ow…" Saad ni Little Jue na pinangingilidan ng luha ang mga mata.
Subalit hindi tatalab ang mga ganoong pakulo kay Fei Yan. Ang soul ng batang ito ay unti-unting naibabalik sa tulong ng mga magical artifacts. Gayong hindi pa iyon tuluyang nanunumbalik, kahit papaano ang asal nito ngayon ay umaakma na sa edad nitong lima o anim na taon. Sa kabila ng panunumbalik ng ulirat nito, ang pagiging patay-gutom nito ay hindi nagbago kahit kaunti!
Simula nang makita ni Little Jue na walang humpay ang pagsuka ng Hell Rodent ng mga treasure, nagbago ang tingin niya dito. Nang mapansin ni Ye Jie na nawawala ang Hell Rodent ay bumuhos ito ng pag-iyak.
Sa huli, ang Hell Rodent ay natagpuan ni Jun Wu Xie sa bibig ni Little Jue ang Hell Rodent.
Nang makuha iyon sa bibig ni Little Jue ay nahimatay na ang Hell Rodent dahil sa sobrang takot.
Kahit na pinagsabihan na ito ni Jun Wu Xie, hindi pa rin nito mapigilan ang interes sa Hell Rodent.
Ang tingin nitong tila nagsasabing, "napakasarap mo" ay halos ikabaliw ng Hell Rodent.
"Huwag mo kong iyakan. Hindi yan tatalab sakin." Saad ni Fei Yan.
Napanguso si Little Jue, bakas ang lungkot sa mukha nito.
Narinig naman ni Ye Jie si Fei Yan at agad nitong naunawaan kung anong nangyayari. Malayo ang pagkakaiba ng karakter nito sa madalas na iritableng si Ye Gu. Nakapagsalita lang ito ng maayos nang sumanib si Jun Wu Xie sa katawan ng Little Black Cat dahil ang tingin niya dito ay isang spirit body. Ang mga taga-Spirit Soul Race ay natural na malapit sa mga spirit bodies dahilan kung bakit madali lang para sakanila ang makipag-usap sa mga ito.
Pero kung makikipag-usap si Ye Jie sa mga tao, mahihirapan siyang magbigkas ng kahit isang salita lang.
Malungkot ang tinging binigay na Fei Yan kay Ye Jie pagkatapos ay hinila si Little Jue paalis.
Nakakapanibago lang. Simula nang makarating sila sa Dark Emperor's tiimb isang beses lang sumalungat sa kanila si Ye Gu. Pagkatapos ng isang beses na iyon, naging kabilang na ito sa kanila. Naging malapit din ito kay Ye Sha at Ye Mei.
Tinanggap naman ng lahat na maging kabilang sa kanila sina Ye Gu at Ye Jie.
Dahil sa isang dahilan---pareho sila ng apelyido "Ye."
Ang mga miyembro ng Night Regime ay Ye ang apelyido. Kaya naman mayroong ideyang nabuo sa kanilang mga isipan ngunit hindi sila nangahas na sabihin iyon.
"Little Yan, bumalik na si Qiao Chu at inutusan ako ni Little Xie na papuntahin kayo doon." Nakangiting saad ni Qiao Chu habang papalapit.
Sa main hall ng Dark Emperor's tomb, ang mga magical artifacts ay nabawasan na. Ngunit hindi iyon gaanong mapapansin, maliban na lang kung susuriin iyong maigi.
Sa malapad na hall, isang maliit na pigura ang tahimik na nakatayo sa gitna. Pigura iyon ng isang batang babae. Kahit pa makapal ang kasuotan nito hindi maitatago ang makurba nitong katawan.
Nakasuot ang babae ng pilak na maskara kung saan ay nakaukit na sumisimbolo ng pwersa.
"Little Xie! Nandito na kami!" Sabik na sigaw ng isang lalaki.
Dahan-dahang hinubad ng babae ang maskara sa kaniyang mukha. Lumantad ang nakakabighaning mukha ng binibini. Umilaw ang maskara sa kamay ng dalaga at naging isang hikaw. Kaswal na isinuot niya sa kaniyang tenga ang hikaw na iyon.
Ang hikaw na iyon ay ang Face of Sylvan.