Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 138 - Ang Nanginginig na Trono (3)

Chapter 138 - Ang Nanginginig na Trono (3)

"Anong nangyari dito?" Tanong ni Bai Yun Xian nang makita niya ang namumutlang mga mukha ng dalawa at isinantabi ang inis niya sa pagkasira ng kanyang tulog.

Sa gilid ng kanyang mga mata tinignan ng Emperor si Mo Xuan Fei at nang may tahimik na pagkaunawa, nagpakita siya ng kataimtiman at pinagugnay ang mga pangyayari sa gabing iyon. Sa kanyang pagkwento, binaluktot niya ang katotohanan para madala si Bai Yun Xian sa pangyayari. Sinabi niya na ang mga kagagawan ni Jun Wu Xie dahil sa selos at galit sa pagpapabaya ni Mo Xuan Fei para kay Bai Yun Xian.

"Sinarado ni Jun Wu Xie ang Kaharian para mapilitan akong ibigay ka sakanya. Paano ko magagawa yun? Wag ka mag alala, kahit buhay ko man ang kapalit, sisiguraduhin kong ligtas ka." Sinabi ni Mo Xuan Fei habang hinahawakan ang kamay ni Bai Yun Xian ng mahigpit, na parang walang mas mahalaga pa sa kanya kundi si Bai Yun Xian lamang.

Napatahimik si Bai Yun Xian at nakatingin kay Mo Xuan Fei ng walang ekspresyon.

"Nais ni Jun Wu Xie na ibigay mo ako sakanya?" Ang mga mata niya'y nanlaki sa gulat.

Gusto akong subukan ni Jun Wu Xie?!

Hindi niya ba alam ang lakas ng Qing yun Clan?!

"Yun Xian! Hindi ko hahayaang masunod ang kagustuhan niya! Hindi makakalapit ang baliw na yun, mamatay man ako!" Niyakap ni Mo Xuan Fei si Bai Yun Xian ng mahigpit, na tila hindi bibitaw.

Nakatingin lamang ng may pagsangayon ang emperor, at tumango kay Mo Xuan Fei.

Ngumiti si Mo Xuan Fei, ang kanyang mukha'y nakatago sa paningin ni Bai Yun Xian.

"Napasobra ang tiwala ng Jun Wu Xie sa kanyang sarili, akala niya makukuha niya lahat ng gusto niya sakin pagkatapos isara ang lungsod? Rui Lin Army lang yun!" Itinulak ni Bai Yun Xian si Mo Xuen Fei ng pagalit. Naantig siya sa malalim na damdamin ni Mo Xuan Fei para sakanya, pero ang mga ginawa ni Jun Wu Xie ay nakainsulto sa kanyang dignidad.

Isang simpleng dalaga sa Lin Palace para harapin siya? Isang kalokohan!

Sa pagtanggap ng kuwento ni Bai Yun Xian, ang emperor at si Mo Xuan Fei ay gustong magsaya, ngunit patuloy nilang ipinakita ang kanilang pagpapanggap, nagpapakita ng kanilang pagkainis rin sa paginsulto kay Bai Yun Xun.

"May plano ka, Yun Xian?" Tanong ni Mo Xuan Fei.

Tumango si Bai Yun Xian at itinaas ang kanyang kamay. Sa kanyang hintuturo, isang gintong singsing ang nagsimulang kuminang ng puting ilaw, at isang kumikinang na puting paru-paro ang lumabas sa puting kinang na ilaw.

Ito ang aking contractual spirit. Ang paruparo ng kahabagan, ang paruparo ng Min. May kakayahan siyang magibang anyo. Hindi sya makikita sa gabi. Isinara ng Rui Lin Army ang Imperial City? Tignan natin!" Tumawa si Bai Yun Xian. Matagal nang nakatago ang sama ng loob nito kay Jun Wu Xie pero ngayon, may lakas ng loob siyang sanggain ako?

Walang problema! Panahon na para malaman ng babaeng yan ang kanyang lugar at mapagtanto niya kung gaano kaliit ang palasyo ng Lin. Kaya ko silang durugin gamit lang ang kanyang mga daliri.

"Napakaganda! Gamit ang Paru-paro ng Min, kahit gaano man kagaling si Jun Wu Xie, hindi niya tayo mapipigilan sa pagpadala ng dagdag na kawal. Yun Xian, ikaw na ang bahala! Isang daan at limampu't milya, timog-silangan mula dito, mayroong kampamento. Kapag naipahayag mo na ang balita, susugod ang kawal at hindi na magiging banta ang hukbo!" Natuwa si Mo Xuan Fei. Tama ang kanyang pagpili kay Bai Yun Xian! Kahit gaano kalupit si Jun Wu Xie, isan-daang libong hukbo lang ang kanyang kontrolado dito. Habang nakaestasyon sa iba't ibang hangganan ang kabuuan ng hukbo ng Pamilya ng Jun, hindi sila makakabalik sa tamang panahon, kahit pa pagurin nila hanggang kamatayan ang kanilang mga kabayo.

Sinulyapan lamang ni Bai Yun Xian si Mo Xuan Fei at hinimok na ang kanyang paru-paro. Ito'y lumipad sa labas ng bintana, ang kanyang mga pakpak na napaglalagusan ng liwanag ay naitago ng dilim ng gabi, hindi makita ngmga mata at tila biglang nawala.

"Kampamento? Hindi, sinabihan ko ang panginoon ko." Tuturuan ng leksyon si Jun Wu Xie na gindi basta basta kinakalaban ang Qing Yun Clan.