"Kung anu-ano ang sinasabi ko? Ha ha, isang malaking biro! Kung ang mga gawi ng Flame
Demons Palace ay nakatakda lamang sa loob ng hangganan, bakit mo inatake ang aking mga
tauhan mula sa Palace of All Life ngayon dito?" Ang lalaki mula sa Palace of All Life ay hindi
makakapayag na pakawalan ang katotohanan na ang Flame Demons Palace ay sinasamantala
ang katotohanan na sila ay mayroong mas maraming tauhan at walang patumangga silang
pinapaslang.
Galit na nagsalita ang lalaking nakaberde: "Kung hindi dahil sa kayo na mula sa Palace of All
Life ay lumagpas sa linya at ninakaw ang pagmamay-ari namin, bakit naman namin gagawin
ang ganito!?"
"Ha! Ninakaw ang inyo? Iyan ay haka-haka mo lamang! Kailan pa kami nagnakaw ng bagay na
pagmamay-ari niyo? Malinaw na ang kasinungalingan na iyan ay idinidiin mo sa amin! Iyan ay
walang-kwentang pagdadahilan na ginagawa mo para sa inyo!" Ang lalaki mula sa Palace of All
Life ay galit na galit at sinasabi iyon sa nangangalit na ngipin. Hindi nila ninais na magkagulo
sila ng Flame Demons Palace ngunit ang Flame Demons Palace ay bigla na lamang silang
sinugod, hinuli sila na hindi nakapaghanda. Kung hindi lamang sa biglang pagpapakita doon ni
Jun Wu Yao, maging ang mga taong iniwan nila doon ay papaslangin ng Flame Demons Palace!
Bagama't ang Palace of All Life ay minsan nang naisip na nakawin ang mga mapa, ngunit dahil
sa ang iba't ibang palaces ay naging malihim tungkol sa mapa na kanilang taglay, ay hindi nila
nagawang malaman kung kaninong kapangyarihan nila ibinigay ang mga mapa sa Lower
Realm! Kaya, kahit na nais nilang nakawin ang mapa, hindi nila alam kung saan magsisimula!
Laban sa akusasyong iyon mula sa Flame Demons Palace, ang tingin doon ng Palace of All Life
ay katawa-tawa.
Ang parehong panig ay hindi nais gumalaw. Ang Flame Demons Palace ay nababalisa na sa
paglutas sa alitan kay Ye Sha noon at sa kabilang banda, ang Palace of All Life ay sinusubukan
na putikan ang tubig sa walang tigil na pakikipagtalo sa kanila. Ngunit dahil sa nakakatakot na
presensiya ni Jun Wu Yao doon, ay walang naglakas-loob na magbigay ng suntok.
Ang ngiti ni Jun WU Yao ay hindi nagbago maski bahagya ngunit ang mata niya ay nagdilim
nang walang nakakapansin maski sino.
Sa sandaling ang lalaki mula sa Palace of All Life ay nagmamadali upang itulak ang lalaki mula
sa Flame Demons Palace sa malalim na bangin, isang maitim na tila anino ang biglang
kumislap sa leeg nito!
Agad, ang lalaking iyon ay nawala ang boses. Ang mata niya ay nanlaki dahil sa hindi ito
makapaniwala habang isang manipis na pulang guhit ang lumitaw sa kaniyang leeg. Maya-
maya pa'y sumagitsit ang dugo palabas sa manipis na pulang linyang iyon at ang leeg niya ay
agad namula. Ang gulantang na mga mata ay nakatingin diretso kay Jun Wu yao, tila hindi
magawang tanggapin ang nangyayari sa kaniya!
Isang kalabog ang umalingawngaw!
Ang ulo ng lalaki ay gumulong sa lupa at ang dugo ay tumilamsik palabas sa malaking sugat na
nakabuka! Mainit na dugo ang lumukob sa lugar kung nasaan ang ngayon ay patay na katawan
nito.
At sa ilalim ng umuulang dugo na iyon, ang bangkay ng lalaki ay natumba sa sarili nitong dugo.
Hanggang sa kamatayan, ay hindi niya alam kung ano ang maling nagawa niya. Bakit hindi
kinastigo ni Jun WU Yao ang mga tao sa Flame Demon Palace at sa halip ay pinugutan siya ng
ulo na hindi man lamang gumagalaw!
Ang pinuno ng Palace of All Life ay namatay sa isang iglap!
Ang natirang mga tao mula sa Palace of All Life ay natuod sa kanilang kinatatayuan. Ni hindi
man lang nila nakitang umatake si Jun Wu Yao at ang kanilang pinuno ay namatay nang wala
man lang ingay!
Ang mainit na dugo ay tumatalsik sa kanilang mga mukha ngunit iyon ay nagdala ng kilabot na
sagad hanggang sa kanilang buto!
Hindi kaya ang mahiwagang lalaking iyon ay naroon upang ayusin ang marka sa kanila? Bakit
ito nagalit ngunit ang lalaki mula sa Palace of All Life ang namatay?
Ang lalaking nakaberde na ang puso ay bumara sa lalamunan ay lihim na nakahinga ng
maluwag at may bahid ng galak ang bumangon sa kaniyang puso. Agad siyang naglakad
paharap at magalang na pinagdaop ang kamay sa kamao sa harapan ni Jun Wu Yao upang
sabihin: "Ako ay nagpapasalamat sa tulong ng Senior. Ang ganoong kasamang tao ay
nararapat lamang na mahulog sa ganoong kapalaran. Ang Senior ay tunay na kapita-pitagan at
makatarungan. Ako ay humihingi ng tawad sa kasalanan na dulot ng hindi pagkakaunawaan sa
pagitan natin noon at kami ay handang ibigay ang taimtim na paumanhin sa aming kapatid
dito, umaasa na ang malulutas na ang bagay na ito kalaunan."