Napataas ang kilay ni Jun Wu Yao at tumingin sa nalilitong ekspresyon ni Jun Wu Xie at
tumatawang sinabi.
"Sa parteng ito ng paglalakbay, hayaan mo ako na dalhin kita sa ibaba."
"Ano?" Nagulat si Jun Wu Xie.
Binuhat ni Jun Wu Yao ang naguguluhan na si Jun Wu Xie at dahan-dahang naglakad patungo
sa dulo ng Heaven's End Cliff, ang paa niya ay nakatapak sa ihip ng hangin, subalit ang
katawan ay pambihira pa rin ang katatagan.
"Hindi ba't ang paraan na ito ay mas madali?" Tanong ni Jun Wu Yao habang nakangiting
tumingin kay Jun Wu Xie, ang ibaba ng tila ubod-lalim na Heaven's End Cliff sa ilalim niya ay
walang pinagkaiba sa matigas na lupa habang nakatayo ito sa ere, habang dinadali siya sa
isang mabagal at dahan-dahang pagbaba.
Si Qiao Chu ay nakaramdam ng matinding kagalakan at sabik na bumaba habang mahigpit na
hinawakan ang lubid upang bumaba ng paunti-unti. Dahil sa pagkakaroon ng karanasan noon,
ay alam nilang hindi sila dapat kumilos ng mabilis sa simula. Kapag narating na nila ang
pinakamahirap na parte ng pagbaba ay saka pa lamang nila dapat tawagin ang kanilang
kapangyarihan na itinabi nila sa buong daan ay ang pinakaligtas na mapagpipilian dito.
"Brother Hua, tingin mo ba ang aking paraan ay malaki ang hinusay?" Mayabang na tanong ni
Qiao Chu habang bumaba sa bangin, ipinagmamalaki ang pag-unlad na ginagawa niya.
Subalit, wala siyang nakita kahita bahagyang reaksiyon sa mukha ni Hua Yao. Ni hindi man lang
niya binigyan maski isang sulyap si Qiao Chu, sa halip ay nakatitig sa likuran ni Qiao Chu, ang
mata niya ay napuno ng pagkagulat.
Nasumpungan ni Qiao Chu na ang rekasiyon ni Hua Yao ay kakaiba at ang hitsura nito ay mas
masasabing hindi siya nito pinupuri, kaya lumingon siya sa direksiyon na tinititigan ni Hua Yao.
Ang isang sulyap na iyon ay halos nagpabitaw kay Qiao Chu sa kaniyang lubid!
Alam niya na ang iba'y nagpapakahirap sa kanilang mga lubid upang itulak ang kanilang sarili
pababa kasama niya.
Ngunit nakita niya si Jun Wu Yao na buhat si Jun Wu Xie sa kaniyang braso, magandang
nakatayo sa ere, at sinasabayan ang mabagal na galaw nila sa pagbaba…
Agad nanlaki ang mata ni Qiao Chu.
Alam niya na mayroong taglay na kapangyarihan si Jun Wu Yao na maglakad sa hangin ngunit
hindi niya naisip na magagamit ni Jun Wu Yao ang abilidad na iyon maging sa lugar tulad ng
Heaven's End Cliff!
Kung mabilis na dinala ni Jun Wu Yao si Jun Wu Xie sa ibaba ng Heaven's End Cliff, kahit paano
ay maiintindihan ni Qiao Chu ang katuwiran na iyon. Ngunit… si Jun Wu Yao ay bumaba sa
napakabagal na paraan at iyon ay malinaw na dahil sa kanila.
Sa ganitong bilis, ang marating ang ibaba ng bangin ay hindi lamang aabutin ng isang araw
mahigit.
Gaano ba kalakas itong si Big Brother Wu Yao na nagagawa niyang manatili sa ganoong estado
nang matagal?
At buhat pa si Jun Wu Xie sa kaniyang braso…
Sa mga sandaling iyon, ay hindi na mahanap ni Qiao Chu ang salita upang ilarawan ang bugso
ng damdamin na nagwawala sa kaniyang puso!
[Tao pa ba si Big Brother Wu Yao?]
[Iyon ay malupit!]
Ang mga salitang iyon ay walang tigil na umalingawngaw sa isip ni Qiao Chu ng mga sandaling
iyon.
Kumpara sa "sariling paraan ng sasakyan" ni Jun Wu Xie, ay nahiya si Qiao Chu dahil sa
kahinaan niya. Ang ilan sa kanila ay nagkaroon na ng karanasan noon at mas handa sila sa
pagkakataong iyon, ngunit walang makakatumbas sa makadiyos na kapangyarihan na taglay ni
Jun Wu Yao.
Tahimik na iniwas ni Qiao Chu palayo ang kaniyang tingin, at bumaling kay Hua Yao upang
sabihin: "Brother Hua, sa iyong palagay, kung manghina ang aking lakas, papayag din kaya si
Big Brother Wu Yao na isakay ako?"
At iyon ang sandali na bumaling ang tingin ni Hua Yao kay Qiao Chu at sinabi sa kalmado at
mahinahon na boses: "Tumalon ka na lang baka mas may pag-asa ka."
"..." Natuod si Qiao Chu.
[Bagama't iyon naman talaga ang totoo, ngunit… hindi ba puwedeng sabihin iyon ni Brother
Hua ng hindi ganoon kaikli!?]
Kaya habang ang lahat ay nagpapakahirap, si Jun Wu Xie ay ligtas na nasa braso ni Jun Wu Yao,
nasisiyahan sa kaniyang espesyal na pribilehiyo.
Sa puntong iyon, ang lahat ay mas pinili na pabayaan sila.
[Masyado itong masakit makita!]
Kailangan ba nilang tusukin ang kanilang amor propyo ng ganito!? Mas nanaisin pa nila na
ibaba na lamang ni Jun Wu Yao si Jun Wu Xie agad doon!
Pakiusap huwag niyo nang pasakitan ang nararamdaman ng mga kabataan na walang sinuman
upang magbigay ng layaw sa kanila sa ganoong paraan!