Si Qiao Chu ay hinamak at ang ngisi na nasa kaniyang mukha ay biglang naging lungkot habang
napayuko ang ulo at nagtago sa likod ng matangkad na si Hua Yao at isang sulsol na pagkibot
ang namuo sa sulok ng kaniyang bibig.
[Naiintindihan niya ang dahilan nila… ngunit ang gusto lamang niya ay magmukhang sikat sa
harapan ng iba!]
[Tsk! Itong mga walang pusong tampalasan… hindi ba nila magawa na isipin ang kaniyang
nararamdaman!?]
Matapos ang pagsubok ni Qiao Chu na magmukhang sikat at pagkatapos ay hinamak, ang iba
sa mga kasama ay nagsalitan. Kinontrol nila ang spirit power na tinipon sa mga kamay at
ginawa ang lahat upang mapanatili ang pagsabog sa tatlong metro na lapad.
Si Hua Yao at ang iba pa ay nagawang magpasabog ng daan na halos dalawampung metro at
kumpara sa termino ng bisa, ang puri ni Qiao Chu ay nadurog sa pira-piraso.
Ang mas kahiya-hiya pa ay… wala sa kanila ang nagtaas ng kanilang kapangyarihan sa Purple
Spirit, ginamit lamang nila ang kanilang Blue Spirit!
Ang Purple Spirit ay mabilis na inuubos ang kanilang spirit energy at sa kasalukuyang
sitwasyon wala sa kanila ang tanga na magsasayang ng kanilang spirit energy sa ganoong
mapanganib na lugar.
Bukod kay…
Qiao Chu na bobo.
Nagpunta sa Likuran si Fan Zhuo matapos mabawi ang kaniyang spirit power at nagpatuloy
pasulong kasama ang grupo. Nakapagbukas na sila ng daanan na halos isangdaan ang metro at
nakita na rin ang Spirit Fire Globe na ibinato kanina ni Jun Wu Xie ngunit hindi pa rin nila
makita ang anumang senyales na mararating na nila ang dulo. Subalit, wala silang ibang
mapagpipilian kundi ang magpatuloy.
Si Ye Sha ang susunod pagkatapos ni Fan Zhuo at sa isang tira, isang mahaba na malutong na
tunog ang tuluy-tuloy na umalingawngaw, kung saan isang napakalawak na hanay ng icicles
ang nawala sa kanilang paningin sa likod ng makapal na hamog ay pinasabog, ang mahabang
alingawngaw ay huminto matapos ang ilang sandali.
Lumuwa ang mata ni Qiao Chu, at gulat na tinitigan ang mabagsik na mukha ni Ye Sha.
Malinaw nilang alam na si Ye Sha ay mas makapangyarihan kaysa sinuman sa kanila, ngunit
kung gaano, ay hindi pa malinaw sa kanila iyon. Ngunit ngayon, nang masaksihan ang isang
pagtira mula kay Ye Sha, nahantad sa kanila kung gaano kalaki ang agwat ng kapangyarihan ni
Ye Sha sa kanila…
Ang puwersa na dala ng spirit powers ay humihina habang ito'y papalayo. Sa bawat metrong
layo, ang puwersa ay hihina ng kalahati, kung gayon, ang distansya ng lawak mula sa
pagpapasabog ni Qiao Chu at ng iba pa, ay pare-pareho lamang ang haba, ang pare-parehong
sukat ng kanilang kapangyarihan ay walang malaking pagkakaiba sa distansiyang sinakop.
Ngunit ang isang tira mula kay Ye Sha, ay nagpaantala sa kanila sa likuran!
Si Qiao Chu at ang iba pa ay halos sabik na magpatuloy pasulong, upang sukatin gamit ang
kanilang mga hakbang kung gaano kalayo ang nilakbay ng pagsabog mula kay Ye Sha.
Habang naglalakad at nagbibilang, ang mga kabataan ay halos mawalan ng ulirat sa matinding
pagkagulat.
[Limandaang metro…]
Matapos pagsama-samahin ang resulta, pakiramdam ni Qiao Chu ay nais niyang itago ang
mukha.
Nang maalala niya ang malaking butas na unang ginawa niya,at minasdan ang nagawa ni Big
Brother Ye Sha…
Siya ay talagang nahiya!!
Dahil doon ay nahantad din sa kanila kung gaanong nakakatakot ang kapangyarihan ng Ye Sha
ngunit ang hindi nila alam, ay hindi pa iyon ang buong lakas ng tunay na kapangyarihan ni Ye
Sha. Dahil sa espesyal na dahilan, ang kapangyarihan ni Ye Sha ay pinigilan at hindi niya
nagawang tawagin ang buong lakas.
Sapagkat kung hindi, ay matatalo siya sa kamay ni Elder Hui.
Mahinahon lamang si Ye Sha at hindi nagpakita ng kahit kaunting kapalaluan. Pagkatapos niya
ay si Ye Mei naman at ang epekto ay mapangwasak rin katulad ng kay Ye Sha.
Dahil sa dalawang lalaki na nagpakita ng magkasunod na matinding kapangyarihan, ay
pinasakitan nito ang grupo ng mga kabataan na mainit ang mga dugo at ginawang kahabag-
habag. Kahit na pagsamahin ang distasiya na ginawa ng mga kabataan, iyon ay isang-kalima
lamang sa ginawa ni Ye Sha o Ye Mei ng mag-isa…
Ang pagkakaiba ay sadyang napakalaki!
Ngunit, kung si Qiao Chu at mga kasama nito ay alam lamang ang tunay na katauhan ni Ye Sha
at Ye Mei, ay maaring hindi sila matigagal ng ganoon.
"Ikaw naman…" Ang sulyap ni Jun Wu Xie ay natuon sa anyo ni Jun Wu Yao na nasa kaniyang
tabi. Sa pagitan ng buong grupo, tanging si Jun Wu Yao ang hindi pa nakakagawa. Ayon sa
pagkakasunod, siya na ang dapat na sumunod.
"Gaano ba kalayo ang gusto ni Little Xie?" Tanong ni Jun Wu Yao at bahagyang yumuko, upang
tingnan si Jun Wu Xie na may ngiti sa mukha.