Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1356 - Isa Ba Itong Panaginip (2)

Chapter 1356 - Isa Ba Itong Panaginip (2)

Nakita mismo ng kanilang mga mata ang di-mapigil na galit ni Jun Wu Yao, walang anumang

ginamit kundi ang brutal na lakas upang wasakin ang harang sa libingan ng Dark Emperor!

At sa bubong ng hindi mapasok na libingan ng Dark Emperor, ay gumawa siya ng napakalaking

butas!

Ang dakilang pagpapakita ng purong lakas na iyon ay nagbigay sa kanila na mga nakatayo sa

labas ng pakiramdam na ang buong mundo ay yumanig at ang mga bundok ay umalog, tila ang

kalangitan ay bumagsak at ang lupa'y naghihiwalay, isang nakakakilabot na pangitain.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ipinakita ni Jun Wu Yao ang kaniyang lakas sa grupo,

ngunit sa pagkakatong ito ay nagkaroon si Qiao Chu at ang iba pa ng paggalang kay Jun Wu

Yao.

Ang ganoong uri ng lakas na magagawang magdala ng pagkawasak sa kalangitan at lipulin ang

kalupaan ay hindi isang uri ng lakas na taglay ng isang mortal.

Sa sandaling pinakawalan ni Jun Wu Yao ang unang hagupit, inisip ng grupo na siguradong

mawawasak rin sila kasama ng libingan ng Dark Emperor.

"Iyon ba ang tagapangalaga ng libingan ng Dark Emperor? Big Brother Wu Yao, ayos lang ba na

hayaan lamang si Ye Mei na harapin iyon nang mag-isa?" Hindi maiwasan ni Fei Yan na mag-

alalang magtanong. Nang ang anino ay sumugod sa kanila kanina, ay agad nilang naramdaman

ang matindi at mapaniil na aurang lumalabas mula dito. Ang ganoong uri ng kapangyarihan ay

higit pa sa antas ng kahit sino na kanilang nakasagupa mula sa Twelve Palaces.

Umabot iyon sa punto na nagbigay iyon ng kakaibang pakiramdam sa grupo na ang lakas ng

taong iyon ay mas mababa lamang kay Jun Wu Yao kaysa sa kahit sino man sa kanila na

naroon, higit na mas malakas kay Ye Sha at Ye Mei ng bahagya lamang.

Hindi sumagot si Jun Wu Yao habang nanatili ito sa ere. Si Qiao Chu at ang iba pa na nakatayo

sa likod nito ay hindi napagtanto na ang mata ni Jun Wu Yao ay naging kulay lila na.

Ang matinding pares ng lilang mga mata ay nakita ang isang munting anyo sa umiikot na ulap

ng alikabok at sa isang iglap, ang mata nito ay muling nagbalik sa karaniwang kulay na itim.

Nagtaas siya ng kamay at isang hindi makitang puwersa ang bumuhat sa munting anyo na

nagtatago sa napakaraming kayamanan, dahan-dahang nilalapit sa kaniya.

"Eh? Little Black!" Ang matalim na mga mata ni Qiao Chu ay nakita ang pusang itim habang

dahan-dahan na palapit kay Jun Wu Yao.

Ang sulyap ng pusang itim ay malamig at bahagya lamang sumulyap kay Qiao Chu.

"Si Little Xie iyan." Saad ni Hua Yao,nakatitig at bahagyang nagulat sa pusang itim, mabilis na

inalala ang Soul Transfer Technique na ginamit noon ni Jun Wu Xie nang sila'y nasa Qing Yun

Clan.

Sa katawan ng pusang itim ng mga sandaling iyon, ay siguradong si Jun Wu Xie.

Inunat ni Jun Wu Yao ang kaniyang kamay at idinuyan ang pusang itim na si Jun Wu Xie sa

kaniyang braso, ang kalupitan s akaniyang mga mata ay naglaho ng walang bakas. Banayad na

hinimas ang tainga ng pusang itim at sa malalim at mahinang boses ay sinabi: "Nakita na kita

ngayon."

Inangat ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo at minasdan si Jun Wu Yao.

Bukod kay Qiao Chu at Hua Yao, ang iba ay hindi alam na may ganoong kakayahan si Jun Wu

Xie at ang mga iyon ay natigagal.

Sa ibaba nila, ang tunog ng labanan ay biglang sumiklab at nakuha ang kanilang atensyon.

Hindi nila naisip na mayroong tao sa libingan ng Dark Emperor!

"Kailangan ba nating tulungan si Big Brother Ye Mei?" Nanggigilalas na tanong ni Qiao Chu,

hinimas ang kaniyang kamao.

Umiling si Jun Wu Yao.

Sa ibaba ng malaking bulwagan, ang binata ay hinagis pababa sa lupa ni Ye Mei, ang likod nito

ay matinding bumagsak sa lupa ngunit ang mata nito ay nakatitig pa rin sa malaking ulap ng

alikabok, nakatuon sa lalaki na nasa itaas ng bubong ng bulwagan, bahagyang napayuko ang

ulo at napangiti sa pusang itim na karga nito sa braso, hindi magawang maalis ang tingin sa

anyong iyon.

"Dark…" Nautal ang binata. Bago niya matapos ang sasabihin, ay binigyan ni Ye Mei ng isang

matinding suntok ang binata na naging dahilan upang lunukin niya ang mga salitang iyon.

Ang sakit sa kaniyang mukha sa wakas ang nagbalik sa binata sa kaniyang diwa at naguguluhan

na minasdan ang lalaki na nagdiin sa kaniya sa lupa, ang ekspresyon sa mukha ng lalaki ay

agresibo.

"Ye Mei… Bakit ka…" Hindi naisip ng binata na makikita pa niya ang pamilyar niyang kasama,

hindi naitago ang gulat sa mukha niya.