Nakangising nagsalita si Ye Gu: "Nang dumating ako sa Night Regime, ay hindi ko alam kung
nasaan ka noon! Kailangan ba na turuan mo ako sa dapat gawin?"
Nang sabihin iyon ay itinaas ni Ye Gu ang kaniyang binti at pinalipad si Ye Mei sa isang sipa!
Ang anyo ni Ye Mei ay tumilapon sa lugar na makikita mula sa butas sa bubong habang ang
kaniyang tiyan ay matindi ang sakit mula sa isang tadyak ni Ye Gu, mabilis na pumatak ang
dugo sa sulok ng kaniyang bibig habang nakatitig siya kay Ye Gu na nasa sulok ng bulwagan.
Ibinuka ni Ye Mei ang bibig at nagsalita ng walang anumang tunog: Kailangan natin umarte
upang maging makatotohanan.
Hindi alam ni Ye Mei kung tatawa o iiyak sa mga sandaling iyon. Ang tampalasang iyon ay
malinaw na gumaganti sa pamamagitang ng pananamantala sa sitwasyon!
Subalit, hindi makapagreklamo si Ye Mei mga hinanakit na iyon.
Nakatayo sa bubungan ng bulwagan, si Qiao Chu at ang iba pa'y nakitang sugatan si Ye Mei at
sila'y nakaramdama ng pagkabalisa, hiniling nila na sana'y makapunta sila doon at kalabanin
hanggang kamatayan ang tagapangalaga ng libingan ng Dark Emperor ngunit sila'y pinigilan ni
Ye Sha.
Nang susuko na si Ye Mei sa katotohanan na kailangan niyang makipaglaban kay Ye Gu, ay
biglang nagpakita sa Ye Gu kung saan matatanw ito mula sa itaas ng bubungan.
Nagmamadali itong nagtungo doon… sa pamamagitan nang pagpapagulong-gulong!
"Argh!" Nakahigang namamaluktot sa lupa, si Ye Gu ay pumalahaw.
Ang kahabag-habag na iyak na iyon ay nagpatigagal kay Ye Mei.
[Anong uri na naman ng sitwasyon ito ngayon?]
"Ang… kapagyarihan… Ang aking kakayahan ay napatunayan lamang na mahina ngayon… at
natalo ako sa iyo… Tinatanggap ko ang pagkatalo…" Pinilit na sabihin ni Ye Gu ang mga
salitang iyon na hinang-hina habang pinipilit ang sarili na bumangon, ang nakahantad na
kalahating mukha nito ay namumutla na. Para sa mga hindi nakakaalam, iisipin nila na ito'y
matinding nakipaglaban kay Ye Mei at matinding napinsala ni Ye Mei.
Tanging si Ye Mei lamang ang nakaramdam ng hinanakit sa puso na muntik na siya sumuka ng
dugo.
[Napakagaling na pag-arte!]
[Pambihira! Talagang nagawa niya iyon!]
[Bakit ang ganoong talento ay hindi napansin sa mga nagdaang taon!]
Nakahiga si Ye Gu sa lupa, sa mukha nito ay mababakas ang ekspresyon ng "Ayoko na, matindi
na ang aking pinsala, mamamatay na ako".
Ang biglang pagbabago ng mga pangyayari ay mabilis na pumukaw ng nakakabinging hiyawan
mula sa mga kabataan na nasa itaas ng bubong!
"Napkagaling mo talaga Big Brother Ye Mei!" Nanggigilalas na sigaw ni Qiao Chu habang
inilabas ang hinlalaki sa kaniya. Sa puso nila, ang lakas ng Dark Regions ay matindi at hindi
masukat at hindi nila naisip na darating ang isang araw na magagawa nilang magtagumpay sa
kahit sino mula sa Dark Regions, ngunit ngayong araw si Ye Mei ay "madaling" natalo ang
tagapangalaga ng libingan ng Dark Emperor, isang tagumpay na naghatid ng ligaya sa kanilang
lahat!
Napangiwi ang sulok ng bibig ni Ye Mei. Laban sa labis na katuwaan ng mga nasisiyahang
kabataan, hindi niya alam kung saan niya itatago ang mukha.
Walang kinalaman ang kapangyarihan niya dito, nagkataon lamang na ang pilyong si Ye Gu ay
talagang napaniwala ang mga ito sa kaniyang pag-arte.
Kung sa iba iyon, ang epekto ay siguradong hindi malinaw.
Bagaman nagtataglay si Ye Gu ng hindi kapani-paniwalang lakas, ito'y ipinanganak na bata ang
hitsura ng mukha at ang katawan nito'y parang sa isang binatilyo lamang na wala pa sa
hustong gulang. Kahit na nasa ulo nito ang korona ng Dark Regions, sa puso ng mga tao, ang
isang binatilyong wala pa sa hustong laki ay hindi ganoon kalakas. Kaya, ngayon na nakahiga
ito sa lupa na namumutla ang mukha at mukhang kaawa-awa, mahirap masabi ang pagkakaiba
kung iyon ba'y tunay o hindi.
Sa ilalim ng umuulang mga hiyawan at mga papuring salita, pinilit ni Ye Mei na panatilihin ang
kaniyang ekspresyon na parang kababalik lamang nito sa isang malaking labanan, habang
tumango kay Qiao Chu at sa iba pa.
Nang masaksihan ang buong palabas, walang magawa si Ye Sha kundi ang lihim na umiling.
Ang tagapangalaga ng libingan ng Dark Emperor ay tagumpay na nabihag at nalutas ang isang
malaking sagabal upang makapasok sila sa libingan ng Dark Emperor.
Kinarga ni Jun Wu Yao ang pusang itim na naglalaman ng spirit ni Jun Wu Xie at dahan-dahang
bumaba sa ere upang tumayo sa gitna ng malaking bulwagan. Nakahiga sa sahig, pinigil ni Ye
Gu ang sarili, pinilit na hindi magpakita ng matinding alab sa kaniyang mata na nakatuon sa
dakilang anyo ng Dark Emperor.
Mabilis na nagtalunan papasok si Qiao Chu at ang iba pa at ng sila'y makalapag, silang lahat ay
gumat na namangha sa gabundok na kayamanan, ginto pilak at mga alahas na pumuno sa
buong bulwagan!