Ang puso ay hindi nagbabago kapag nagpalit ng katauhan ang isang tao at hindi rin ito
mababago nang dahil sa ibang tao ang kaniyang kinilala.
Sa simula pa lamang, tanging si Jun Wu Yao ang kinilala ni Jun Wu Xie.
Kung ang nakapagpabago sa kanyang damdamin ay ang katauhan niya, marahil ay hindi siya
naging totoo sa kaniyang sarili.
Nang mapagtanto ang bagay na iyon, nagkaaroon si Jun Wu Xie ng mas malawak na
pangunawa. Bakit niya pinipilit alamin ang tungkol sa nkaraan? Bakit nya iginigiit na
mabunyag ang lahat?
Hindi na mahalaga sa kaniya kung ano ang nakaraan ni Jun Wu Yao, ang mahalaga ay kung ano
ang mayroon sila ngayon, at ang kanilang kinabukasan.
Labis ang kaligayahan ni Jun Wu Yao habang siya ay nasa likuran ni Jun Wu Xie.
Kanina lamang ay gusto na niyang ibunyag ang lahat, ngunit may pumigil sa kaniyang sarili
nang sasabihin na niya ito. Nagbigay ito kay Jun Wu Yao ng kamangha-manghang pakiramdam
, na parang nag-uumapaw ang kaniyang puso sa kaligayahan.
Ang pagbibiro ni Jun Wu Xie ay nagdulot ng kaguluhan sa bawat isa.
"Sa tingin ko ay hindi nararapat magbiro si Jun Wu Xie." Sinabi ni Quiao Chu. Napakatindi ng
kaniyang biro sa unang pagkakataon. At kung marami niyang beses itong gagawin, paano ito
makakayanan ng kanilang puso?
Si Fei Yan ay tahimik na sumang-ayon .
Uminit ang paligid, at sabay-sabay tumindig ang grupo ng kabatataan.
Hindi dahil sa kung anumang bagay, ngunit dahil ang palatial hall ay napupuno ng gabundok
na magical artifacts. Ang alin mang magical artifacts ay mahalagang kayamanan na kapag ito
ay kinuha ay sapat na upang maging sanhi ng gulo, at ang nasa kanilang harapan ay hindi
mabilang , ito ay nagbigay sa kanila ng hindi maipaliwanag na kasiyahan.
Maraming uri ng magical artifacts at bawat uri ay may iba't ibang kapangyarihan.
Sa oras na ito, ang layunin ng pagpunta ni Jun Wu Xie at ng mga kasama ay upang hanapin ang
magical artifacts na maaaring dagdagan ang kanilang spirit powers sa maikling panahon. Bihira
lamang ang ganitong uri ng artifacts sa Middle Realm at ang bilang lamang nito ay wala pa sa
sampu maliban sa libingan ng Dark Emperor.
Nasa kamay ng Dark Emperor ang karamihan ng magical artifacts noon at lahat ng ito at
ibinaon dito sa libingan. Hindi na mapigilan ni Qiao Chu at ng iba ang kanilang mga sarili upang
hanapin ang magical artifacts na angkop para sa kanila.
Ngunit matapos nilang mag-ikot sa lugar, sila ay nadismaya…..
Hindi nila matagpuan ang kinalalagyan ng mga magical artifacts!
Lahat ng magical artifacts ay itinago sa Dark Regions nang maghari ang Dark Emperor at sa
loob ng maraming taon na ito ay nakatago sa libingan ng Dark Emperor, halos wala nang balita
kung saan matatagpuan ang magical artifacts. Walang makapagsabi kung paano ito matutukoy
dahil wala na silang naririnig tungkol dito. Hindi nila alam kung alin ang kanilang pipiliin.
Ang kanilang pakiramdam ay parang hawak nila ang isang libro na naglalaman ng walang
kapantay na kapangyarihan ngunit hindi nila kayang basahin ang bawat salita na nakasulat
dito.
Sa sandaling iyon, si Jun Wu Xie ay nawalan na din ng pag-asa kung paano gagamitin ang
magical artifacts, kahit isuot pa ito sa kanilang katawan , hindi ito makakatulong sa kanila.
Nang ito ay mapagtanto ni Jun Wu Xie, ay agad siyang tumingin kay Jun Wu Yao.
Ang mga tingin na iyon ay tila nagsasabi ng mga salita.
[Hindi mo ba kami tuturuan?]
Si Jun Wu Yao ay lumakad at natawa. Kapansin pansin ang mga tingin ni Jun Wu Xie, paanong
hindi niya ito naintindihan?
Ang pakikitungo ng Young Miss kay Jun Wu Yao ay nagbigay ng katiyakan kina Ye Mei at Ye
Sha na maaring alam na ng Young Miss ang totoong pagkatao ni Lord Jue!
" Ano ang hinahanap ninyo? ang magical artifacts na makakapagpalakas ng inyong spirit
powers?"tulad ng inaasahan, lumapit si Jun Wu Yao sa tabi ni Jun Wu Xie upang tanungin
habang nakatingin sa maliit niyang mukha.
Tumango si Jun Wu Xie, at bago siya nakapagsalita, si Qiao Chu na nasa gilid ay nakalapit na
doon na may masayang palahaw!