Chapter 1376 - Wu Yao (2)

Tahimik na tumingin si Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie, bahagyang nanlaki ang napakagandang

mga mata, na tila hindi pa rin makahuma sa matinding pagkagulat.

Bahagyang nagtaas ng kilay si Jun Wu Xie habang pinagmamasdan ang bihirang ekspresyon na

ipinapakita ni Jun Wu Yao at iyon ay nagdulot ng galak sa kaniyang puso. Siya ay lumapit at

tumingkayad upang mabilis na halikan ang sulok ng labi nito.

"Bakit nakatayo ka lamang diyan na tulala?" tanong niya na may bahagyang pagtaas ng boses,

may bakas ng kasiyahan.

Dahil dito, si Jun Wu Yao ay lalo pang natigilan at hindi makapagsalita ngunit ang ekspresyon

nito ay mas lalong nanigas.

Hindi na kayang tumingin nina Ye Mei at Ye Sha at tinakpan ng mga kamay ang kanilang mga

mukha habang si Ye Gu ay gulat na gulat na natulala, bakas sa mukha na hindi makapaniwala.

[Lord Jue… Lord Jue… sa gayong munting anyo ng isang dalagita… ay sinamantala!!]

"Hindi ka pumapayag?" nanunuksong tanong ni Jun Wu Xie nang makita niyang tulala pa rin si

Jun Wu Yao.

Sa wakas ay nanumbalik na sa sariling katinuan si Jun Wu Yao matapos ang pakikipagbuo at

biglang ipinulupot ang mga kamay sa baywang ni Jun Wu Xie, at hinatak ito upang yakapain.

"Ano ang itinawag mo sa akin ngayon? Sabihin mong muli."Sinabi nya na may mapusok na

titig, na parang isang bolang apoy ang nagliliyab sa loob ng kaniyang mata.

"Ang ibig mong sabihinay Wu Yao? Bakit? Hindi mo ba iyon gusto?" tanong ni Jun Wu Xie na

may masamang liyab na nagliliwanag sa loob ng kaniyang mga mata. Nasanay nang makita ang

karaniwang ugali ni Jun Wu Yao na may malademonyong ngiti na matatag at hindi matitinag

tulad ng Mount Tai at ang makita ito paminsan-minsan na ganito ay naramdaman niya na iyon

ay interesante.

Si Jun Wu Xie ay nakakaramdam ng tagumpay at bahid ng matamis na kaba sa dibdib sa

tuwing nakikita niyang tumataas at bumababa ang emosyon ni Jun Wu Yao dahil sa kaniya.

[Oo na, aaminin niya na tila nakakuha siya ng isang pilyong pag-uugali.]

Huminga ng malalim si Jun Wu Yao at biglang lumusob habang siya ay hindi handa at nang

ibaba nito ang ulo upang halikan si Jun Wu Xie sa munting bibig na iyon na bahagyang

nakataas ang sulok.

Ang nakakalunod na halik ay inubos ang kanilang hininga at pinaglabanan Jun Wu Yao na

pigilan ang bugso ng kaniyang damdamin bago pa mawalan ng kontrol sa sitwasyon.

Batid niya ang uri ng bigat na ibinibigay ni Jun Wu Xie sa kaniyang puso at naiintindihan ang

katotohanan na ito'y lubos na naiiba sa lahat. Ngunit hindi niya inaasahan na ang ganitong

paraan ng pagtawag sa kaniya ay dahilan upang makaramdam ang kaniyang puso na tila

sasabog sa kaligayahan.

Siya ay lubhang mabilis mapaluguran.

Ang kaniyang damdamin para kay Jun Wu Xie ay isang bagay na hindi maunawaan ni Jun Wu

Yao at kung paano ito nagbago sa paraan na katulad nito ngayon.

Sa simula, matagal lamang siyang nakakubli at ganap na nahiwalay sa ibang bahagi ng mundo,

hindi na maalala kung gaano katagal ito mula nang makita niya ang ibang tao hanggang sa

lumitaw ang munting nilalang na ito. Sa panahong iyon, si Jun Wu Xie ay nasa lubhang

kahabag-habag na kalagayan nang makita niya ito.

Natatakpan ng dumi ang buong katawan, ang maliit na mukha ay halos hindi na malinaw na

makita. Malinaw na siya ay nasa bingit ng kamatayan ngunit nanatiling mahinahon upang

makipagkasundo sa kanya, sa isang tao na walang pagkakakilanlan.

Hindi na maalala ni Jun Wu Yao kung gaano na katagal patay ang taong nangahas na

makipagkasundo sa kaniya.

Maaaring dahil ito sa mahabang panahon na pagkakakulong ngunit tinanggap at sinunod niya

ang kasunduan na maihatid nang ligtas ang dalagita sa Lin palace.

Sa panahong iyon, si Jun Wu Yao ay wala pang ibang nararamdaman para kay Jun Wu Xie at

ang naging ugnayan nila ay dahil sa kanilang kasunduan kung saan ay ginamit nila ang bawat

isa. Kinailangan ni Jun Wu Yao ng pagkakakilanlan ng mga panahong iyon at nanahan siya sa

Lin Palace habang nagpapanggap sa katauhan ni Jun Wu Yao.

Ngunit hindi niya inaasahan na ang ipinagwalang -bahala na desisyon sa panahong iyon ay

ang mababago ang lahat sa kaniyang hinaharap.

Sa umpisa, paminsan-minsan ay tinutukso niya ang dalagita na ito na parang bago niyang

laruan na kaniyang natuklasan. Tinulungan din niya ito sa paraan na kung paano magpalayaw

ng isang alaga. Hindi niya namamalayan na ang kaniyang panunukso ay nagbago nang hindi

niya inaasahan, at magiging isang pakiramdam na kailanman ay hindi pa niya nararanasan.