Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1315 - Bone Corroding Forest (1)

Chapter 1315 - Bone Corroding Forest (1)

Gaano ba kalayo ang naabot ng isang atake ni Jun Wu Yao?

Maging sila Qiao Chu ay hindi iyon maestima. Namalayan na lang nila na durog-durog na ang mga yelo sa paligid. Kumikinang ang pulbos na yelo nang tamaan iyon ng liwanag.

Buong magdamag silang naglalakad sa yelong daan. Nanginginig silang naglalakad doon at namamanhid na rin ang kanilang mga kamay. Kinailangan nilang gamitin ang kanilang spirit power para magkaroon ng init sa kanilang mga katawan.

Kung hindi dahil sa "atakeng" iyon ni Jun Wu Yao, mas mahaba ang oras na kanilang bubunuin sa paglalakad sa lugar na ito.

Gumawa si Jun Wu Yao ng daan dahilan para masa mapadali ang kanilang paglalakad. Gayong natuwa si Jun Wu Xie doon, bahagyang kumunot ang kaniyang noo. Nakaamoy siya ng nakakasulasok na amoy. Ang amoy na iyon ay naging dahilan para sumakit ang kanilang mga lalamunan. Tila sila ay nakaamoy ng acidic at toxic gas.

"Sandali!" Napatigil sa paglalakad si Jun Wu Xie. Lumalala ang amoy na iyon. Mas lalong nananakit ang kaniyang lalamunan dahil doon.

"Bakit?" Tanong ni Qiao Chu habang pinagkiskisan ang palad. Pagkalipas ng isang buong araw ng paglalakad sa yelo, nanuot na ang lamig sa kaniyang kalamnan.

"Sandali lang. Tumigil muna tayo." Saad ni Jun Wu Xie habang sumisinghot-singhot. "Hindi niyo ba naaamoy ang kakaibang amoy na iyon?"

Tumigil naman ang grupo sa paglalakad at suminghot-singhot. Pero dahil maging ang kanilang mga ilong ay namanhid na, nahirapan silang tukuyin ang amoy na iyon.

"Wala akong maamoy gawa ng pamamanhid ng aking ilong." Saad ni Fei Yan. Napakababa ng klima sa lugar na iyon at kailangan pa nilang gamitin ang kanilang mga spirit power para panatilihin ang temperatura sa kanilang katawan.

"Wala din akong maamoy." Umiiling na dagdag ni Rong Ruo.

Mas wais naman sina Hua Yao at Fan Zhuo, alam nila kung paano huminga ng normal. Nakatakip ang kanilang mga kamay sa kanilang ilong para hindi gaanong malamig ang kanilang sisinghutin.

Dahil mas makapangyarihan si Ye Sha at Ye Mei, hindi sila gaanong tinatablan ng lamig. Ngunit hindi rin sila gaanong maapektuhan ng masangsang na amoy.

"May napansin ka bang mali, Little Xie?" Tanong ni Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie.

Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo ni Jun Wu Xie: "Hindi pa malinaw sakin, pero mukhang may mali sa hamog sa lugar na ito. Sigurado akong may kakaiba." Dahil siya lang ang nakakapansin noon, walang ibang magawa si Jun Wu Xie kundi manghula.

Inabot niya ang kaniyang Cosmos Sack na nasa kaniyang bewang at inilabas mula doon ang ilang elixir para sa lason at iniabot iyon sa grupo.

Related Books

Popular novel hashtag