Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1339 - Ang Kayamanan ng Dark Emperor (1)

Chapter 1339 - Ang Kayamanan ng Dark Emperor (1)

Tila buhay na mga mural ang nakaukit sa pader na bato, ang marikit at abot langit na

pamamaraan ay naging dahilan upang ang mga karakter na nakaukit ay nabuhay. Sa ilalim ng

malamlam na liwanag ay sinilip ni Jun Wu Xie kung ano ang nakaukit sa pader na bato. Ang

buong pader mula sa simula hanggang sa dulo ay nababalot ng mga mural at imbis na sabihin

na ang mga iyon ay mural, ay mas mainam sabihin na iyon ay mga tala sa mga nagdaan na

mga kaganapan.

Sa pader na nasa harap ni Jun Wu Xie, isang lalaki na may suot na maskara ang nakaukit doon.

Ang maskara ng lalaki ay pambihira ang ganda at ito'y nakatayo sa taluktok ng lahat, diretso at

mataas habang ang mga kamay ay nasa likuran, nakaharap sa isang napakalaki at mabangis na

hayop. Ang malaking hayop ay bahagyang nakalubog sa tubig, ang mga galamay nito ay

dumadaluyong, para bang anumang oras ay lalabas ito mula sa mural.

"Ito ang Dark Emperor." Saad ni Jun Wu Xie habang nakatitig sa lalaking may suot na maskara.

Mula sa posisyon na kinatatayuan nito, sa eksenang iyon kung saan siya ay napapalibutan ng

lahat, ay madaling matutukoy ang pagkakakilanlan ng lalaki.

Dahil na rin sa katotohanan na siya ay naroon ngayon sa libingan ng Dark Emperor, hindi niya

mawari kung sino pa ang nakalarawan doon.

At ang napakalaking halimaw, iyon ay pamilyar kay Jun Wu Xie. Iyon ang dambuhalang

"pugita" na nakasagupa nila sa lawa sa kanilang paglalakbay patungo doon.

Sa mural na ito, maaring ipinapakita dito ang panahon kung saan nasupil ng Dark Emperor ang

"pugita". Kung susundan ang mural sa pader na iyon, bawat nakaukit doon ay tila may

kuwentong sinasabi at kung wala namang kakaibang inaasahan, lahat nang nakaukit sa mural

ay maaring ang walang hanggan na parangal sa marangal na buhay ng Dark Emperor.

Ngunit ang minamasdan ni Jun Wu Xie ay hindi ang simula o ang huli.

Sa mural na iyon, ang misteryosong lalaki na nakasuot ng maskara ay walang duda na ang

Dark Emperor at sa bawat ukit, ito'y mag-isa na nakatayo sa itaas ng lahat. Walang

nakakaalam kung ang mga tao mula sa Dark Regions ay sinadyang gawin iyon ngunit sa mga

mural na iyon, tila ang Dark Emperor ay makapangyarihan.

Sinupil ang mga halimaw, tinalo ang isnag buong hukbo, naghari sa buong Middle Realm.

Sa pagmamasid sa ilan sa mga mural, bawat isa ay ipinapakita ang lakas ng Dark Emperor at

tila wala itong kapantay.

"Ito ang Dark Emperor? Bakit kailangan niyang magsuot ng maskara?" Tanong ng pusang itim

habang tamad na iwinawasiwas nito ang buntot, tila nagtataka ito. Nang banggitin ni Qiao Chu

at ng iba pa ang Dark Emperor noon, ay wala silang nasabi na ang Dark Emepror ay nakasuot

ng maskara.

"Hindi kaya dahil sa pangit ito?" Masamang naisip ng itim na pusa.

Umiling si Jun Wu Xie habang naglakad ito patungo sa isa pang mural, at tinitigang maigi ang

napakagandang maskara na nasa mukha ng Dark Emperor.

"Ang disenyo ng maskara ay natatangi at nakita ko na ito noon. Naaalala mo pa ba noong

tayo'y may ginawang eksperimento sa spell na nasa mga bato? May ilan doon na hindi ako

sigurado sa kahulugan at sa maskarang iyan ay nakaukit ang parehong mga bato na hindi ko

maintindihan." Saad ni Jun Wu Xie habang maingat na sinasalat ng kaniyang kamay ang mga

rune spell na nakatago sa mural.

Wala siyang maramdaman na ang isang lalaki na napakalakas at nagawang mapasunod ang

buong Middle Realm sa kaniya ay magsusuot ng maskara dahil sa kaniyang hitsura. Sa tototo

lang, ang maskara ay idinagdag ng manggagawa ng Dark Region matapos pumanaw ng Dark

Emperor.

Sa walang kapantay na lakas ng Dark Emperor at sa kaniyang ipinagmamalaking posisyon sa

Dark Regions, ang mga tao mula sa Dark Region ay hindi mangaahas na ilarawan ng tama ang

mukha ng Dark Emperor at ito ang tanging paraan na kanilang magagawa sa mga nakaukit

dahil hindi sila mangaahas na lapastanganin ang Dark Emperor sa kanilang paglalarawan. Kaya

naman, kanilang idinagdag ang maskara at ang mga bato na nakaukit sa maskarang iyon ay

maaring mayroong espesyal na kahulugan.

Patuloy na minasdan ni Jun Wu Xie ang mga mural at kung ang mga kuwento ay totoo, na ang

lalaki na minsang naghari sa buong Middle Realm ay nagtataglay ng lakas na higit pa sa

anumang alam nila.

Sa malamlam na liwanag na iyon, ang mga mural ay pinuno ang bawat isang pader na naroon

at habang patuloy sa paglalakad si Jun Wu Xie sa pasilyong iyon upang humanap ng lagusan

palabas, ay kaniyang tinititigan rin ang nakaukit sa mga pader.

Related Books

Popular novel hashtag