Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1367 - Kayamanan, Parating Na Kami! (5)

Chapter 1367 - Kayamanan, Parating Na Kami! (5)

Walang ibang pagpipilian si Jun Wu Xi kung hindi utusan si Fan Zhuo na hilahin si Little Jue

mula sa tumpok ng mga jade artifact.

Habang kinakaladkad si Little Jue papalayo, pilit na inaabot ng maliit niyang kamay ang

"masarap na pagkain" at ayaw niyang mawalay mula dito.

Hinawakan ni Jun Wu Xie ang kaniyang sentido at sinabing: "mamaya ka na kumain."

Tumingin si Little Jue kay Jun Wu Xie at lumingon ng matagal sa tumpok ng jade artifacts bago

siya tumahimik.

Biglang huminto sa paglalakad si Jun Wu Xie at maya-maya ay kaniyang napagtanto, idinagdag

niya: "Bigyan mo siya ng ilang piraso upang dalhin."

Upang maiwasan ni Little Jue na matuksong bumalik dito, hiniling ni Jun Wu Xie kay Fan Zhuo

at sa mga kasama na kumuha ng ilang pirasong jade para kay Little Jue upang may manguya

habang sila ay naglalakad patungo sa pupuntahan nila.

Sa pangunguna ni Ye Gu, natutuklasan nilang tunay na nakakagulat ang libingan ng Dark

Emperor. Kahit na itinuturo ni Ye Gu ang daanan, ang mga kasama ay naglakad ng napakalayo

ang distansya.

Mula sa walang katapusang gabundok na ginto, pilak at mga alahas, hanggang sa malalaking

piraso ng mga palamuti, ang mga kasama ay nakikita pa rin ang isang bagay na higit pa sa

maaaring isipin ng bawat isa sa kanila.

"Whew, ang Dark Emperor ay talagang napakayamang tao, sobrang yaman." Sinabi ni Qiao

Chu habang nakahawak sa kaniyang dibdib, halos hindi niya makayanan ang pananabik.

Kahit na ang mahinahon na si Jun Wu Xie ay hindi maipagkakaila iyon pagkatapos makita ang

isang bahagi ng kayamanan ng Dark Emperor.

"Lahat ba ng mga bagay na ito ay napakinabangan ng Dark Emperor?"tanong ni Jun Wu Xie at

biglang tumingin kay Jun Wu Yao na nasa tabi niya.

Tumatawang sinabi ni Jun Wu Yao: "Bakit ito gagamitin? Ang mga magagandang bagay ay

nananatili lamang upang pagmasdan at hangaan, itinatago lamang ito kahit hindi kailangan.

Sino ang magtatangkang kunin ang mga ito?"

Tumaas ang kilay ni Jun Wu Xie. Ang paraan ng pananalita ni Jun Wu Yao ay nagbigay sa

kaniya ng kakaibang pakiramdam. Ang pakiramdam na kahit papaano ay pareho sa isa sa

kaniyang mga palagay.

"Tama iyon, sa hindi mapapantayang pagmamay-ari ng Dark Emperor, sino ang maglalakas

loob na kunin ang mga bagay na pagmamay-ari niya? Ngunit, kung alam niya na ang mga

kayamanan ay nanaisin lamang ng pangkat ng maliit na mga bata tulad natin. Hindi na ako

magtataka kung mapupuno siya ng galit." Walang ekspresyon na sinabi ni Jun Wu Xie.

"Hindi." May ngiting sinabi ni Jun Wu Yao.

"Paano mo nalaman?" tanong ni Jun Wu Xie habang nakatitig kay Jun Wu Yao. Sumagot si Jun

Wu Yao: "Bilang Dark Emperor, karapat-dapat ba iyon na pansinin?"

"Mukhang marami kang alam tungkol dito." May hamon na sinabi ni Jun Wu Xie.

Si Jun Wu Yao ay tumalikod at hindi na nagsalita pa.

Sa halip, sina Ye Mei at Ye Sha ay nakasunod sa likuran at pinagpapawisan ng malamig para sa

kanilang Lord Jue.

Sa hindi malamang dahilan, hindi nila maiwasang makaramdam ng kakaiba sa itinanong

kanina ng Young Miss, at ang kanilang Lord Jue…

[Ang kanilang Lord Jue ay tila sumagot ng napakabilis!]

[Ang kanyang mga salita ay nagpapahiwatig na " kunin mo ang gusto mo, wala akong

pakialam, lahat ng iyan ay sa akin kaya kunin mo ang lahat ng gusto mong kunin." Lord Jue,

sigurado ka bang talaga?]

Nakaramdam ng takot ang dalawang lalaki na ang kanilang Young Miss ay may tila isang bagay

na natuklasan ngunit hindi sila nakakasigurado kung ano ito.

Hindi alam ni Ye Gu ang nangyayari ngunit habang naroon si Jun Wu Yao , wala siyang

magagawa kundi sumunod habang nagiisip siya ng mga paraan upang mamatay si Qiao Chu.

Pagkatapos ng mahabang paglalakad, sa wakas ay nakarating na sila sa labas ng napakalaking

pinto na gawa sa jade.

Ang pinto ay napakalaki, mas malaki sa iba pang mga pintuan na nakita nila. Ang pinto ay

binubuo ng dalawang hamba, gawa mula sa isang napakalaking bloke ng jade. Kung hindi ito

nakita ng kanilang mga mata, walang sinuman ang magiisip na may isang bloke ng jade sa

ilalim ng Heavens. Ang pintuan na gawa sa jade ay kinalupkupan ng ginto na bumubuo ng

gintong sagisag, may mamahaling hiyas na kasinglaki ng itlog ng manok sa loob, napakarami at

kahanga-hanga.

"Ito ang sagisag ng Imprisoned Serpent." Sinabi ni Fan Zuo habang nakatingin sa dalawang

hamba ng jade na pintuan, tinitingnan ang hugis ng napakalaking ahas na inilalarawan ng ginto

na nakapaloob dito.

Related Books

Popular novel hashtag