Naging mabilis ang lahat ng pangyayari at hindi na nagawa ni Jun Wu Xie na makatugon sa
anumang paraan bago nilamon ang munti niyang anyo ng kadiliman!
Sa isang iglap bago siya makaladkad sa kadiliman ay nakita niya ang anyo ni Jun Wu Yao na
nagmamadali patungo sa kaniya at sa pamilyar na mukhang iyon, sa kauna-unahang
pagkakataon ay nakita niya ang pagkataranta.
Isang iglap lamang iyon, at pagkatapos ay kadiliman na ang kaniyang nakita.
Hindi niya alam kung saan siya nahulog at sa kadiliman na iyon tila dumadausdos siya pababa.
Makitid at matarik ang puwang habang patuloy siya sa pagdausdos kasabay ng mga bato.
Sa kadilimang iyon ang tanging naririnig niya ay ang pagguho ng mga bato.
Matapos ang may katagalan na pagdausdos, sa wakas ay nakatapak ang paa ni Jun Wu Xie sa
patag na lupa. Unti-unting napawi ang kadiliman habang ang malamlam na apoy ay
pinaliwanag ang tagpo sa kaniyang harapan.
Nahulog si Jun Wu Xie sa lugar na tila isang palasyo sa ilalim ng lupa!
Ang pader sa buong paligid ay puno ng buhay na buhay na mga nililok na nasa bato. Pumihit
siya upang masdan ang lugar kung saan siya nahulog at sa sandaling siya ay pumihit upang
sipatin iyon, isang batong pintuan ang biglang bumukas mula sa itaas, at tuluyang nabuksan
ang lagusan kung saan siya nanggaling!
Sinubukan ni Jun WU Xie na wasakin ang malaking tipak ng bato ngunit iyon ay talagang
napakatigas na kahit pa itaas niya ang kaniyang spirit power sa Purple level ay hindi man lang
niya magawa na umuka kahit kaunti sa batong iyon!
At dahil sa ang labasan ay may harang at hindi basta nawawasak, walang magawa si Jun Wu
Xie kundi ang sumuko. Inangat niya ang kaniyang ulo upang masdan ang kaniyang paligid. Ang
lugar kung nasaan siya ngayon ay tila isang malapad na pasilyo at sa nakapalibot na mga pader
ay mayroong mga batong lampara na nililok sa anyo ng hayop, ang bawat isa ay may hawak na
mainit na naglalagablab na apoy. Ang layo sa bawat lamparang hayop ay pareho ang sukat at
ang nakasinding mga lampara ay hindi ganoon kaliwanag kaya naman ang buong lugar ay
medyo madilim.
"Ito ang libingan ng Dark Emperor?" saad ng pusang itim na nakaupo sa balikat ni Jun Wu Xie
habang pinapagpag nito ang dumi na nakadikit sa katawan nito. Nang mahulog si Jun Wu Xie,
iyon ay nasa balikat nito tulad ng dati at kasabay niyang nahulog.
"Ito na nga dapat." Sagot ni Jun Wu Xie habang tinitipon ang kaniyang diwa.lahat sila'y
hinahanap ang lagusan papasok sa libingan ng Dark Emperor at sa huli, hindi niya naisip na
"makakapasok" siya doon ng hindi sinasadya at hindi niya alam kung tatawa o iiyak ba siya.
Ang libingan ng Dark Emperor na naging dahilan upang dumanak ang dugo ng mga tao sa
Middle Realm at halos iluwa nila ang kanilang mga puso sa paghahanap, sa wakas ay inangat
ang lihim nitong tabing sa harapan ni Jun Wu Xie ngunit sa kamalasan, siya lamang mag-isa
ang nakapasok sa loob ng libingan ng Dark Emperor. Iniisip niya kung kamusta na kaya ang
mga kasama niya sa labas?
Sa isip ni Jun Wu Xie ay ang huling ekspresyon ni Jun Wu Yao na bumakas sa mukha nito nang
hindi sinasadya.
Balisa at pagkataranta. Iyon ang unang pagkakataon na nakita niya ang ekspresyon na iyon sa
mukha nito.
Bagamat hindi iyon bagay dito, ay tila natatawa siya sa bagay na iyon. Sa labas, siguradong
galit na galit na ito dahil sa pagkataranta.
"Walang lason ang hangin dito." Saad ni Little Black habang sumisinghot ito, ang pang-amoy
nito ay masydaong sensitibo kumpara sa mga makina.
"Talagang kakatwa dito. Ang libingan ng Dark Emperor ay isang himlayan, kaya paanong
nangyari na wala man lang maski kaunting sangsang ng pagkabulok dito? Walang anumang
kakaibang amoy sa hangin at ang mga lampara, bakit sila nakasindi? Ang Dark Emperor ay
maraming taon nang pumanaw kaya sino ang nagsindi ng mga lamparang ito? Hindi naman
siguro multo…" Saad ng pusang itim habang kinikilabutan. Wala itong kinakatakutan sa
Heavens at Earth bukod lamang sa multo…
Dumako ang sulyap ni Jun Wu Xie sa pusang itim sa pagnais na paalalahanan ito na ang mga
multo tulad ng tawag doon, ay ibang tawag para sa mga spirit bodies at sa ibang pananaw,
hindi ba't ang pusang itim ay isa ring "multo"?
Ngunit ang sinabi ng pusang itim ay hindi rin naman masasabing walang dahilan. Napansin din
iyon ni Jun Wu Xie. Iyon ay mga apoy nga na nagliliyab sa mga lamparang korteng hayop at
ang mga apoy na iyon dapat ay mayroong hangganan sa kanilang pagliyab. Matagal na
panahon nang pumanaw ang Dark Emperor ngunit ang mga apoy na iyon ay hindi pa rin
namamatay kaya naman iyon ay talagang nakakapagtaka.