"Anong ibig mong sabihin sa laban ang lason gamit ang lason din? Sinasabi mo bang...para malabanan ang mga Bone Corroding Tree, ikaw ay…" Hindi na natapos ni Qiao Chu ang kaniyang sinasabi dahil sa sobrang gulat. Hindi sya makapaniwala sa ideyang iyon. Ang pinakamahirap sa lahat ay napakaraming Bone Corroding Trees ang nagkalat sa kagubatang iyon. Kahit pa puno ng lason ang Cosmos Sack ni Jun Wu Xie, hindi pa rin iyon sapat.
"Bakit hindi?" Umangat ang isang kilay ni Jun Wu Xie. Sa isip niya ay isa itong magandang ideya!
Noong una ay naisipan niyang gamitin ang spirit power para gumawa ng daan sa gitna ng mga naglalakihang puno ng Bone Corroding Tree. Pero kapag sinira ang mga punong iyon ay mas dadami lang ang mga dagtang may lason. At kahit pa uminom na ng Poison Neutralizing Elixir ang grupo, hindi pa rin magiging sapat iyon.
Kung may iba pang paraan, malugod na susubukan iyon ni Jun Wu Xie.
Sa lahat ng lason sa mundon, isang lason lang ang alam niyang tatapat sa lason ng Bone Corroding Tree.
"Pero...gaano karaming lason ang kakailanganin?" Tanong ni Qiao Chu.
Agad namang sumagot si Jun Wu Xie: "Hindi mahalaga ang dami."
"Huh?"
Hindi na ipinaliwanag pa ni Jun Wu Xie kay Qiao Chu ang lahat. Bagkus ay humakbang siya palapit at isang matingkad na pulang ilaw ang nagningning sa kaniyang mga daliri!
Ang pulang ilaw na iyon ay unti-unting lumalaki hanggang sa ilawan nito ang malaking parte ng lugar. Maya-maya lang ay naghugis tao ang ilaw na iyon.
Iyon lang ang natatanging paraan na alam ni Jun Wu Xie na makapagbibigay ng lason na tutumbas sa Bone Corroding Tree.
Makalipas ang ilang sandali naglaho ang pulang liwanag at nagpakita ang pigura ng isang matangkad na lalaki sa harap ng lahat. Napunit sa mala-demonyong ngiti ang labi ng lalaki. Naglakad ito palapit sa grupo at nang tumapat siya kay Jun Wu Xie ay lumuhod ito at yumuko.
"Mistress, ano pong maipaglilingkod ko?" Saad nito sa mababang boses. Dahan-dahan itong nag-angat ng mukha at mapungay ang mga matang tumingin kay Jun Wu Xie animo'y si Jun Wu Xie lang ang tanging nakikita nito.
Akmang magsasalita na sana si Jun Wu Xie nang isang itim na usok ang lumitaw sa likuran ni Jun Wu Xie at iniluwa non ang isang lalaking matalim ang titig kay Poppy!
Nataranta naman si Poppy nang balutin ng itim na usok ang kaniyang katawan!
"Makita pa ulit kitang ganiyan tumingin kay Little Xie makikita mong hinahanap mo." Umalingawngaw sa tenga ng lahat ang bantang iyon ni Jun Wu Yao.
Natigilan ang lahat dahil sa pangyayaring iyon.
Nagsalita naman si Jun Wu Xie: "Siya ang ring spirit ko."
Pagak na tumawa si Jun Wu Yao: "Alam ko, kung hindi, patay na siya ngayon."
[Ang lakas ng loob niyang tignan ang kaniyang Little Xie ng ganoon. Wala akong pakialam kung isa lang siyang ordinaryong lalaki o isang ring spirit.]
"Er…" Hindi alam ni Jun Wu Xie ang sasabihin niya sa mga oras na iyon. Gayong alam ni Jun Wu Xie ang kaniyang nararamdaman kay Jun Wu Yao, ang "selos" ay nakakapanibago pa rin sa kaniya. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit ganoon na lang ang galit ni Jun Wu Yao.
[Ito ang unang beses na makita niya si Poppy hindi ba?]
[May nagawa agad mali sa kaniya si Poppy?]