Chereads / Genius Doctor: Black Belly Miss (Tagalog) / Chapter 1288 - Muling Pagbisita sa Heaven’s End Cliff (6)

Chapter 1288 - Muling Pagbisita sa Heaven’s End Cliff (6)

"Twelve Palaces." Ang mata ni Jun Wu Yao ay agad naging yelo at ang sulok ng kaniyang bibig

ay nakakakilabot na napangisi. "Nakita niyo ba kung sa anong mga palaces sila nagmula?"

Nang marinig ang pagbanggit ng Twelve Palaces, ang mga mata ni Jun Wu Xie ay nanlamig din.

Ang Twelve Palaces ay hinahanap rin ang libingan ng Dark Emperor at ang kinaroroonan ng

Heaven's End Cliff ay nahayag na. Hindi mahalaga kung mayroon silang mapa o wala, ang

palaces ay magpapadala ng mga tao nila upang galugarin ang Heaven's End Cliff. Hindi ba't

ang bunton ng mga buto na nakita ng grupo noon ay iniwan ng mga taong may parehong

hangarin?

Saglit na tumahimik si Ye Mei habang minasdan si Ye Sha na kakaiba ang reaksyon bago

nagsalita: "Ang isang partido ay ang Palace of All Life at ang isa naman ay… Flame Demons

Palace."

Sa sandaling ang tatlong salita na Flame Demons Palace ay nabanggit, ay napalundag sa gulat

ang puso ni Jun Wu Xie!

Flame Demons Palace…

Noon sa Cloudy Peaks, hindi ba't ang dalawang lalaki na nais dukutin ang ring spirit mula sa

kaniya ay nagmula sa Flame Demons Palace? Masasabing ang insidenteng iyon ay isang

kabiguan na nangyari kay Jun Wu Xie buhat ng siya ay ipanganak muli, ang unang pagkakataon

na nalasap niya ang kapangyarihan ng Middle Realm ay halos kunin ang buhay niya sa Cloudy

Peaks.

Higit doon, ang Ye Sha ng panahon na iyon upang protektahan siya ay pinasabog ang sarili

upang ipakita ang matinding sakripisyo!

Naiintindihan na ngayon ni Jun Wu Xie kung bakit ang mukha ni Ye Sha ay nanlamig.

"Little Xie, may naalala ka ba?" Lumingo si Jun Wu Yao kay Jun Wu Xie. Ang salitang Flame

Demons Palace ay nag-iwan rin ng malalim na tatak sa kaniya.

Naningkit ang mata ni Jun Wu Xie at nakuyom ang kamao.

Bigla, ang mahigpit na nakakuyom niyang kamao ay binalot ng mainit na kamay.

"Ako na ang bahala." Umalingawngaw ang boses ni Jun Wu Yao mula sa gilid ng kaniyang

tainga.

Itinaas ni Jun Wu Xie ang kaniyang ulo upang masdan si Jun Wu Yao.

"Naiintindihan ko na nais ni Little Xie maghiganti, ngunit dahil pababa pa lamang tayo sa ibaba

ng Heaven's End Cliff, bakit kailangan mo mag-aksaya ng lakas sa mga basurang tulad nila?"

Panghihimok ni Jun Wu Yao sa banayad na boses, habang ang isang kamay niya ay marahang

hinihimas ang ulo ni Jun Wu Xie.

"Gusto kong ako mismo ang gumawa." Saad ni Jun Wu Xie sa naniningkit na mata. Ang

kahihiyan na dinanas niya sa Cloudy Peaks ay hindi pa nalilimutan hanggang sa araw na ito.

Kung hindi pinili ni Ye Sha na pasabugin ang sarili, ang mamatay nung araw na iyon sa Cloudy

Peaks ay walang iba kundi siya.

Nais niya ng kabayaran sa pagkakautang na iyon!

Subalit umiling si Jun Wu Yao at hinikayat pa ito: "Sumunod ka. Sa pagkakataong ito, hayaan

mo ako ang gumawa."

Naguguluhang tumingin si Jun Wu Xie kay Jun Wu Yao. Ito ang unang pagkakataon na

hinhimok siya ni Jun Wu Yao na huwag siya ang gumawa.

Naningkit sa dalawang hugis-buwan ang mata ni Jun Wu Yao habang nakatingin sa mahaba at

magandang itim na buhok ni Jun Wu Xie at sa boses na tila walang pagkabahala ay sinabi:

"Ang mga paraan ni Little Xie ay masyado pang banayad. Para sa mga taong minsang nanakit

sa'yo, ay hindi ko nais na ganoon na lamang sila kadaling mamatay. Higit doon, ayoko na ang

lason na ginawa mismo ng iyong mga kamay ay iinumin ng mga ganoong uri ng tao.

Masasayang lamang ang mga iyon."

Kahit na iyon ay lason, hangga't ito mismo ang gumawa, ay papayag siyang inumin iyon, at

hindi ibigay ang karangyaang iyon sa mga insekto mula sa Flame Demons Palace.

Natigilan si Jun Wu Xie. Sa kaniyang pagkakatanda, ito ang unang tao na nagsabi ng… ang

kaniyang "mga paraan ay masyado pang banayad".

Dahil hindi mapabago ang isip ni Jun Wu Yao, sa huli ay sumang-ayon na rin si Jun Wu Xie.

Nag-iwan ng halik si Jun Wu Yao sa noo niya at agad naglaho sa lugar kung nasaan ito kanina,

habang si Ye Sha at Ye Mei ay naging dalawang mabilis na liwanag na mabilis na pumunta sa

harapan!

Si Qiao Chu at ang iba na naglabasan sa kanilang mga karwahe ay narinig ang usapan ni Ye Sha

at Jun Wu Yao at ang mukha ni Qiao Chu at Hua Yao ay mabilis na nagbago ang kulay.

Lahat ng nangyari sa Cloudy Peaks noon, ay talagang nagingkahindik-hindik!

"Anong nangyayari…" Tanong Fan Zhuo habang inaalalayan si Little Jue pababa ng karwahe.

Katatapak pa lamang ni Little Jue sa lupa ng kaniyang makita na si Jun Wu Yao ay hindi kasama

si Jun Wu Xie kaya ang maiksing mga binti ay nagmamadali patungo kay Jun Wu Xie, palundag

na ikinabit ang sarili sa baywang ni Jun Wu Xie, at nagsalita sa malambing at nakakagiliw na

boses: "Little Big Brother."

Related Books

Popular novel hashtag